Senbazuru Part 1

222 11 7
                                    

"Ingat ka ah?" I said then I patted the little girl's head

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ingat ka ah?" I said then I patted the little girl's head. Ngayong araw na kasi ito madidischarge matapos ang ilang buwang pagkakaconfine.

"Opo! Bye po!" Sagot nito saka tumakbo papunta sa mga magulang niyang ngayo'y nasa may main door ng Ospital.

I smiled. Masaya ako't may isang tao na naman akong natulungan. May komplikasyon sa utak ang bata kaya nagstay siya dito for 3 months. Ako ang personal doctor niya at ang naging kalaro niya habang nakaconfine siya. At ngayon, masaya ako't maayos na ang kalagayan nito.

I adjusted my glasses saka tumalikod para bumalik na sa opisina ko. Ngunit agad akong napahinto nang tawagin ako ng bata.

"Doctor Lloyd!" Lumingon ako. Tumakbo ang bata papunta sakin at nang makalapit ay may inilahad siya sakin.

Isang Crane Origami.

"Para po sa'yo. Isang Paper Crane. Wala po kasi akong maisip na ibigay sa'yo bilang pasasalamat kaya naisipan kong gumawa nalang ako ng paper cranes. Marami po sana 'yan kaso isa lang 'yung nakayanan ko. Sorry po." Napangiti ako. I leveled my height with the little girl at kinuha ang paper crane saka ginulo ang buhok ng bata.

"It's fine. You don't need to be sorry. In fact, I actually liked it." Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ng bata.

"Talaga po?" Nakangiti akong tumango. "Yey!" Niyakap ako nito at ginantihan ko naman ito ng yakap.

Napatingin ako sa paper crane.

7 years ago.

"Come back here, Lloyd! I'm not done talking." Dad yelled. 'Di ko na siya pinansin at lumabas na ng opisina.

I heaved a sigh saka tinahak ang kahabaan ng hallway. Amoy medisina ang paligid. Kakaunti lang rin ang taong nakakasalubong ko. Ang ilan ay nakaupo sa mga bench sa gilid. Ang ilang nurse at doctors ay nginingitian ako at binabati. Pero 'di ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

My parents own this hospital. Dito na rin sila nagtatrabaho. They're both doctors. My dad is a neurologist while mom's a cardiologist.

Everyone expects me to follow their footsteps. Everyone wants me to be a doctor. But I don't want to. Sa katunayan ay wala ng direksyon ang buhay ko. I don't go to class. Nakikipagbasag-ulo ako. I smoke. I drink. I even tried taking drugs pero agad akong natigil dahil kay Mom.

Sakit ako sa ulo ng mga magulang ko. But I'm doing this because I want to break-free. I want to get out of their grasp. I don't want them manipulating my life. I want to choose the path I want. Kaya ako nagrerebelde.

Nakarating ako sa garden ng Ospital. Inilabas ko ang pakete ng yosi at sinindihan ito. I puffed the cigarette.

Maraming tao sa garden. Ang ilan ay mga pasyente.

Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na bench. Nang makarating ay napansin ko ang mga construction paper o colored paper na nagkalat sa ibabaw ng bench. May gunting rin at pandikit.

JanelleRevaille's Compilation Of Short StoriesWhere stories live. Discover now