Chapter One

3.6K 35 7
                                    

CHAPTER ONE

BIGLANG nag-init ang ulo ni Bianca ng makitang nagkukwentuhan lang sa isang umpukan ang kanyang mga tauhan sa kitchen gayung malapit na silang magbukas para sa araw na iyon. Kadarating lang niya at medyo kulang pa siya ng tulog dahil sa ikalawang araw pa lang ng lamay ng kanyang mga magulang na parehong nasawi sa aksidente.

Kailangan niyang pumasok sa trabaho dahil sa isang buwan pa lang siya doon. Kahit na pinayagan siyang mag-leave ng may-ari pero tinanggihan niya iyon dahil sa nahihiya siya dito at isa pa marami pa siyang dapat na malaman na mga pasikut-sikot sa restaurant. Kahit na pagod siya ay pinilit niya talagang pumasok doon araw-araw.

            Nang makita siya ng mga ito ay biglang nagsipagkilos ang mga ito at dali-daling bumalik sa kanya-kanyang mga pwesto.

            Tumayo siya sa gitna ng kitchen at kinalma ang sarili. Ayaw niyang magmura ni manermon sa araw na iyon. Kaya pigil ang sariling hinarap ang mga ito.

            “July naman. Saka na magkwentuhan kapag handa na ang kusina,” aniya na pilit na kinalma ang boses niya.

            “Sorry po Ma’am! Nagkatuwaan lang po birthday po kasi ni Eduard ngayon,” paghingi ng paumanhin nito sa kanya.

            “Okay.” Bumuntong-hininga siya. “Sana’y hindi na maulit ito ha? Alam n’yo naman na mabait ako pero ayaw ko lang ng ganito sa trabaho. May mga break naman tayo, hindi ba? So doon natin gawin yung mga ganito o pwede naman magkuwentuhan habang ginagawa natin ang mga trabaho.”

            “Pasensya na po talaga Ma’am! Hindi na po mauulit,” anang ni Eduard, isa sa mga kitchen assistant ni July.

            “O sige, back to work na at malapit ng mag-alas otso,” nakangiting sabi niya habang tinapik ang balikat ni July. Pagkasabi ay agad siyang tumalima at tinungo ang dining area ng dimsum house.

            Hindi naman istrikto si Bianca Agoncillo sa mga tauhan niya. All she wants is a good performance of everyone in the restaurant dahil ang katwiran niya ay pareho naman silang binabayaran ng tama ng management ng restaurant.

            Isang buwan pa lang siyang manager ng Chao Seing sa Cabadbaran City. Dati rati kasi ay manager siya ng Jollibee branch sa Zamboanga pero ng malaman niya na may itatayong fastfood chain sa kanilang lungsod ay sinubukan niyang mag-apply at sa kabutihang palad ay natanggap naman siya saka siya nagresign doon sa Jollibee Zamboanga. Mas gusto niya kasing mapalapit sa kanyang mga mahal sa buhay.

            Labis ang hinagpis na kanyang naramdaman ng maaksidente ang kanyang mga magulang ng papunta ang mga ito sa Surigao para dumalo ng kasal ng pinsan niya doon. Biglang nawalan ng preno ang minamanehong multicab ng Papa Diosdado niya at bumangga sa isang puno ng kahoy sa may Kitcharao pa lang. Parehong dead-on-the-spot ang kanyang mga magulang. Kahindik-hindik ang nangyari sa mga ito at labis ang hinagpis niya pagkakita niya sa ayos ng mga ito kaya ganun na lang kasakit ang kanyang naramdaman sa tindi ng sinapit ng kanyang mga magulang.

            Namomoroblema pa siya sa mga bagong responsibilidad na nakaatang ngayon sa kanya. Ang kanyang bunsong kapatid na si Macy at ang kanyang lolang si Flora. Wala na siyang magawa kundi ang harapin ang mga responsibilidad na ito dahil ito lang din naman ang mga kamag-anak niya na naiwan dito sa Pilipinas. Pinangako niya sa ibabaw ng bangkay ng kanyang mga magulang na hindi niya pababayaan ang kanyang lola at kapatid.

NAKAUPO si Bianca sa isang bakanteng misa ng Chao Seing, isang Chinese restaurant na pag-aari ng kaibigan ng Papa niya. Spin off iyon ng unang successful restaurant nito sa Butuan City at Gingoog City. Sinubukan uling magbukas nito sa Cabadbaran ng malamang tuluyan na ngang naging city ito at wala pang fastfood chain na nakatayo doon.

MEANT TO BE **Published under Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon