Chapter 18

1.3K 41 0
                                    

Sa-Sa POV

"Now what?" tanong ko sa kanya at napakamot ulit siya sa ulo na parang hindi alam ang gagawin.

"Teka lang" bigla siyang pumunta sa gilid ng bakuran nila at tumingin sakin.

"Umaakyat ka ba?"

"Haha Oo naman batang pinoy yata 'to kahit nga puno ng bayabas o mangga ay nagawa kong akyatin eh haha" tawa ko habang lumalapit sa kanya.

"Hahaha at ako naman ay nasa ilalim lang nakaabang sayo dahil baka mahulog ka hahaha"

"Tsk. Noong nahulog nga ako tinawanan mo lang ako eh. Sakit kaya sa pwet 'nun"

Pinagtawanan na naman niya ako. Huhuhu totoo naman eh. Buti nalang hindi ako nabalian ng buto. Pinagalitan nga ako ng todo ni lola eh. Kulang nalang siya na mismo ang bumali ng buto ko.

"Hahaha umakyat na nga tayo" nagsimula narin kaming umakyat sa bakuran nila na hindi naman gaanong mataas.

Basta batang makulit talaga ay may sikritong lagusan para lang makalabas at makapaglaro.

"Success" sabi ko nang maayos kaming nakaakyat sa bakuran nila. Pero....

"Hala jozh sarado yata yung front door ninyo"

Ginulo niya ang buhok na parang nauubusan na ng pasensya. Hahaha nakakatawa talaga ang reaksyon niya. Frustrated na ang loko.

"Maaaaaaaa!!!! Buksan Mo Ang Pintooooooo!!!! Bilisan Mo Maaaaaaa!!!!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya. Kinakalampag pa niya ang kanilang pinto. Hinampas ko siya para pigilan

"Hoyy! Si lola hindi dapat abalahin ang pagtulog tapos sa mama mo okay lang? Haha tulig ka ba?"

"Hahaha wala na tayong choice eh. Maaaaa!!!!" patuloy pa niyang sigaw.

Maya-maya lang ay bumukas na ang ilaw at bumukas na rin ang pinto. Tumambad samin si tita lucy na naalimpungatan pa yata.

"Bunsoy ikaw ba yan?" hindi makapaniwalang sambit ni tita at parang nagtataka pa. Natawa tuloy ako sa tawag ni tita kay jozh.

"Ma wag mo nga akong tawaging ganyan"

"Sa-sa ikaw narin ba yan? Namiss kita iha" wika ni tita at niyakap ako.

Gulat na ginantihan ko din si tita ng yakap. Woah! Hindi ko in-expect na may payakap pa ha.

"Ma ako ang anak mo, dapat ako ang yakapin mo" pagmamaktol ni jozh. Hahaha naglalambing na naman ang isang 'to.

"Eh ano naman? Magiging anak ko rin naman siya sa future hahaha diba iha?"

"P-po?" gulat kong tanong.

"Maa!!" kinakabahang sigaw ni jozh.

"Hala hindi pa ba? Hahaha torpe ka parin pala bunsoy?"

"Ma!! Pagod na si empire. Magpapahinga na kami"

"Ooops! Walang matutulog sa iisang kwarto ha. Empire dun ka matulog sa kwarto ni Reign. Hindi niyo pa dapat gawin ang bagay na yun since hindi pa kayo kasal"

"Ma!! Matulog ka na nga lang ulit" pagtataboy ni jozh sa mama niya. Hahaha hindi ko talaga maintindihan ang usapan nila.

"Hahaha Sa-sa doon ka matulog sa kwarto ni reign ha. Malinis naman yun" tumango nalang ako kay tita at pumanhik narin naman siya sa taas.

Always Be My Baby (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang