Eight

148 5 0
                                    

EMPRESS MAIXA

Sa sobrang inis ko sa lider nila ay pinagdiskitahan ko ang mga pobreng mga lalaking to.

"Empress, tama na oh! Galit ka oo alam namin!" sigaw ni Lopez na pinagpapalo ko ng tsinelas ko.

Liningon ko naman si Kumamoto na nakakapit kay Sung. Linapitan ko sila at pinagtutusok nung nakita kong tinidor sa may mesa.

Pagkalabas na pagkalabas ko kanina sa backdoor ay bumalik din ako agad.

At nang makita kong nawala roon si Sinclaire ay bigla nalang nagdilim ang paningi ko.

"Tama na Em please!" pagmamakaawa ni Sung na pinipingot ko yung tenga.

"Yung sugat mo Em baka bumuka!" sabi naman ni Kumamoto na ilag ng ilag sa mga atake ko.

"HE! TUMAHIMIK KANG HAPON KA!" sigaw ko.

Nahagip ng paningin ko ang bulto ni Sinclaire sa may bungad ng kusina.

Binitiwan ko yung tenga ni Sung at yung tinidor.

"Hay, thank you." Mukhang nabunutan ng tinik na sabi ni Sung.

Okay, kalmado na ko. Kalmado na----

"GRRR... PUNYETA KANG SINCLAIRE KA! NAKAKAINIS KAAAAA!!! LAYAS! LUMAYAS KAAAA!!!" sigaw ko habang pinagbabato ko siya ng mga kung anu-anong nakikita ko sa paligid. Samantalang ilag lang siya ng ilag.

"Em, please... Kumalma ka na oh!" mukhang gusto akong pigilan ni Crisostomo pero hindi niya magawa maski lumapit sa kin. Kahit na yung dalawang katabi ko kanina ay nagsilayo sa kin.

🎶I want you pick me up.
Pick me pick me pick me up!
Pick me pick me pick me up!
Pick me pick me pick me pick me up!🎶

Kumalma ako saglit saka kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

[Kamusta ang beybi girl ko?]

"Isang kembot na lang ay magiging mamamatay tao na." sagot ko kay Dada na napatikhim sa narinig niya.

Nakita ko namag napalunok yung iba sa sinabi ko.

[Chill beybi girl. Anyway, I'm so releived nang sabihin ng Kuya Lee mo na okay ka lang.] medyo naging seryoso yung boses niya.

"Ayos lang ako. Geh, may papatayin pa kong bakulaw dito Da." sabi ko saka pinatay yung cellphone ko.

"Em..." kinakabahang sabi ni Hidalgo sa gilid ko.

"Magsilayas na nga kayong lahat habang bumubulong pa sa kin yung anghel dela gwardya ko." sabi ko saka naupo at umubob sa mesa.

Narinig ko ang nagkukumahog na mga yapak na papabas sa kusina.

Bakit ang lamig na naman ata?

"Don't forget to drink your medicine." rinig kong sabi ni Sinclaire.

Tinaas ko lang yung middle finger ko as a reply.

Nang tumahimik ang lahat ay tinawagan ko si Kuya Lee at tinanong kung ano nang nagyari dun kay Mr Sullivan.

Ang sabi niya ay nasa kulungan na iyon at mukhang doon na siya forever.

Pagkatapos kong tawagan si Kuya ay umakyat ako papunta sa kwarto ko at nahiga.

'Pare-pareho nga lang talaga silang mga babae. Kagayang-kagaya siya ni Ynnah.'

Ano bang meron sa ming mga babae at pinag-iinitan kami nitong galunggong na Sinclaire na to?

Buti pa yung si Crisostomo, mukhang unti-unti nang nag-oopen up sa mundo at nababawasan na ang pagiging woman-hater.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon