Chapter 19

1.2K 41 0
                                    

Sa-Sa POV

Pagbaba ko sa kotse ni kuya Es-es ay nakita ko kaagad si lola na nagwawalis sa bakuran namin. Sa edad na 77 ay malakas parin talaga siya.

"Lolaaa" tawag ko sa kanya at patakbong yumakap.

"Apo?"

"Ako nga lola" gumanti din siya ng yakap sakin.

"Ba't di ka nagsabi na ngayon pala ang uwi mo? Akala ko pa naman bukas ng linggo"

"Haha gusto kitang isurpresa lola eh"

"Salamat sa diyos at maayos kang nakarating dito. Miss na miss kita apo"

"Ako rin po lola" napabitaw ng yakap si lola ng mapansin niya si kuya es-es na nakatingin samin.

"Si Es-es na ba yan apo?"

"Opo lola" lumapit si kuya kay lola at nagmano.

"Magandang umaga po lola Minda"

"Magandang umaga din iho. Sus maryusep, akala ko nag-uwi na ng lalake dito si sa-sa" napahawak pa si lola sa kanyang dibdib.

"Hahaha Si lola talaga oh"

"Hala sige, pumasok na tayo at para makapag-almusal na"

"Naku lola wag na po. Uuwi pa po kasi ako samin" pagtanggi naman ni kuya Es-es. Galing pa siguro sa byahe ang isang 'to.

"Bawal tanggihan ang grasya" untag ni lola at pumasok na sa bahay.

Nagkibit-balikat nalang din ako kay kuya es-es at pumasok na rin. Sumunod nalang din siya samin hahaha. No choice siya eh.

Pagpasok ko ay tumambad kaagad sakin ang pamilyar na amoy ng bahay. Yun bang makaluma pero alam mo na alagang-alaga. Gawa kasi sa kahoy ang bahay ni lola pero makasisiguro ka naman na matitibay na uri ng kahoy ang gamit dito. Ilang dilubyo na kaya ang nadaanan ng bahay na 'to? Ang kintab pa ng sahig kahit gawa sa kahoy.

Hayyy! Bata palang ako ay ito na ang kinagisnan kung bahay. Lumaki kasi ako sa kalinga ni lola. Mama ko ay namatay noong ipinanganak niya ako. Papa ko naman... Ewan ko, di ko nga nakita ang pagmumukha niya simula pa nang bata pa ako. Napangiti ako ng makita ang mga litrato ko na nakasabit sa ding ding pati mga diploma, magmula pa elementary hanggang makapag tapos ako ng highschool.

Dumiritso na muna ako sa kwarto sa taas. Hayyy! There's no place like home talaga. Noong bata ako kapag natutulog ay dapat nakakulambo, ewan ko kay lola hahaha wala naman masyadong lamok. Kaya nasanay na ako na matulog sa loob ng kulambo Hahaha.

Nagpalit na muna ako bago bumaba para kumain. Simpleng pambahay lang na short at jersey sa pantaas ang suot ko. Every year kasi kapag fiesta dito sa San Juan ay may nagaganap na league para sa basketball. Hinihingi ko kasi palagi ang jersey ni kuya Es-es. Kaya ito, may apelyedong Garcia sa likuran. Bumaba narin kaagad ako at nakita ko sila na naghahanda na ng agahan.

"Apo halika na dito at kakain na tayo"

Lumapit ako sa kanila at naupo. Simpleng tuyo, itlog at sinabawang gulay ang ulam namin pero parang ang sarap na nagsasabing 'kainin mo ako' hahaha. Adik! Gutom lang yan Sa-sa.

"Lola Minda?" tawag ng nasa labas.

Tatayo na sana si lola para tingnan ang nasa labas ng pinigilan ko siya.

"Ako nalang po" tumayo na ako at lumabas.

"Ikaw pala yan Louie at...... Jozh? T-teka! Pasok kayo" gulat kong sambit. B-ba't sila nandito?

Pumasok sila sa bakuran ngunit narito parin ako nakatayo sa labas ng pinto ng bahay.

"Pumunta ako dito kasi paggising ko ay wala ka na sa kabilang kwarto" bungad sakin ni jozh.

"Uhmmm ano kasi... Tulog ka pa ng umalis ako. Kay tita lucy nalang tuloy ako nagpaalam"

"Umalis ka ng hindi nag-aalmusal? Sana ginising mo nalang ako at para maihatid kita dito kay lola Minda" may naririnig pa akong tampo sa boses niya.

"Maayos naman akong nakarating dito eh, atsaka nag-aagahan kami ngayon ni lola"

"Magandang umaga Sa-sa" sabat ni louei sa usapan namin.

"Magandang umaga din. Ba't pala kayo magkasama?"

"Pumunta kasi siya kanina sa bahay, inakala niya na nandun ka pa" untag ni jozh na nakangiwi.

"Pasok kayo" pag-iiba ko ng usapan. Nauna na akong naglakad sa kusina at sumunod naman sila.

"Louie iho ikaw pala yan" sabi ni lola na nakatingin kay louei.

"Nandito rin pala ang isang yan?" bulong ni jozh sakin, na tinutukoy si kuya Es-es.

"Uhmmm lola si jozh pala, yung anak ni tita lucy"

"Jozh ikaw na ba yan? Aba, ang gwapong bata naman nito" lumapit si jozh kay lola na nakangiti at nagmano.

"Ako nga po lola. Ang ganda niyo nga rin po kahit na may edad ka na kayo"

"Hahaha bolero ka parin palang bata ka. Hala magsikain kayo dito" yaya ni lola sa kanila.

"Lola umupo nalang po kayo diyan at ako na ang bahala" inunahan ko na si lola sa pag aruga ng mga bisita.

"Tulungan na kita Sa-sa" sabat ni Louie at lumapit sakin.

"Mabuti pa nga Louie iho. Napakabait mo talagang bata" napatango nalang din ako sa sinabi ni lola. Si Louie naman kasi madalas makasabay sa hapag ni lola since wala nga ako dito at pinapabantayan ko din sa kanya si lola.

"Kamusta nga pala ang buhay maynila Sa-sa?" tanong nito sakin habang sumasandok ako ng ulam at kumukuha naman siya ng pinggan, kutsara at baso.

"Okay lang naman pero kasi grabe ang polusyon doon, hindi katulad dito sa probinsya na ang sariwa ng hanggin. Eh ikaw kamusta naman ang pag-aaral mo dito? Kamusta si lola?"

"Okay naman si lola Minda, maayos naman ang kalusugan niya nitong nagdaang buwan. Tungkol naman sa pag-aaral ko, hindi madaling mag-aral ng criminology. Hahaha mahirap pala maging pulis, palaging may training kahit 1st year palang ng college. Buti sana kung dito ka nag-aral, kaya lang wala namang course na nursing dito sa probinsya eh" malungkot niyang sambit.

"Ehem!"

Napalingon kaming dalawa ni Louie kay jozh na nasa likuran namin.

"Ang tagal niyo kasi, nagugutom na ako" sabi niya habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Hahaha Oo ito na" kinuha ni jozh sa kamay ko ang sinabawang gulay na hawak ko.

"Ako na nga. Baka mapano pa 'to, clumsy ka pa naman hahaha"

Kainis naman ang isang 'to. Dumiritso nalang ako sa hapag at umupo sa gilid ni lola. Ang dami naman ng bisita namin. Unexpected visitors pa.

Always Be My Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now