Chapter Six

614 16 2
                                    

ISANG umaga nang pumasok si Bianca sa restaurant ay nalaman niya kay Marjohn na umalis si Daniel. Nagpunta raw ito sa main branch nila sa Butuan para magtraining ng mga chefs para sa tatlo nilang bagong branch na bubuksan after two months. Noon lang niya naalala ang memo na ginawa niya noong isang araw para dito. Nakalimutan niya ito dahil sa naging abala rin siya sa mga reports niya. At sa pag-iisip mo kay Daniel, dugtong ng maliit na boses sa isip niya.

Napangiti siya sa isipin niyang iyon.

Tumunog ang cellphone niya. Ngali-ngaling hinanap niya ito sa bag niya. Ang ngalan ni Daniel ang nakadisplay doon sa screen kaya excited niya sinagot ito.

"Hello?" aniyang pilipit ang boses. Lintik ka Bianca! Bakit pilipit boses mo?, kastigo niya sa sarili.

"Kumusta ang pinakamaganda at pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa? Na-miss mo ba ako?" wika nito sa kabilang linya.

Napangiti siya sa tinuran nito. "Binobola mo naman ako eh!"

"Nakapasok ka na ba sa opisina mo?" tanong nito sa kanya.

"Hindi pa. Bakit?" aniyang na-curious at nagmamadaling pumasok sa opisina niya. May nakita siyang isang malaking basket sa ibabaw ng mesa niya. Nakabalot ito sa manipis na tela. Akmang hahawakan na sana niya ito nang may kumikilos doon sa loob. "Hoy ano ba ito at may kumikilos sa loob?" nanginginig na tanong niya dito. Nagulat kasi siya nakita niyang may kumikilos doon sa loob ng basket.

"Hmmm... It's for you to find out baby," malambing na turan nito sa kabilang linya.

She found a note on the top of the basket. Dahan-dahan niyang kinuha iyon at binasa.

For the special woman of my life who make my heart to bet again.

Kinilig siya sa nabasa niyang iyon. "Bolero ka talaga," sabi niya matapos basahin ang mensaheng iyon.

"Totoo naman ah! Ikaw naman talaga ang nagpatibok at bumuhay muli sa namatay ko nang puso."

Lalo siyang kinilig sa sinabi nitong iyon. Kung bukas lang ang dibdib niya, tiyak nagpagulong-gulong na sa sobrang tuwa ang puso niya sa mga narinig niya ngayon mula kay Daniel. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagka-teenager ng mga panahong iyon.

"Oo na! Naniniwala na ako sa'yo," nakalabi niyang sabi. "Bubuksan ko na ba?"

"Sige na buksan mo na," utos nito sa kanya.

"Hindi ba ito nangangagat o nanunuklaw? May kumikilos kasi sa loob eh," nanginginig niyang sabi dito.

"Hindi ah! Basta buksan mo na."

Binuksan niya ito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dalawang kuneho na nakalagay doon sa basket. Excited na hinawakan niya ang mga ito at hinimas-himas pareho ang mga ito.

"Wow! Ang cute nila. Thank you. I'm longing to have this kind of pet," tuwang-tuwa niyang sabi dito.

"Para sa babaeng mahal ko gagawin ko ang lahat ng ikakaligaya niya. Happy monthsary baby."

"Oh my God!" aniya nang ma-realize niyang monthsary pala nila ng araw na iyon. "I'm so sorry. I'm really sorry," paghinging-paumanhin niya dito dahil sa nakalimutan niya ang mahalagang araw na iyon sa kanila.

Kung sino pa ang lalaki na inaasahang makakalimutin sa mga mahahalagang petsa o araw ay siya pa ang hindi nakakalimot.

"Okay lang 'yan. Naiintindihan naman kita dahil sa marami kang inaatupag," turan nito.

MEANT TO BE **Published under Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon