Chapter Three

843 16 6
                                    

"ANONG ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Bianca kay Daniel ng pagbukas niya ng pinto at ito agad ang kanyang nabungaran.

Naiingayan na kasi siya sa kaka-doorbell nito sa labas kaya kahit antok pa ay bumangon na lang siya para pagbuksan ito.

"I'm here to cook your breakfast,"pasimpleng sagot nito. Nakita niyang may bitbit itong dalawang supot. Tingin niya ang isa ay pandesal ang laman dahil sa bulsetang papel ito.

"Paano mo nalaman ang tirahan ko?" nakataas ang kilay niyang tanong dito. "Ah, alam ko na kay Marjohn na naman. Diyaskeng bakla ito oh. Nilaglag na naman ako."

"Hindi mo ba ako patutuluyin?"

"Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang pakitunguhan ka ng maayos. Baka sabihin mo na talagang masama ang ugali ko," aniya at pinatuloy na niya ang binata.

"Are you alone here?" tanong nito sa kanya ng mailapag na nito ang bitbit na mga supot.

"Kasama ko ang dalawa kong kapatid at lola ko. Bakit? May masama ka bang plano? Kung meron man 'wag mo nang ituloy dahil magiging kawawa ka lang sa akin. Black belter ito," banta niya.

"Ano ka ba? Ang dumi talaga ng isip mo. Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin? I just want to know kung ilan kayo rito at nang ma-estimate ko ang hahandain kong agahan. Papa-reimburse ko pa sa iyo ito," saad nito na isa-isang nang inilabas ang mga laman ng supot.

Tumaas ang kilay niya ng marinig ang sinabi nito. "Ano? Nagdala ka pa ng agahan dito pero ipapa-reimburse din mo naman pala sa akin. Pakiligpit na lang 'yang mga dala mo at wala akong ipang-reimburse niyan."

"Ikaw talaga hindi ka na mabiro. Ang serious mo kasi sa buhay. Ang mabuti pa'y tulungan mo nalang ako at nang pagkagising ng mga kasama mo sa bahay ay kakain na lang sila," nakangiti nitong sabi. Lumitaw na naman ang pantay at puting ngipin nito na siyang kahinaan niya sa isang lalaki.

Napahinga siya ng malalim. Tama nga ito. Masyado na siyang seryoso sa buhay. "Why you are so nice to me?"

"Am I?" nakakunot-noong balik-tanong nito sa kanya.

"Yes you are? O baka feel ko lang. Nevermind na nga. Sige ikaw na munang bahala dito sa kitchen ha and I'll need to fix my bed," pagpapaalam niya.

"No probs Ma'am."

Napangiti na lang siya sa sinabi nito. Parang ang sarap sa pandinig ng bawat sasabihin nito sa kanya.

"KUYA, nobyo po ba kayo ng ate ko?" diretsahang tanong ni Macy ng nakadulog na silang lahat sa mesa.

Muntik ng mabilaukan si Bianca nang marinig niya ang tanong na iyon ng kapatid niya kay Daniel. Nasa kabilang dulo siya kaya di niya masaway ito. Pinandilatan niya ito ng mata pero hindi naman siya pinansin nito.

Tumingin sa kanya si Daniel siguro'y napansin nito na hindi siya mapakali. Nginitian lang niya ito.

Ibinaling muli nito ang pansin kay Macy at ngumiti sa kapatid niya. "Mmm... I'm Daniel, tauhan ako ng ate mo sa restaurant. Pero kung bibigyan ako ng pag-asa ng ate mo, magiging kuya mo na ako forever."

"Ako naman si Macy at siya naman ang bago kong Kuya si Paulo. Bakit nanliligaw ka ba sa ate ko?" tanong nito ulit na animo'y imbestigador na nag-interogate ng kriminal. Parang gusto niyang maglaho na lang doong bigla at baka kung anu-ano pa ang itatanong o sasabihin ng kanyang kapatid kay Daniel.

MEANT TO BE **Published under Lifebooks**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon