Chapter 11

1.6K 56 1
                                    

Sa-Sa POV

Kinabukasan pumasok narin ako sa eskwelahan dahil maayos-ayos naman ang pakiramdam ko. Kapag meron kasi ako ay unang araw lang sobrang sakit ng puson ko tapos wala na. Nagbaon ako ng extrang sanitary napkin in case, alam niyo na.

Kasabay kong pumasok ngayon si abbei at panay ang kulit niya sakin. Tinatanong niya kasi kung sinungitan ko ba ng todo si jozh noong umalis siya kahapon. Hahaha napa-iling nalang ako at napangiti ng maalala ko ang nangyari kahapon.

"Ate sige na, magkwento ka naman. Baka naman ang sweet niyo pala kahapon tapos hindi mo man lang sinasabi sa akin. No. 1 fans niyo kaya ako" pagtatampo pa nito sakin.

"Hahaha wala nga"

"Ayy! Ang daya. Eh bakit tumatawa ka diyan?" napaiwas ako ng tumingin siya sa akin ng makahulugan.

"Hmmm... I smell something fishy. Ate magtapat ka nga, nahuhulog ka na ba kay kuya jozh?" Nilinhon ko kaagad siya at magsasalita na sana ng biglang may tumawag sakin.

"Sa-sa"

Lumingon kami kay kuya es-es na pumasok na sa gate at patakbong lumalapit samin. Nabigla ako ng bigla niyang inilapit ang kamay niya sa noo ko.

"A-anong ginagawa mo kuya?"

"Okay ka na ba? Sabi kasi sakin ni abbei kahapon na masama raw ang pakiramdam mo"

"O-oo okay na ako"

"Talaga? Pansensya ka na dahil hindi man lang kita nakamusta kahapon. Hindi kasi naibigay ni Abbei ang cellphone number mo"

Tinaasan ko ng kilay si Abbei.

"Nalowbat kasi ako kahapon tapos hindi ko pa kabisado ang number mo hihi" tumango-tango ako habang nakatingin parin sa kanya.

"Talaga lang ha?"

"Oo nga!" pagkukumbinsi sakin ni insan.

"Hindi ko narin siya nasundan kahapon kasi mukhang nagmamadali siya. Sasabay kasi sana ako sa kanya papuntang apartment niyo para kamustahin ka" sabat ni kuya es-es sa usapan namin. Tiningnan ko ulit si Abbei.

"S-sige na aalis na ako. Baka ma-late pa ako nito dahil lang sa pagchi-chismis hihi. Kita nalang tayo mamaya ate" sabi ni insan at nagmamadali umalis.

Oh! Ba't nagmamadali ang isang 'yun?

"Nilagnat ka ba kahapon? Sana hindi kana muna pumasok, baka mamaya masinat ka pa"

Nabaling ang atensyon ko kay kuya es-es at hindi ko mapigilang matawa ng mahina. Hahaha Paano ko ba sasabihin sa kanya ang nangyari kahapon?

"Hahaha okay na ako kuya. Wag mo na akong intindihin. Ang importante eh maayos na ang pakiramdam ko"

"Ganun ba? Oh sige. Basta wala kana talagang nararamdaman ha?"

Napangiti nalang ako at nagsimula ng malakad. Naramdaman ko naman na sumunod sakin si kuya at parang nakatingin siya sakin. Ang OA naman ng isang 'to sabi ko namang maayos na ang pakiramdam ko eh. Hayy! Iba nga naman talaga kapag nursing student oh.

Tumigil ako sa paglalakad ng hinawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya kaya bumitaw din kaagad siya. Nandito na pala kami sa harap ng room nila.

"Dito nalang ako"

"Pansin ko nga" sabi ko habang nakasilip sa loob ng room nila.

Always Be My Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now