Chapter 8

1.6K 53 0
                                    

Sa-Sa POV

Nakatingin lang ako sa ngumi-ngiting mga mata ni kuya es-es ( aish! Hayaan niyo nalang akong tawagin siyang kuya es-es, ang weird kasi kapag slate ang itawag ko sa kanya eh) habang nag kwe-kwento siya kung bakit dito siya nag-aral sa manila.

"Finally dumating ka din" sabi ni insan habang nakatingin sa pintuan ng ice cream parlor.

Sinundan ko kaagad ang tingin niya at nakita ko si jozh na ngayon ay papalapit na samin.

"Jozh? Ba't ka nandito?" Tanong ko habang nakakunot-noo.

Binaliwala niya lang ang tanong ko at walang ganang umupo sa harap namin ni kuya es-es, kaya magkatabi na sila ngayon ni insan. Wala naman siyang sinabi pero deritso lang siyang nakatingin kay kuya es-es.

"Slate Garcia pare" pakilala ni kuya es-es habang naglalahad ng kamay.

Tiningnan lang iyon ni jozh kaya sinipa ko ang paa niya dahilan para mapatingin siya sakin. Pinandilatan ko kaagad siya ng mata.

"Royal Joziah Ybasco, don't call me jozh 'coz we're not close. By the way boyfriend niya ako" sabi niya sabay nguso sakin.

"Hahaha so may boyfriend kana pala ngayon Sa-sa ha" panunukso sakin ni kuya es-es.

"Duuhh! Wag ka ngang makinig diyan kuya es-es, Alam mo namang loko-loko 'yan eh"

"Si ate talaga oh, kinakahiya mo na ba si kuya jozh? Umamin kana nga" dugtong naman ni insan.

"Ewan ko sayo!"

Pagkatapos nun ay isang mahabang katahimikan na naman. Walang hiya!Nagpapakiramdaman lang kaming apat kung sino ang unang magsasalita.

"Uhmm jozh..." simula ko.

"Ano? Sasagutin mo na ba ako?"

"Kapal mo! Itatanong ko lang sana kung nakikilala mo ba si kuya es-es"

Dahil sa sinabi ko kaya napakunot ang noo niya.

"I mean siya 'yung anak ni tita Salvi, yung nag donate ng lupa na pinagtatayuan ng paaralan sa probinsya"

"Oh tapos?" Walang ganang sagot niya.

"Ha? Hindi ka man lang ba nagulat?"

"Ba't naman ako magugulat? Nothing's special anyway" ngumiwi pa siya.

Kainis talaga minsan 'tong taong ito. Nakakahiya kay kuya es-es, sabagay hindi naman talaga sila masyadong close kahit 'nung bata pa kami. Magkakaaway kasi yung mga grupo nila noon. But duuuhh! Noon pa 'yun, noong mga childish pa sila.

"And I'm not interested about him. Because I'm interested about you" seryoso niyang wika. Napaingos nalang din ako.

"Hayaan mo na lang siya kuya es-es, wala kasing modo 'yang lalaking 'yan" bulong ko kay kuya.

"Kailangan ba talagang magbulungan pa kayo?" Mahina pero may diing tanong ni jozh.

Oh? Ano na naman ang problema ng isang 'to? Sasagutin ko na sana siya kaya lang ay bigla nya akong sinubuan ng isang kutsarang ice cream dahilan upang nabilaukan ako.

"Ano ba naman pare, kanina ka pa ha" inis na saway ni kuya es-es kay jozh tsaka hinagod-hagod ang likod ko.

"Tsk! Kung naiinis ka sakin edi pwede ka nang umalis" ganti naman ni jozh sa kanya.

"Anong sinabi mo?"

Kinabahan ako ng kwinelyuhan na niya si jozh. Dali-dali akong pumagitna sa kanila. Parang hindi naman natinag si jozh sa ginawa sa kanya. Tamad niya lang itong tiningnan.

"Sa pagkakaalam ko lakad namin 'to ni sa-sa, simula pa lang dapat hindi ka na dito pumunta" inis paring singhal sa kanya ni kuya es-es.

"Pakialam mo ba, akala mo naman kung sino kang close na close sa babaeng mahal ko"

Napatingin kaagad ako kay jozh dahil sa sinabi niya. Walang hiya naman talaga ang lalakeng 'to oh. Dinadaan sa biro ang lahat.

"Ayan ka na naman jozh ha, akala mo ba nakakatawa pa 'yang pinagsasabi mo?" nilingon ko si insan na nakatingin din samin "Abbei ikaw na ang bahala kay jozh at aalis na kami ni kuya es-es"

Pagkatapos kung sabihin yun ay hinatak ko na kaagad palabas si kuya es-es, nakakahiya na kasi at ang mga mata ng mga tao ay nakatingin na samin.

Pinasyal-pasyal muna ako ni kuya es-es bago naming maisipang umuwi. Ihahatid pa sana niya ako kasi gabi na kaya lang ay nagmamadali siyang umalis dahil may emergency.

"Bakit ngayon ka lang?" bungad sakin ni jozh pagpasok na pagpasok ko palang ng apartment. Dumiritso lang ako sa kwarto ng hindi siya pinapansin.

"At hindi mo pa sinasagot ang tawag namin, sinong kasama mo ha? Yung lalakeng 'yun ba? Nasaan na siya? 'Ni hindi ka man lang niya hinatid?"

Haiist! Pati pala dito sa kwarto sinundan niya ako. Wala talaga akong balak sagutin siya kaya nagtangka akong huhubadin ang damit ko para umalis na siya, pero hanggang ngayon ay nakatitig parin siya sakin.

"Hoy! Wala ka bang balak umalis? Magpapalit na ako ng damit"

"Ha? Uhmm s-sige hihintayin kita sa labas" wika niya na hindi nakatingin sakin at dali-daling lumabas.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na kaagad ako. Naabutan ko silang kumakain sa kusina, lumapit ako sa kanila at uminom ng tubig.

"Ate hindi ka ba kakain?"

"Busog ako, kumain kasi kami kanina ni kuya es-es"

"Ganun ba talaga kayo ka close?" Tanong sakin ni jozh.

"Ha? Bakit masama ba?"

"Hindi lang kasi magandang tingnan na masyadong close ang isang babae at lalake"

"Ganun ba? Eh bakit nandito ka pa?" pabalang kong untag.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Akala ko ba hindi magandang tingnan na masyadong close ang isang babae at lalake, eh ano naman ang pinagka-iba nun sa ating dalawa?"

"Empire— Aish!! Sige aalis ako pero siguraduhin mo lang na hindi ka na gaanong lalapit sa lalakeng 'yun"

Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay laglag balikat na umalis kaagad siya. Fudge!! Nagbibiro lang naman ako men! Hindi ko naman alam na seseryusuhin niya yun.

"Hala ate nagalit siguro 'yun"

"Ha? Hindi ko naman sinadya eh. Malay ko bang seseryusuhin niya"

"Alam mo kanina pa 'yun nakabusangot dito habang naghihintay sayo. Nagseselos siguro 'yun"

"Nagseselos? Hahaha si Royal Joziah magseselos? Bakit naman? At Kanino? Kay kuya es-es? Hahaha Oo crush ko 'yun pero parang kuya ko na din yun 'no. Kaya nga 'kuya es-es' ang tawag ko dun eh"

"Edi ipaliwanag mo kay kuya jozh. Ano ba naman 'yan, hindi pa nga naging kayo tapos nag-aaway na kaagad kayo"

"Ayan ka na naman abbei ha, sinisimulan mo na naman ako. At Oo na makikipagbati na ako sa kanya bukas"

Sana naman bukas mawala na ang tampo sakin ng lalakeng 'yun. Kainis naman kasi eh, bakit ba kasi ang seryoso niya?

Always Be My Baby (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang