Chapter 19: Someone else

14K 222 3
                                    

Chapter 19: Someone else

ALYSSA'S POV

Nagising ako sa katok ni ate Dzi, dinner time na daw. Pagtingin ko sa oras. 7pm na pala.

"MOM! DAD!"

Napapitlag ako sa gulat ng marinig ko si Den, nakapikit siya pero may luhang pumapatak galing sa mga mata niya.

"No.." sambit nito na parang nakikiusap, gigisingin ko na siya ng biglang, "NO NO NO! MOM! DAD!"

"Besh!"

"Besh! Wake up!"

 I'm so worried. Pero buti gumising na siya, napabangon siya bigla. Tumingin siya sa paligid, I asked if she's okay then hinanap niya yung mom and dad niya. I told her that she was just dreaming then umiyak lang siya ulit.

I told her to stop crying kasi hindi kona alam gagawin ko. Ayoko nakikita siyang ganun.. pakiramdam ko wala akong silbi kasi wala man lang ako magawa para maging okay siya.

Nagsorry siya, nanlambot ako. Hindi niya naman kailangan magsorry eh..

"Hindi mo naman kailangan magsorry, okay lang, sorry hindi ko kasi alam gagawin ko, ayoko nakikita kang ganyan, nasasaktan ako." hinawakan ko yung kamay niya, "Kung pwede lang, hahatian kita dyan sa pain na nafefeel mo eh.. o kaya ako muna magdadala for a day. Para hindi masyado mabigat sayo." niyakap ko siya ulit, "I want to protect you.. your feelings, gusto kita protektahan sa lahat ng bagay na makakasakit sayo."

Hindi ko nanaman napigilan yung sarili ko na masyado iexpress sakanya yung love ko. Hindi ko mapigilan.. gusto kong malaman niya, kung pwede nga.. gusto ko na malaman niya lahat.

"Why?" 

"Because I love you.." napapikit ako ng madiin, pero alam ko naman na alam niya yung ibig sabihin ng love na yun, tho para sakin iba talaga ang ibig sabihin ng words na yun. Bumitaw ako sa hug naming dalawa at tinignan siya sa mata, "So please.. wag mo iisipin na mag-isa ka or walang nagmamahal sayo, because I'm here, I will always be here." then I smiled.

Nagstay pa kami ng ilang mins hanggang sa umokay siya at maging ready bumaba for dinner. Of course halata parin na umiyak siya kaya nagsitanong sila kung ano nangyari.

Umiling ang si Den at parang naiiyak nanaman kaya sinagot ko nalang sila, family problem kako. Tumigil nalang sila magtanong at nagstart na kami kumain. Walang gana si Den, pero pinilit niya kumain kasi syempre alam niyang hindi kami papayag lahat na hindi siya kakain.

After dinner umakyat na agad si Den, hinayaan ko muna siya at baka gusto niya mapag-isa at makapag-isip. Naiwan ako dito sa sala kasama si ate Fille, ate Gretch, Mae and Marge. Nanonood kami ng biglang may nagdoorbell.

Pagtingin ko sa clock, 8:30pm na, sino kaya yun? Si Mae yung tumayo para icheck kung sino yun.

Pagbalik niya may dala na siyang bouquet of flowers at chocolates, kilig na kilig siyang inabot kay ate Fille kaya nagulat kami, "Para sayo daw yan, from Justin Tec."

Napatayo si ate Fille at kinuha yung bouquet at chocolates, "Omg! Seryoso pala talaga siya." nakangiti na parang nahihiyang sabi niya, "Andyan ba siya?"

Umiling si Mae, "Wala, delivery boy yung nagbigay, pinasabi lang na para kay Fille daw from Justin Tec. Ikaw ate Fille ah! May lovelife kana pala!" pang-aasar ni Mae

"Loka. Hindi ko alam to, hindi ko rin siya boyfriend. Sinabi niya sakin na liligawan niya raw ako sa ayaw at sa gusto ko. I thought nagbibiro lang siya, seryoso pala siya." nakangiting sabi ni ate Fille.

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Where stories live. Discover now