Chapter Thirty-Seven

64K 2.6K 501
                                    


Chapter Thirty-Seven

Tokyo, Japan


Sa isang high rise building, sa loob ng opisina na may moderno at malamig na disenyo...

"Dead?" tanong ng lalaki na nasa early forties ang edad ngunit mukhang mas bata ng sampung taon ang hitsura. Tinitignan niya ang file na nakapatong sa kanyang lamesa. Nandoon ang impormasyon tungkol sa dalawang lalaki na natagpuang walang buhay sa isang abandoned factory. Binuklat ng lalaki ang pahina ngunit wala nang iba pang impormasyon na kadugtong. "Any information on who did it?"

Sa totoo lang ay wala siyang pakialam sa nangyari ngunit nandoon ang maliit na kuryosidad. Bahagi ng isang maliit na organisasyon ang dalawang taong pinatay. Isang maliit na business lang iyon para sa kanya at hindi niya binibigyan ng masyadong importansya. Ngunit magkaganon man, nasa ilalim parin iyon ng kanyang proteksyon. Sino ang magtatangka na kalabanin siya?

"No evidence was left in the area, Otou-sama. As if nothing really happened there. But..." sagot ng babae na nasa early twenties ang edad.

"But what?"

"The CCTV captured a very distinctive car leaving the city. I investigated the plate number and I came across the name of Cecil Bellini. Most information about that person was highly confidential. I didn't get anything useful."

"Bellini." Saglit na nag-isip ang lalaki at saka kumunot ang noo. "Ahh. Must be Bellini, the old fox."

"Hai?"

Bellini, the Italian mafia. The old fox. 'Cecil? Is he the bastard child of that old fox?'

"Otou-sama, do you want me to investigate—"

"Do you know why some people live longer, Ayumi?"

"Hai?"

"It's because they are smart enough not to provoke people who they cannot afford to provoke." And those two imbeciles probably tugged the tiger's tail.

'So, that's a negative then,' isip ni Ayumi habang nakatingin sa ama.

"You did well, send regards to your brother."

"Hai, wakarimashita."

Lumabas ng opisina si Ayumi at nakahinga nang maluwag. Hindi niya alam kung bakit nakiusap ang kapatid niya na takpan ang ilang impormasyon mula sa ama nila.

'Tammy Pendleton, who exactly are you?'


***

X City General Hospital


"Aray! Araaay!!! Ate!!!" inis na sigaw ni Banri habang inaalis ang kapit ng kapatid niya sa kanyang tenga.

"Masakit? Masakit?! Gabing gabi na nasa layasan ka pa, tignan mo ang nangyari sa'yo ngayon! Nakuu! Binibigyan mo ng problema si Mama! Alam mo naman na stress 'yon ngayon! Dadagdag ka pa!" pagalit na sabi ng Ate ni Banri.

"Tama na 'yan, Marin," awat ng Tatang nila sa kanila nang pumasok ito na may dalang mga pagkain. "Dapat ay inaalagaan mo ang kapatid mo. Hindi mo ba alam na sinagip nyan ang mamanugangin ko? Kwakhakhak! Good job, anak! Manang mana ka talaga sa akin."

"Tang, ano'ng sinasabi mo na manugang? Walang ganon!" tanggi ni Banri na namumula ang magkabilang tenga.

"Wala pa! Kwakhakhakhak!" masayang tawa ng Tatang nila.

High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon