Beware of Gorillas

66 4 1
                                    

Beware of Gorillas
By JanelleRevaille

Ang Highschool ay parang isang zoo. Dito nagsasama-sama ang iba't ibang uri ng hayop na may kanya-kanyang katangian at kanya-kanyang heirarchy na kinabibilangan. There are students who excel at everything, bold nd daring, rich, popular, and everyone's standard. There are those who are average, plain, and simple. Meron ding troublemakers, outcast, o ‘yong mga itinuturing na sumpa ang apat na taon nila sa highschool. And everyone belongs in a certain part of the food chain, be it on the top, the middle or the bottom.

Then, there's the Gorilla. Then, there's the Gorilla. The one who befriends everyone. The one who thinks that everyone in the zoo is equal. Sila ang mga estudyanteng kahit saan belong. Maaari din silang tawaging “Joker” o “Mood-maker”. Kahit sino kinakausap at kinakibigan. Sila yong mga masiyahin, walang pinoproblema, at maingay. Sa kabila ng tensyong ginagawa ng classification, sila ang nagsisilbing liwanag sa dilim.

At ako si Glory Ella Manggubat, isang Gorilla.

“Good morning!” masayang bati ko nang makapasok ako sa classroom.

Good morning, Glory!”, “Morning, Glory!” at “Hyper ka na naman, Glory, ah?” ang karamihan sa bating natanggap ko pabalik. Pero isang bati ang klarong-klaro sa pandinig ko.

“Good morning, gorilya!”

Agad kong sinamaan ng tingin ang lalaking pinanggalingan ng boses na ‘yon. Nasanay na ako sa palagi niyang pagtawag sakin ng gorilya. Leonardo Vicente Torillo, ang top student ng klase namin. Hindi halata dahil mula sa pinakulayan nitong buhok hanggang sa mala-basagulero nitong pananamit. Kung hindi nga lang siya gwapo't matalino baka sa kulungan na siya dadamputin.

“Sa ganda kong ‘to, tatawagin mo akong gorilya? Kain ka nga ng mansanas. It keeps the doctors away. Mukhang may sakit ka na e!”

Isang masigabong tawanan lang ang natanggap ko. Pero halakhak ng Leonardo’ng ‘yon ang nangibabaw sa malakas na tawanan ng mga tao sa classroom. Napaangat ako ng kilay. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Napanguso ako, “Hoy! Hindi ako nagbibiro ngayon! Seryoso ako.”

Tumayo si Leonardo habang sinusubukang pakalmahin ang sarili mula sa katatawa.

“Ikaw nga ang pinakamaganda kung ikukumpara sa mga unggoy!”

Mas lalong lumakas ang tawanan ng karamihan. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at nakangusong naglakad papunta sa upuan ko. Inilagay ko ang bag sa ibabaw ng mesa at padabog na umupo. Sanay na akong maging laughing stock, hinahayaan ko nalang sila.

Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin sa buong classroom. Napangiti ako. Bahala na kung maging laughing stock ako, basta't nakikita ko silang masaya na para bang walang bakod na nagbubuklod sa kanila, na para bang isa lamang kaming normal na section at walang caste system na nagwawatak-watak sa amin. 

Inilabas ko ang aking smartphone at ginawa itong parang salamin. Pero, maganda naman ako, ah?

I squinted my eyes. Meron akong bilugang mga mata, at ang nakakamangha ay kapag nasisinagan ng araw ay kitang-kita ang pagiging light brown nito. ‘Di katangusan ang ilong ko pero hindi rin naman pango. May malambot akong mga pisngi at labi. Kaso nga lang, yung labi ko, dry. At okay, maputla. Pero wala akong sakit. Masigla ako. Mas masigla pa sa daga. Ang isang bagay lang talagang pangit sakin ay ang kulot kong buhok. Hanggang balikat ito at halos ayaw padaanin ang suklay. At sige, pati katawan ko. Hindi ako sexy, hindi ako payat, at hindi din ako mataba. Hindi ko rin maintindihan.

Ibinaba ko ang hawak kong phone at lumingon sa katabi ko.

“Haydn, maganda naman ako, diba? I asked as I batted my eyelashes.

JanelleRevaille's Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now