Chapter Twenty-One

84.3K 2.9K 267
                                    

Chapter Twenty One


"Ano sa palagay mo, King?" ang tanong ni Marko sa lalaking naka-upo sa sofa. Sa dalawang gilid nito naka-upo ang dalawang babae na nanunuod sa nangyayari.

Hindi sinagot ni Nino ang tanong ng beta niya. Patuloy lamang niyang tinitignan ang dalawang lalaki sa harap niya.

"I think you went to the wrong King. Aren't you first years?"

"S-Sa tingin namin, hindi ito isang bagay na pwede naming ipagkatiwala sa kanya," ang sagot ng lalaki na si Cam, galing class 1-c.

"Kahit na gaano pa man kahusay ang King namin, sa ganitong problema mas mabuti kung sa inyo kami lalapit," segunda ng kaklase nitong si Lodi.

"Did you ask your Alpha?"

Namutla ang dalawang lalaki. Naalala nila ang nangyari nang subukan ng alpha nila na ayusin ang problema. Pero bumalik itong puno ng pasa ang katawan. Hanggang ngayon ay nasa ospital ito.

Sa reaksyon ng dalawang lalaki, naging madali para kay Nino na mahulaan ang nangyari.

"Lily, Yana, invite King Pendleton here."

Tumayo ang dalawang babae at lumabas ng silid.

"K-King!" ang halos sabay na sabi ng dalawang lalaki.

"Let's hear your King's opinion first," sagot ni Nino.

Alam ni Nino kung gaano ka-seryoso at ka-delikado ang bagay na ito. Sa totoo lang ay gusto niyang iwasan na ipaalam kay Tammy ang nangyayari. Hangga't maaari ay ayaw niyang mapalapit ito sa lugar na iyon. Ngunit kung siya ang gagawa ng solusyon, mawawala ang respeto ng mga first years sa hari nila. Ito ang isang bagay na ayaw mangyari ni Nino.

Sa ginawang pag-lapit sa kanya ng dalawang lalaki, patunay ito na walang tiwala ang mga first years kay Tammy. Hindi niya maiwasan na maalala ang nangyari sa kanya last year. Nang manalo siya bilang King ngunit iniisip ng iba na dahil lang sa pandaraya na nagawa ni Bullet noon kaya iyon nangyari. Mas malakas si Bullet kaysa sa kanya kaya naman nahirapan siyang patunayan ang sarili niya sa iba.

Kahit papaano, ngayong nanalo na siya laban kay Bullet ay nawala na ang tinik sa kanyang lalamunan. Napatunayan na niya ang kanyang sarili. At iyon din ang dapat gawin ni Tammy ngayong hari na ito. Kailangan nitong ipaalala sa lahat kung gaano kalakas ang isang hari.

Bumukas ang pinto ng music room at pumasok sina Lily at Yana. Kasunod nito si Tammy. Napakunot ang noo ni Nino nang makita ang lalaking kasama nito. Ang napapabalitang first year na muling lalabanan ni Tammy sa susunod na bwan.

Bakit sila mag-kasama?

***

"Boss! Patawarin nyo na kami, Boss!"

Nasa sampung lalaki ang nasa gilid ng building, nakaluhod at nakataas ang mga kamay. Sa harap nila ay ang nakahalukipkip na si Banri. Madilim ang mukha at tila umaapoy sa galit ang mga mata.

"Iniisip lang naman namin na naagrabyado ka, Boss!"

"Oo nga po, Boss!"

Muling naglabasan ang mga ugat sa noo ni Banri sa narinig. Hindi pa yata sapat ang sakit sa katawan na ibinigay niya sa mga ito kanina. Sino ang nagsabing gumawa sila ng gulo habang wala siya?! Tatlong araw siyang hindi pumasok dahil sa sakit ng katawan niya. Pagka-uwi niya sa bahay nila noong sabado ay agad siyang pinapasok sa ring ng tatang niya at doon siya nabugbog.

Hindi pa nakatulong na inalila siya ng kanyang mga kapatid na babae nang malaman ang ginawa niya sa kalaban na si Tammy.

At ngayong akala niya ay malaya na siya sa lahat ng gulo, nang akala niya ay tapos na ang paghihirap niya, mababalitaan niya ang ginawa ng mga kaklase niya. Hindi siya makapaniwala!

High School ZeroWhere stories live. Discover now