Chapter 8: Confused

18K 249 9
                                    

Chapter 8: Confused

ALYSSA'S POV

Nakita pala nila, pero bakit kailangan nila gawing big deal? Nahihiya tuloy ako, and I know pati si Den hiyang-hiya narin.

Mabuti nalang at umagree nalang siya sa sinabi ko, kaya ayun natigil na yung pang-aasar nila samin at nagsimula na kaming kumain lahat.

"Paano nyo pala nalaman?" biglang nagsalita si Den.

"Alin?" nagtatakang tanong ni ate Dzi.

"W-wala, ang sarap nito ah? Sino nagluto?" pag-iiba ni Den ng usapan.

Hay nako Den, natapos na nga yung usapan about dun bakit mo pa ulit inopen. Ayan tuloy, obvious naman kung ano tinutukoy nya, kahit ako nagets ko eh.

"Kami ni A nagluto niyan."- nakangiting sagot ni ate Jem

"Nalaman ang alin? Yung yakap thingy niyo magdamag? "- pang-aasar nanaman ni ate Gretch, kaya nagtawanan ulit lahat.

Ayan nanaman. 

"Syempre may mata kami."- loko-lokong sagot ni Ella

Nagtawanan lahat at wala ng sumagot pa samin ni Den, napailing iling nalang kaming dalawa at tinuloy ang pagkain.

Dapat kasi wala lang naman yun diba? Bakit parang iba yung mga tingin at asar nila eh. Parang para sa kanila may something? Ano ba to. Mga baliw nga talaga sila.

"Joke lang."- bawi ni Ella after nilang tumawa tapos natawa ulit siya. Nasisiraan na sila ng bait.

"Inutusan kasi ni Dzi si Marge at Ella na gisingin na kayo kasi kakaen na saka baka malate kayo, tapos nagulat kami nagmamadali silang bumaba."- ate Fille

"Pagbaba nila mga nakangisi na kinikilig na ewan na parang nakapulot ng pera yung itsura kaya tinanong namin sila kung bakit."- ate A

"May napulot talagang pera? "- Mae while laughing

"Eh yun kasi itsura nila eh. Hahaha"- ate A

"Sabe nila nung kumatok sila walang sumagot kaya tinry nilang buksan yung pinto. Nagulat nga sila kasi di nakalock eh. Then ayun, pagtingin daw nila tulog na tulog kayo habang magkayakap at magkatabi ung higaan."- pagkwento ni ate Jem.

"Sakto namang pababa nadin yung iba kaya narinig nila yung pinag-uusapan namin. Nagpunta kaming lahat sa kwarto niyo at tinignan kayo. Kinilig kami. *laughs* tapos biglang gumalaw si Aly kaya dahan-dahan namin sinarado yung pinto at nagtatakbo pababa."- ate Gretch

Kinilig daw sila? Mga buang talaga.

"Hindi na namin kayo ginising. Baka makaistorbo kami eh."- natatawang sabi ni ate Dzi

Pakiramdam ko namumula ako sa hiya. Talagang detailed pang kwinento eh!

Nagkatinginan kami ni Den, namumula rin siya. Juskolord!

"Oh? Ba't namula kayo? Okay lang ba kayo?"- Marge na ngiting ngiti.

Di kona napigilan, tumayo na ako at sinabing, "Cr lang ako." saka ako dali-daling lumakad papuntang cr.


DENDEN'S POV

Nagpaalam bigla si Ly na pupuntang CR, I think way niya lang yun para takasan yung pang-aasar nila.

My god self! Bakit ba kasi inopen kopa ulit? Mas lalo lang tuloy naging awkward. Bigla lang kasi lumabas sa bibig ko eh, nagtataka kasi ako pano nila nalaman? Naisip ko baka may cctv pala sa kwarto di namin alam pero mukhang wala naman dahil nakwento na ni ate Gretch at ate Jem kung pano nila nalaman.

"Magsikaen na nga tayo, tigilan na muna natin yung dalawa."- sambit ni te Dzi, siya ang team captain kaya sinunod naman sya ng lahat.

Ilang minuto na ang nakakalipas, natapos narin sa pagkain yung iba pero si Ly hindi parin bumabalik para tapusin yung pagkain niya.

Anyare dun? Nakakailang subo palang sya ah.

Baka nadulas siya sa banyo tapos nabagok yung ulo? Charot. Ano ba tong iniisip ko.

Tinapos kona yung kinakain ko at nagpunta sa kitchen, pagtingin ko sa cr walang tao, wala pala siya dito? Diba dito siya nagcr? 

Pabalik na ako sa sala ng makita kong pababa siya ng hagdan.

"Andyan ka pala, bakit di kana bumalik? Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?" medyo worried kong tanong.

Tinanong rin siya ni ate Gretch kung diet ba siya. Sumagot naman siya at sinabing hindi siya diet, wala lang daw talaga siyang gana ngayon.

Hindi naman nasayang yung food na natira niya dahil may 2 teammates pala kaming matakaw hahaha si Ella at Marge, kinain nila yung food ni Ly na di naubos. 

Maya-maya may sumisigaw na sa labas, si ate Dzi, tinatawag na yung mga sasabay daw na papasok sa class. Lahat kami may class ngayon kaya lahat sila tumakbo na palabas.

 Naiwan kaming dalawa ni Ly dahil napagkasunduan namin na sabay nalang kaming pupunta sa class at car niya gagamitin.

Alyssa's POV

Nasa car na kami at si Den ang pinagdrive ko. Wala lang, tinatamad ako eh.

Nakakabingi yung katahmikan, bakit ang tahimik namin? Walang nagsasalita. Parang nagkakahiyaan.

"Besh" sambit ko, hindi ko na kaya yung katahimikan kaya binasag kona.

"Hmm?"

"Nothing, ang tahimik kasi masyado."

"Ahh.. ahm" parang may gusto siya sabihin o itanong pero di niya maituloy.

"What is it? Say it.. halata namang may gusto ka sabihin." para sabihin na niya, ganon rin yon eh.

"Alam mo ba kung pano.. you know, naging magkayakap tayo while sleeping? " nahihiyang tanong nya.

"Ah nope, nalaman ko lang nung nagising ako, nagulat ako magkayakap na tayo." sambit ko, "Hayaan na nga natin yun. Di naman big deal yun diba? Gaya nga ng sabi ko kanina, there's nothing wrong with it naman since magbestfriend naman tayo. I don't know kung bakit parang may meaning sakanila yun? Nagiging awkward tuloy. Basta we're bestfriends okay? Hindi magbabago yun, never. Diba besh?" I said while looking at her.

I don't know pero parang ayaw kong umagree siya dahil kahit ako mismo hindi agree sa sinabi kong never magbabago na bestfriends kami. Why?

Why do I feel like I'm not sure about my feelings anymore?

"Of course. We're bestfriends, nothing will ever change that. Walang iwanan okay?" nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa harap, syempre driving sya.

"Yep yep!" masiglang sambit ko.

Tumingin ako sa window sa right side ko.

"Promise?" paninigurado niya.

"Yeah.. promise." sagot ko ng hindi tumitingin sakanya.

I don't know.. tama paba tong nararamdaman ko? Diba ako naman may gusto nito? Gusto ko siya maging bestfriend, right? That's what we are.. right?

Why am I questioning myself? 

Bestfriends..

Bakit parang hindi ako contented sa word na yun?

Bakit parang.. deep inside.. hindi lang yun yung gusto ko?

Why am I not happy when she said, "We're bestfriends, nothing will ever change that."

Why?

What if.. magbago?

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Where stories live. Discover now