Chapter 13: Right time

15.3K 201 8
                                    

Chapter 13: Right time

ALYSSA'S POV

Nandito padin ako sa kama ko, nakahiga, nakatalukbong.

At alam kong nandyan lang siya sa kama niya.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Ayoko siyang tignan.

Nakakainis kasi e. Bakit ba kasi hindi niya man lang sinabi na may date pala sila nung boyfriend niya? Hindi man lang siya nagtext o nagpaalam kila Capt.

May boyfriend siya.. di niya man lang sinabi. Pero wait, boyfriend niya ba? Baka naman nanliligaw palang ay ewan!

Pero kahit ano man dun.. ano naman sakin?

Bestfriend niya ko hindi niya man lang sakin sinabi na may nanliligaw sa kanya..

Sabagay, ni itext nga na may lakad siya di niya nagawa sabihin pa kayang may nanliligaw sa kanya.

Hays. Yung mga text ko, ang dami. Nakailang missed call din ako.

Nakakahiya... nakakainis. Ugh!

Bumaba ako at nagpunta sa living room.

Yung Fab 5 ang nandito, ayos!

Kaya kasi ako bumaba para alamin yung kay Den kanina. I'm pretty sure kasi na sinabe sa kanila ni Den dahil sigurado din akong tinanong nila.

Nasa kusina si Ate Jem at Ate A at nagluluto, tapos yung tatlo nandito sa sala.

Tumabi ako kay Ate Fille, mag-aantay ako ng tiyempo para magtanong.

Pero nung napatingin ako sa kanila, nakatingin silang tatlo sakin.

Nagtaka ako kaya binigyan ko sila ng Ano-yun-look

"Sige na, magtanong kana. Hiya pa eh."- sabe ni Ate Dzi then tumingin siya sa TV

"H-ha? Tanong? A-anong tatanong ko?"- I said na kunyare wala akong alam sa sinasabi ni Ate Dzi.

Ang shunga ko talaga. Halata na agad nila?! Pambihira... nababasa ba nila isip ko?

"Sus! Kaya ka nga bumaba eh."- Ate Gretch

"Ha?"

Ano ba yan! Puro ako 'Ha?'

"Hindi.. ano.. hindi ah! Gusto ko manood kaya ako bumaba. Saka diba malapit na tayo magdinner? Ano ba yung sinasabi niyong itatanong ko..? Wala naman ah..."- pagdepensa ko.

Pero nung tumingin ako sa kanila, halatang hindi sila naniniwala. Lalo na si Ate Fille, may alam siya sa feelings ko for Den eh.

Alam niyang inaalam ko if ano ba talaga nararamdaman ko para kay Den.

"Friend niya lang yun."- biglang sabe ni Ate Fille kaya napatingin ako sa kanya.

Parang gusto kong ngumiti nung narinig ko yun.

"Lumabas lang sila at hindi yun date."- Ate Gretch

Yung ngiti ko... baka hindi ko mapigil.

"Naiwan niya yung phone niya sa kotse nung guy na nakasilent kaya hindi niya nasagot mga tawag natin at di siya nakapagreply."- Ate Dzi

"Ahh.. Okay, hindi niyo naman kailangan sabihin."

"WEH?"- sabay sabay sila.

Napailing nalang ako at ayun, yung ngiti ko na kanina pa nagmamakaawa sakin na ilabas ko, nailabas ko na.

Masyado bang obvious na gusto ko malaman? AMP

Pero atleast, alam ko na, na hindi niya yun boyfriend.

Hehehe

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Where stories live. Discover now