Chapter Four

761 18 1
                                    

HINDI mapakali si Bianca sa mga titig ni Daniel sa kanya. Dinala siya nito sa isang bar na nasa gilid ng ilog ng Cabadbaran. They call the place Lantawan. May mga mangilan-ngilang tao din doon. Napa-romantic ng lugar dahil sa outdoor ang set-up nito, maaliwalas ang simoy ng hangin at hindi gaano kaliwanagan ang ilaw. Dagdagan pa ng magandang boses ng isang babae na kumakanta ng bosanova.

"Baka naman sa kakatitig mong 'yan sa akin ay matunaw na ako," untag niya kay Daniel.

"Ha? Ah... Eh... Sorry. Naasiwa ka ba?" anang nito.

"Hindi ba obvious?" nakangiti niyang sabi. Pero sa totoo lang ay gusto naman niya ang ginawa nitong iyon.

Ilang sandali pa ay katahimikan na ang namagitan sa kanila. Nabasag lang ito ng dumating na order na pagkain nila.

Naging matahimik din ang kanilang pagkain. Parang nagpakiramdaman lang sila sa isa't isa. Tila natatakot na itong magsalita baka tarayan na naman niya ito.

"Bakit nga ba bigla kang umalis noong minsang ipinagluto mo kami ng breakfast sa bahay?" pagbasag niya sa katahimikang namagitan sa kanila.

"Ha? Di ba I told you that I have a meeting my with staff, sa kitchen," sagot nito sa kanya na parang nagulat pa sa tanong niya.

"Ganun ba?" tanging sambit niya. Alam niyang hindi iyon ang dahilan. May malalim pa doong dahilan kaya ito umalis.

"Bakit may problema ba?" Umangat ang mukha nito na ngayo'y seryosong nakatitig sa kanya. May kung anong lungkot na nabanaag niya doon.

"Wala naman. I thought na-offend kita."

"Bakit naman ako ma-offend? Regarding what?"

"Nevermind," aniya. Sinabi lang niya iyon dahil baka siya lang ang nag-isip ng ganun kaya ito umalis sa araw na iyon. Pero ang pinagtaka niya ay kung bakit hindi siya halos pansinin nang araw na iyon.

"Gusto kitang makilala ng husto," biglang sabi nito na ikinagitla niya. Seryoso ang mukha nito at ngayo't nakatitig na sa kanya. Naroon iyong pagkamisteryo sa mga mata nito na kay hirap arukin.

"B-bakit naman?" nauutal niyang tanong. Parang napaso siya sa mga titig na iyon.

"I'm interested to you," diretsahan nitong sabi na siyang lalong ikinagitla niya.

Hindi siya nakaimik. Masyado naman yatang mabilis ito para sabihin sa kanya na intresado ito sa kanya. Parang kelan lang silang nagkakilala at ngayon ay sasabihin nito sa kanyang intresado ito sa kanya.

Wow! Ganun na lang ba talaga ako kaganda para magkagusto ito ng ganun kadali ang lalaking ito? Medyo naging mahangin ka na Bianca, ha? "Ah... Mr. Coztimiano. Hindi po siguro tayo nagmamadali ano? Nanliligaw ka ba sa akin?"

"Isn't it obvious?" anang nito na ngayon ay nakangiti na. Matamang nakatitig pa rin sa kanya ito na siyang ikinaasiwa niyang lalo.

Wow! Ang bilis naman ng lalaking ito.

"Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon para makilala ka ng lubusan?" tanong nito sa kanya.

"Ah sige... Bukas ibibigay ko sa'yo ang biodata at mga credentials ko para makilala mo ako ng husto."

He smiled. "That's not what I want. I want to know the entire you."

Desidido nga ang loko!

Bumuntong-hininga siya at seryosong tumitig siya dito. "You have all the time to know me Mr. Coztimiano. Pero, dapat muna nating kilalanin ang isa't isa. Huwag nating madaliin ang panahon. Let's enjoy the moment of knowing each other. Is that okay with you?" nakangiti niyang turan.

MEANT TO BE **Published under Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon