Chapter Forty

62.1K 2.2K 269
                                    

Chapter Forty

Dela Cruz Residence,

Villa Merah


"Psst! Psst!"

Lumingon si Blue sa batang nagtatago sa likod ng halaman. Sa liit nito, madali lang para rito ang makapagtago. Kanina pa niya naramdaman ang pagdating nito, pero sadyang hindi niya pinansin.

Ipinagpatuloy niya ang pagpapakain sa mga alagang koi fish ng kanyang ama.

"Hihihi! Psst!"

"..."

"Uy! Bata! Psst!"

Nakailang sitsit ito sa kanya bago sumuko at lumabas na mula sa pinagtataguan nito.

"Ako naman!" nilahad ng bata ang mga kamay nito at gusto kunin mula sa kanya ang pagkain ng mga isda.

Nakita ni Blue ang kabuuan ng batang kumukulit sa kanya. Isa itong batang babae na mukhang manika. Maputi ang balat nito at bilugan ang mga mata – kulay abo ang mga iyon at hindi niya karaniwang nakikita sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang buhok nito ay nakatirintas sa likod nito. Naka-suot ang bata ng light pink na flower tutu dress. Mukha itong flower fairy at kulang nalang ay isang magic wand.

Siguro ay dahil sa mas maliit ang batang babae sa kanya kaya hinayaan niya itong malapitan siya.

Tahimik niyang ibinigay sa bata ang hinihingi nito.

"Kinain nila!" tuwang tuwang sabi nito. "Come, fishy! Fishy!"

Ngayon ang ika-siyam na kaarawan ni Blue. Maraming tao ang pumunta sa kanilang bahay. Kahit na ayaw ni Blue, kahit na hindi siya komportable sa mga taong biglang kumausap sa kanya, kinailangan niyang tumayo sa harap ng mga ito at tanggapin ang mga regalo para sa kanya.

Nang iwan siya ng kanyang Lola kasama ang mga batang ipinakilala nito sa kanya, kaagad siyang pumuslit papunta sa hardin. Dito siya nagtago.

Hanggang sa nakita siya ng batang babae na kasama niya ngayon.

"Ang ganda ng kulay! Siguro masarap silang kainin!"

"..."

"Kapag kinain sila, magiging orange kaya ako?"

"..."

"Ako si Tammy, bata ano'ng pangalan mo?"

"..."

"Bata, ako si Tammy. T-A-M-M-Y, Tammy. Ano'ng name mo?"

"..."

"Bakit ayaw mo'ng mag-salita?"

"..."

'Bakit ayaw mo'ng magsalita?' Tanong na palagi niyang naririnig sa mga taong hindi siya kilala. Isa sa mga rason kung bakit ilag siya sa mga tao. Hindi niya magawang sabihin ang rason dahil hindi niya rin kayang ipaliwanag.

Tumalikod si Blue sa bata at naglakad paalis.

"Bata!" Sumunod ito sa kanya. "Sandali! Saan ka punta? Sama ako!"

Naramdaman ni Blue na hinigit higit ng babae ang manggas ng damit niya.

"Ano'ng pangalan mo?" kulit nito sa kanya. "Wala ka bang pangalan? Kawawa ka naman. Gusto mo... gusto mo ba bigyan kita ng pangalan?"

"..."

Tinuro ni Blue ang mga dandelions hindi kalayuan sa kanila.

"Ano 'yon?" nagtatakang tinignan ng batang si Tammy ang mga asul na bulaklak. Nagkumpulan ang mga iyon sa isang bahagi ng hardin. "Color blue, ang ganda! Pwede kaya ako'ng pumitas ng isa? Ipapakita ko kay Mommy!"

High School ZeroWhere stories live. Discover now