Chapter 25

1.1K 62 0
                                    

Sa-Sa POV

Napabuntong-hininga ako ng nakita ko si jozh na tumayo ng makita niya ako. Napakunot ang noo niya ng dumiritsong ako sa labas ng bahay, kaya ayun sinundan din niya ako. Ayoko kasing sa loob kami ng bahay mag-usap, baka mamaya niyan eh mag-away pa kami at marinig ni lola.

"E-empire may pasok kana bukas diba? Kailan ka babalik papuntang maynila? At umiyak ka ba? Parang namumugto kasi ang mga mata mo"

Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya. Hahawakan niya sana ako kaya umatras kaagad ako.

"Jozh alam kong hindi yan ang ipinunta mo dito, please go straight to the point" napakamot siya sa ulo dahil sa sinabi ko.

"Y-yung tungkol kanina, S-sorry" hindi ko siya kinibo kaya nagpatuloy siya.

"Hindi ko naman talaga sinadya yun eh. Sorry talaga"

"K! Ngayon umuwi ka na"

"H-ha?"

"Sabi ko umuwi ka na!" nagitla ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay, tatalikuran ko na kasi dapat siya para pumasok sa bahay.

"Empire wag ka namang ganito sakin oh. Sorry na talaga, wag ka ng magalit sakin...please" sabi niya at nag puppy eyes pa ang loko.

Mukha akong matatawa dahil ang cute niya. So ganun lang yun? Magpapacute lang siya tapos mawawala kaagad ang galit ko?

"Sana si lovell nalang yung pinuntahan mo, hindi ako"

Napatakip ako sa bibig dahil sa binitawan kong salita. Nakita ko sa labi niya ang sumilay na ngiti.

"Nagseselos ka ba kay—"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko kaagad yun ng nakita kong si kuya Es-es lang pala. Hayy! Buti nalang na save ako ni kuya sa kung ano man ang sasabihin ni jozh.

"Kuya?" nakita ko sa gilid ng akong mga mata ang biglang pagtingin sakin si jozh.

[Sa-sa sasama ka ba?]

"Saan?"

[Diba nga magce-celebrate kami ngayon dahil nanalo kami]

"Ay oo nga pala, Sige po kuya sasama—" biglang hinablot ni jozh ang cellphone ko.

"Hindi siya sasama sa inyo" sabi niya at pinatay kaagad ang tawag.

"Jozh!"

"GUSTONG-GUSTO MO BA TALAGANG KAUSAPIN ANG ISANG YUN? ATAT NA ATAT KA BA TALAGA NA MAKASAMA SIYA?"

Ayan na naman!! Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.

"ANO BA ANG NANGYAYARI SAYO JOZH? EH ANO NAMAN SAYO KUNG KINAKAUSAP KO SIYA???!!" sigaw ko narin sa kanya.

"SH*T" ginulo ang niya ang kanyang buhok at parang naiirita na siya sakin.

"WAG MO AKONG SINI-SH*T DIYAN HA!! ANO BANG PROBLEMA MO KUNG ANONG GAGAWIN KO?! JOZH WALA KANG PAKEALAM SAKIN!!"

"IKAW ANG PROBLEMA KO!" turo pa niya sakin.

"AH! AT NGAYON AKO PA? SIGE, TELL ME KUNG BAKIT AKO PA NGAYON ANG MAY KASALANAN?"

"F*CK!! EMPIRE CAN'T YOU SEE? GUSTO KITA! GUSTONG-GUSTO KITA. AKALA MO BA NA MADALI LANG PARA SAKIN ITO? EMPIRE NATATAKOT AKO NA KAPAG SABIHIN KO SAYO ANG LINT*K NA NARARAMDAMAN KONG 'TO AY LALAYUAN MO NA AKO.
BATA PALANG TAYO AY NAGTITIMPI NA AKO AT PILIT KONG NILALABANAN ITO. TAPOS NGAYONG MAKIKITA KITA NA HINAHALIKAN NG LALAKENG YUN? KAHIT SABIHIN MO PA NA HINDI NAGKALAPAT ANG MGA LABI NIYO AY NAHAWAKAN PARIN NIYA ANG BIBIG MO. AT AYOKO 'NUN! PLEASE WAG KA NAMANG MANHID. WAG MONG SABIHIN NA HINDI MO MAN LANG NAKITA ANG MGA EFFORT KO"

Napanganga ako sa sinabi niya. A-ano?

Teka! T-totoo ba ang mga narinig ko? Jozh Ba't ganun? Ba't mo ginagawa sakin 'to? T-teka! A-ano ba ang dapat kong sabihin?

"Anong nangyayari dito? Ba't kayo nagsisigawan?" lumabas si lola mula sa bahay.

"L-lola hindi po kami nagsisigawan, ang totoo po nga niyan ay hinaharanahan ko lang ang apo niyo. Aakyat po kasi ako ng ligaw" mas napanganga pa ako sa sinabi niya kay lola.

"Aba kayong mga bata talaga oh. Gabi na ito iho, bukas mo nalang ligawan ang apo ko haha"

"Hahaha sandali nalang po lola kakausapin ko muna ang apo niyo at uuwi na din ako" tumango si lola at pumasok narin kaagad.

Huhuhu lola ba't niyo po ako iniwan dito? Papasok narin sana ako ng bigla niya akong niyakap patalikod. Parang senemento ako na hindi makagalaw.

"Wag mong sabihin na lalayasan mo ako ng ganito? It takes a lot of courage bago ko masabi sayo yun, wala ka man lang bang sasabihin sakin?" pinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"H-ha?"

"Yun sinabi ko sa lola mo, totoo yun ha. Pagbalik natin sa maynila ay liligawan na kita. Bukas ng umaga ay sabay tayong luluwas papuntang maynila" napatango nalang ako sa sinabi niya. Huhuhu kahit huminga yata ay hindi ko kaya.

"Hahaha sige na, magpalit ka na ng damit. Ang baho mo na kasi eh, hindi ka pa yata nakapagpalit mula pa kanina hahaha" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at biglang napalayo sa kanya. Huhuhu mukhang namumula na yata ang pisngi ko. Pero hinawakan ulit niya ang kamay ko. Enebeeee!

"Wag mo sanang pagdudahan ang sinabi ko sayo. Totoo ang lahat ng yun, gustong-gusto kita— screw that, mahal na yata kita" sabi niya at mukhang nahihiya pa. Jusko! Para kaming timang dito.

~~Don't know what to do, Don't know what to say~~
by Ric Segreto

I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feeling I have inside

You're a 'hopeless romantic' is what they say
Falling in and out of love just like a play
Memorizing each line I still don't know what to say
What to say...

Don't know what to do whenever you are near
Don't know what to say my heart is floating in tears
When you pass by I could fly
Every minute every second of the day
I dream of you in the most special way
You're beside me all the time~~

Natameme ako sa sinabi niya. OhEmmm hindi ko alam ang sasabihin ko. Or ano ba dapat ang sabihin ko? Ang gawin ko? First time may nagconfess sakin ng kanyang nararamdaman.

"Hindi tanong yun na dapat mong sagutin. Gusto ko lang sabihin sayo yun kasi yun naman talaga ang naramdaman ko. Mahal kita Sassy Empire Alvarez at paulit-ulit kong sasabihin at ipaparamdam sayo yun"

Hindi parin ako nagsasalita at pinapakiramdaman ko lang siya. Ewan ko, gulat na gulat talaga ako. Huhuhu ano ba kasi ang dapat kong sabihin? Mag ti-thank you ba ako?

"Matulog ka na. Wag mo nang masyadong isipin yun dahil kahit kailan ay hinding-hindi yun magbabago" sabi niya at pinaharap ako sabay halik sa noo ko.

Waaaahhh ba't ganun? Ba't parang kinikilig ako? Mas nanlaki pa lalo ang mata ko. At parang hindi na ako makahinga ng normal. Little butterflies are flying inside my stomach. May ganun ba? Posible yun?

"Susunduin kita bukas ng umaga ha?" tanong niya at tango lang ang sagot ko.

"S-sige pasok na ako" patakbong pumasok ako sa loob. Jusko! Makakatulog pa ba ako ng maayos nito?





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/n:

       Omo! I don't know what to say, I don't know what to do. Ayy! Hindi pala ako kundi si Sa-sa hahaha.

      Yieee! If you like this chapter please consider giving it a vote.

Always Be My Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now