Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 02: Thump, thump

48.2K 1.6K 697
                                    

***

Kinabukasan, araw ng Sabado, may 46 missed calls at 22 messages ako sa phone galing kay Jorem. Dinelete ko agad kaysa basahin. Then, I blocked his number before going out the room. Ako ang nakatoka sa pagluluto ng almusal.

Eksaktong alas sais y medya ng umaga ay nasa mesa na kaming lahat para kumain. Maliban kay Mi.

"Nasa'n po si Mi?" usisa ko kina Papa at Mama.

"Nasa compound na 'yun," sagot ni Mama habang sumusubo ng sinangag.

May question mark pa rin siguro sa mukha ko dahil nagdagdag si Kuya, "Magja-jogging daw siya kasama si Warren. Kaninang five pa dinaanan ni Warren dito."

"Five? Ng madaling-araw?" tanong ko.

"Oo."

Kumagat ako sa longganisa. "Sure pala siya ro'n sa jogging niya."

Tumango si Kuya at nagpatuloy sa pagnguya.

"Hindi siya uuwi? Magse-seven na," sabi ko pa.

"Hindi na 'yun uuwi gawa ng may project daw sila ni Warren na gagawin. Do'n na 'yun makikiligo kina Rose o kina Mona," sagot ni Mama.

Napa-Ah na lang ako. Nang mag-third year kami ay hindi kami masyadong nakakapag-usap ni Mi. Iba-iba kasi ang oras ng uwi niya galing sa school nila. Minsan, alas-sinco pa lang ng hapon, nasa bahay na siya. Minsan naman, hatinggabi na, pauwi pa lang siya. Lagi siyang busy.

Mukha namang masaya siya sa course niya kapag nagkukuwento siya. May mga overnight at out-of-town projects sila minsan. Shooting or recording. Hindi siya nahihirapang magpaalam kina Mama at Papa dahil kaklase niya si Warren.

Ang huli naming pag-uusap, no'ng isang gabi pa. Sabi niya, magja-jogging siya para pumayat. May bago yata siyang crush na kaklase nila. Akala ko pa si Warren dahil sila ang laging magkasama. Hindi naman daw.

"Anong schedule mo ngayon?" untag ni Mama sa'kin. "May lakad ka ba? Project sa school? Club activity?"

Wala ako ng lahat ng iyon. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot, "Dito lang po sa bahay, Ma. May business proposal lang akong dapat gawin."

Tumutok ang mata sa'kin ni Mama. Binabasa ako. Nakakatakot tuloy. Sa lahat ng tao sa mundo, si Mama ang pinakamahirap pagtaguan. Kung 'yung iba, sinusubukan akong basahin pero walang maintindihan, si Mama, eksakto. Minsan, alam na pala niya ang nangyayari pero hindi lang kumikibo agad.

"Kumusta sa eskwela mo? Wala ka pa rin bang nakakayayaang lumabas-labas?" tanong niya.

Sa totoo lang, linggo-linggong lumalabas para mag-shopping, manood ng sine, o pumunta sa mga food parks 'yung mga blockmates ko. Isang beses lang akong naimbita. Pagkatapos kong sumama nang isang beses, pare-pareho na naming naintindihan na hindi ako bagay sa squad goals nila.

Hindi ako nakaka-relate sa mga trip nilang mag-picture goals sa lahat ng bagay na social media worthy. Kung lalabas ako para sa isang lugar, para 'yun i-experience ang lugar. Hindi para mag-picture sa lahat ng kanto, bato, at brick niyon. Hindi para umanggulo sa lahat ng may magandang background. Kung kakain ako sa bagong kainan, para 'yun i-experience ang lasa ng pagkain. Hindi para kunan lang ng picture at pabayaan. Kung manonood ako ng sine, panonoorin ko 'yung movie na interesado talaga ako. Hindi 'yung manonood ako kung ano ang sikat at trending para maka-relate sa hype. Lalong wala naman akong interes na mag-shopping o window shopping. Kapos ang allowance ko para linggo-linggong mamili ng damit o gamit.

Kaya simple lang ang sagot sa tanong ni Mama, "Wala po, eh."

"Boyfriend?"

Mag-iiwas sana ako ng tingin pero lalo akong igigisa ni Mama kapag gano'n ang ginawa ko. Alam naman nila na nagkaka-boyfriend ako. Ang pangako ko, ipapakilala ko kapag nakita kong seryoso na talaga.

Secretly (Candy Stories #2) (Published by Anvil Bliss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon