Chapter Ten

1.4K 21 17
  • Dedicated kay Edsel Roy
                                    

 CHAPTER TEN

Los Angeles, California, U.S.A

NAGPALINGA-linga si Bianca ng dumating siya sa airport ng Los Angeles. Hinahanap niya ang sundo niya. Ang pinsan niyang si Kryzten na apo ng kapatid ng lola niya. Magpapatulong siya nito para mapuntahan niya si Jake. Matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Mark, kinabukasan agad ay inasikaso niya ang kanyang mga papeles papuntang Amerika. May kunting ipon siya at iyong ang ginamit niya dagdag pa doon ang ibinigay sa kanya ni Mark.

Masuwerte pa rin siya kay Mark. Kahit na anong pagtataboy na ang ginawa niya nito noon ay nandun pa rin ito at laging tumutulong sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakita ang isang babaeng may dalang karatola. Nakasulat doon ang pangalan niya kaya nilapitan niya ito.

"You are Kryzten?" tanong niya.

"Bianca?"

Tumango lang siya.

"Oh my!" at niyakap siya nito agad. "Welcome to L.A." At kumalas agad ito pagkayakap sa kanya. Tinulungan siya nitong buhatin ang bagahe niya.

"Mabuti na lang at pinasakay ka pa sa eroplano. Malaki-laki na pala ang tiyan mo. Ilang buwan na ba 'yan?" tanong nito na slang ang pagtagalog ng nasa parking lot na sila at kasalukuyang inilagay nito sa trunk ng kotse nito ang mga bagahe niya.

"Limang buwan pa lang pinsan," nakangiting sagot niya.

"Hop in!" aniya na pinasakay na siya nito katabi sa driver's seat ng kotse nito.

"Heto pala ang address ng ama ng anak ko," iniabot niya rito ang papel na sinulatan ng address ni Jake nang nagbibiyahe na sila.

"Talagang mahal mo ang lalaking ito ha at nagawa mo pang sundan dito," nakangiting turan nito ng tinanggap na nito ang iniabot niyang papel.

Ngumiti siya. "I'm not doing this for myself. Para sa anak ko ito."

"Sinasabi mo lang 'yan. But I can see in your eyes that you really love him. This guy is so very lucky to have you. Napakalaki niyang tanga kung papakawalan ka pa niya," turan nito habang nakatuon sa daan ang mga mata nito.

Well, totoo naman talaga ang sinabi ng pinsan niya. She's not doing it for her baby but for herself also. Aminado siyang mahal niya talaga si Jake kaya nilunok na lang niya ang kanyang pride at heto siya ngayon sinusundan niya ito sa Amerika.

"Bukas na natin puntahan ang address na ito. Malayo-layo pa ito sa amin eh. Kailangan mo munang magpahinga at alam kong pagod ka sa biyahe," anang ng pinsan niya.

"Ikaw ang bahala. Wala naman akong alam dito, eh," nakangiti niyang sagot.

Pero ang totoo ay kinakabahan siya kanina pa. Hindi niya alam kung paano haharapin si Jake at kung paano ito kausapin tungkol sa kalagayan niya. Kabado rin siya sa magiging reaksyon nito.

MAHIGIT limang buwan na ang nakaraan ng makauwi si Jake sa Los Angeles. Pagkarating niya ay inayos niya agad ang pagbubukas ng kanyang restaurant doon. Isa iyong Asian food restaurant pero mas maraming Filipino food ang specialty nila.

Sa pagbukas nila ay dinagsa ito ng marami Asyano. Dahil sa masasarap nilang mga luto. Alam na kasi niya ang tamang timpla ng bawat lutuin ng mga Asian Foods kaya huling-huli niya ang mga panlasa ng kanyang mga customers. Kaya pabalik-balik ang mga ito sa kanilang restaurant.

MEANT TO BE **Published under Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon