Chapter 5: Sorry

24.4K 302 17
                                    

Chapter 5: Sorry

ALYSSA'S POV

Paggising ko, 6am palang. Ang aga ko nagising pero di nako inaantok. Pumunta ako sa terrace ng kwarto ko at nilapag ang cellphone ko sa mini table.

"Ang lamig.." sambit ko. Napayakap ako sa sarili ko at napatingin sa labas ng gate namin. May nakapark na kotse na di pamilyar sakin. May bisita siguro si mama.

Maliligo na nga ako, para magbibihis nalang ako mamayang 9. Nagtext kasi si Den kagabi, 9:30 niya daw ako susunduin. Saka para narin pag humarap ako sa bisita ni mom, nakaligo na ako.

**

After 30 minutes, tapos na ako. Nag-ayos na ako ng sarili at bumaba.

At nasurprise ako sa nakita ko, "Jovee?!"

"Aly sungit!" pang-aasar niya saka tumawa.

Nagmadali akong lumapit sakanya at hinug siya, "OMG hindi kana payatot!" pagganti ko.

"Pero ikaw masungit ka parin for sure!" tumawa nanaman siya.

Nakakaasar, mapang-asar parin siya at pikon parin ako.

"Tigilan moko ha."

"Sungit nito. Suuus!" pinisil niya yung ilong ko.

"Araaaaay!"

Piningot ko yung tenga niya.

"Ara-ara-araaaaaay!"

"Kayo talagang dalawa kayo. Ang tatanda niyo na pero parang bata parin. Wala kayong pinagbago." biglang sulpot ni mommy galing kitchen.

"Si Jovee po kasi!"

"Namiss niya daw po kasi ako ng sobra tita!"

"Kapal mo! Ikaw nga yun eh dinalaw mo nga ako."

"Kasi nga namimiss moko." tapos nag belat pa siya kaya hinampas ko sya ng unan.

Syempre gumanti nanaman siya, hay nako talaga!

Bumalik si mommy sa kitchen, tapos kami nagkwentuhan nalang ng mga nangyari. At nung mga ginagawa namin dati.

Tawanan, asaran, hampasan. Ganyan kami maglambingan. Hahaha

"Jovee, Aly! Ready na yung foods. Let's eat."

Nag-unahan kaming tumakbo papunta sa dining gaya ng dati. Haha nakakatuwa kasi wala paring nagbago kahit ang tagal na ng lumipas.

Habang kumakain, syempre kwentuhan parin at tawanan. Napakadaldal ni Jovee eh. Haha

"Alam niyo po ba tita, crush ako ni Aly dati."

"Hoy ang kapal mo!"

"Oo nga, ako paba ang hindi makakaalam?" sambit ni mommy kaya naman namula nako sa hiya dito.

"Mom!" inis na sabi ko.

"What?" natatawang sabi ni mommy.

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Where stories live. Discover now