Senbazuru Part 2

139 13 8
                                    

"Are you my daughter's friend? Lloyd, am I right?" Napalingon ako sa nagsalita.

Isang lalaking nakasuit at mukhang nasa 40s na. Siya marahil ang ama ni Lily.

"O-opo." Sagot ko. Ngumiti naman ito saka naglakad palapit sa kung saan ako nakatayo.

"Mabuti naman at nagkaroon siya ng kaibigan habang narito siya sa Ospital." Mababakas sa mata ng matanda ang lungkot habang nakatingin sa kanyang anak na ngayo'y nakaratay sa kama at maraming tubo ang nakakabit sa katawan.

Maski. ako ay nasasaktan sa nakikita. Parang bang pinipiga ang puso ko na nakikita siya sa ganung kalagayan.

"Alam kong bagot na bagot na ang anak ko dito sa Ospital. Alam kong gustong gusto na niyang umalis rito. Kaya laking pasasalamat ko na nandito ka at kinakausap siya."

"A-ano po bang nangyari?" Tanong ko. Ito ang isa sa mga tanong na gusto ko ng mabigyan ng kasagutan.

Paanong mapupunta siya sa ICU kung 'di naman ganun kalala ang sakit niya? Sinabi pa sakin ni Lily na malapit na siyang makalabas sa Ospital.

Nakita kung lumungkit ang mukha ng matanda. Nagbabadyang tumulo ang luha nito. "Kailangan ng tanggalin ang tumor niya sa utak. Naaapektuhan na nito ang optical nerves niya. Pero, 'di sigurado kung... makakaligtas ang anak ko. 50:50 ang tyansa para maging succesful ang operation."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. B-brain tumor? Akala ko komplikasyon lang sa kidney ang sakit niya.

"Alam mo bang, gumagawa ang anak ko ng Senbazuru? Noong una, gusto niya lang gumawa ng ganito para pang-dekorasyon. 'Di siya sigurado kung anong hihilingin niya. Pero nitong nakaraang buwan, sinabi niya saking gusto niyang gumaling. I was happy dahil gusto niyang lumaban. At laking pasasalamat ko sa taong 'yun." Saka niya ako tinignan at muling ibinalik ang tingin sa anak. "Nasa ika-897 na paper crane na siya nang bigla siyang inatake at dinala sa ICU." Tumulo ang luha ng matanda na agad naman nitong pinahid.

Nagusap lang kami ni Mr. Chen, ang ama ni Lily, buong araw. Marami siyang ikinwento tungkol sa anak niya.

Matapos ang araw na 'yun, pumunta ako ng bar para maglabas ng sama ng loob. Halo-halong emosyon ang narsramdaman ko ngayon. Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa nalaman.

Hindi ko pa nababawasan ang inuming aking binili ay agad akong tumayo at umuwi ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang nagudyok sakin para kunin ang Origami Paper na binili ko at nagsimulang gumawa ng paper cranes.

"Alam mo bang kapag nakafold ka ng 1000 paper cranes, igagrant ni God ang wish mo."

Immature man ay nananalangin akong sana totoo ito. Na sana matupad nito ang hiling ko.

I spent the whole week making crane origamis. Paminsan-minsan ko ring binibisita si Lily. Minsan nga ako ang nagbabantay tuwing gabi. Then, I'll spend the whole night just watching her. Binabantayan siya. I want to see her move her fingers. I want to see her wake up. And I want to tell the momeng she wakes up that I love her.

Matapos ang isang linggo, nakatanggap ako ng tawag mula sa ama ni Lily, he said that tapos na ang operation at baka raw magising na si Lily. Hinfi alam kung succesful ang operation kaya oobserbahan pa si Lily.

Agad akong nagbihis at pumunta ng Ospital. Nang makarating ako doon ay nalaman kong si Dad pala ang nanguna sa operasyon.

Pumasok ako sa ICU at dinatnan si Lily na ngayo'y gising na at nakaupo.

"L-lily." Para akong nabunutan mg tinik nang makita ko siyang ngumiti. Kitang-kita pa ang panghihina niya pero mafanda pa rin ito.

Mr. and Mrs. Chen excused themselves at lumabas ng silid. Lumapit ako sa upuang malapit sa kama ni Lily at naupo.

JanelleRevaille's Compilation Of Short StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora