Chapter 2 : Bestfriends

29.4K 366 27
                                    

Chapter 2: Bestfriends

ALYSSA'S POV

After ko kumain, naisipan kong maglakad-lakad nalang muna. Gusto ko ng sariwang hangin at tahimik na lugar.

Kakalakad ko napadpad ako sa tabi ng isang puno. May damo at mapapansin mong walang tao. Sa likod to ng isang building dito sa ADMU.

Naupo ako sa damuhan sa may likod ng puno. Hay inantok ako bigla. Kaya dahan-dahan akong sumandal sa puno at pumikit.

Di ko namalayan, pumasok nanaman sa isip ko yung girl kanina..

Mabait kaya siya? I want to know her name..

**

DENDEN'S POV

"Guys, kilala niyo ba yung girl sa katabi ng katabi nating table?"

"Ano? Ang gulo." naguguluhang sambit ni Ella habang nakakunot pa ang noo.

"Yung mag-isang kumakain." pabulong kong sabi.

Tumingin si Ella sa tinutukoy ko, "Yung pretty girl na yun?" habang tinuturo yung babae na tinutukoy ko.

What the! Binatukan ko siya bigla. Pambihira! Mabuti nalang hindi siya nakita! Nakakahiya.

"Aray ko naman!"

"Baliw ka kasi! Ba't mo tinuro!"

"Sorry na. Hahaha!"

At natawa nalang kaming tatlo.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapatingin dun sa babae na nakatitig sa akin kanina. Baka kasi nakatingin nanaman. Sino kaya siya? Ang weird niya talaga.

**

Pagkatapos kumain, humiwalay muna ako sa dalawa. Gusto ko muna mapag-isa kaya naglakad-lakad nalang muna ako.

"Meow."

Napapitlag ako sa gulat ng may mag-meow sa gilid ko. Pambihira kang pusa ka, papatayin mo ako sa gulat!

Pero infairness, ang cute niya. Puting-puti ang kulay niya at mukhang malinis.

Akmang lalapitan ko siya para kuhain ng bigla itong tumakbo palayo sa akin.

"Hey!"

Hinabol ko ito dahil gusto ko itong makuha. Nakakatuwa, para akong tanga na hinahabol ang pusa na hindi ko naman pagmamay-ari.

Napahinto ako sa hingal. Nakita kong nagtago siya sa likod ng puno.

Nasaan naba kami?

Hinabol ko muna ang hinginga ko bago ulit tumakbo papunta sa tinataguan niya, "Eto nako miming!"

*BOOGSH!*

"What the hell!" sigaw ng babaeng nadaganan ko.

O..M...G!

Nasaan ba ako?

Napapikit ako sa hiya ng mapagtanto ko kung ano ang posisyon namin.

Lupa, lamunin moko please.

Nakapatong ako ngayon sa isang babaeng hindi ko naman kilala. At ang mas malupit pa, yung mukha ko nasa leeg niya.

Holy shit. Anong gagawin ko? Tatakbo ba? Magsosorry?

Asdfghjkl!

"What are you doing?! Are you crazy?!" inis niyang sabi saka ako tinulak paalis sa pagkakadagan sakanya.

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Where stories live. Discover now