149 Avelino

479 20 10
                                    

"How do you know if a guy likes you?" I said

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"How do you know if a guy likes you?" I said.

"You just know." Peyton said. "You look like you know."

"Maybe." I said.

"And if that's not enough? Sometimes you just have to trust." She said.

"That they won't break your heart?"

She smiled. "That even if they do, you'll survive. You made it this far, haven't you?"

"Excuse me, ma'am." Napaangat ang tingin ko mula sa librong aking binabasa patungo sa lalaking nagsalita. "Here's your American Espresso and your Architoke Frittata Panini." Wika nito saka inilagay sa mesa ang aking inorder. Matapos ay ngumiti ito at umalis.

I placed my Stephen Hawking bookmark sa librong hawak ko at inilagay ito sa gilid. Then I started eating the food I ordered.

Mahigit dalawang buwan na akong nagpapabalik-balik sa cafe na 'to. Dito ako palaging nag-aalmusal at nagpapalipas ng oras. Wala naman akong mapuntahan ngayong summer. Ayoko namang manatili sa bahay at pakinggan ang away ni Mama at ng bago niyang asawa. My friends have their own summer events at different places kaya 'di ko rin sila maaya gumala.

Libangan ko ang magbasa ng aklat. May sarili akong mini library sa bahay pero nabasa ko na ang lahat ng aklat dun. Maging rito sa cafè ay naubos ko na ang mga non-romance books and novels.

Kaya nung nakita ko ang The theory of Everything book sa bookshelf ng cafè, ay napatalon ako sa tuwa nang akalain kong ito ang aklat na isinulat ng asawa ni Stephen Hawking na si Jane Hawking. Ngunit agad namang napawi ang kasiyahang aking nadama nang maalala kong hindi nga pala The theory of Everything ang title ng isinulat nito kundi Trevelling to Infinity pala. Pero binasa ko pa rin ang aklat. Maganda naman pala kahit may halong romance. Nasa page 300 na ako bago dumating ang waiter na naghatid ng inorder ko.

"Woah! Ang aga mo ngayon, Jane!" Natigil ako sa pagsubo nang marinig ko ang boses na 'yun. Inangat ko ang aking tingin sa lalaking ngayo'y nakaupo na sa upuang nasa harap ko. "Wyatt, isang Nectarine Mascarpone French Toast Panini at Cafe Bombon nga!" Pasigaw na order nito sa lalaking nasa counter.

"Aye aye, boss Nathan!" Sagot naman ni Wyatt.

Muling ibinaling ni Nathan ang atensyon sakin. "So, ba't ang aga mo ngayon? Nauna ka pa sakin ah."

Nathan Drei. Siya ang palaging kumukulit sa kanya sa cafe na 'to. Halos araw-araw rin itong pumupunta sa cafe st trabaho niya ata ang pangungulit. Noong una ay nakakairita but later on, I got used to it. He wasn't bad after all. He's like me. A science freak. Pero 'di obvious sa itsura niya na isa siyang nerd na gaya ko. Mas bagay sa kanya ang tawaging heartthrob. Well, I admit he's got the looks.

"Well, the usual scenario sa bahay." Sagot ko.

"Hmm. Kaya naman pala." 'Di ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang mga problema ko. I feel comfortable talking to him about my problems. He would stay quiet and listen. Then after kong sabihin ang problema ko, he'll give a short advice but very helpful.

JanelleRevaille's Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now