Chapter 24

1.5K 24 0
                                    

Chapter 24

After the fleeting embrace of happiness, there's something bad will happen.

It will always be like that.

I grew up believing that thought in my head.

Dahil na rin siguro sa karanasan ko. In my senior year, I graduated as batch valedictorian. I was happy that day because all of my hardships has been paid off. Lahat ng puyat sa pag-re-review, pagod sa pag-aaral, gastos, self-doubts ay nagbunga ng maganda.

But after celebrating the small victory together with my parents, they left me because they got an opportunity to work abroad.

I should be happy for them. Dahil hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makapag-trabaho sa ibang bansa. Pero hindi ko mahanap ang kasiyahan sa pagiging mag-isa at pangungulila sa magulang pagdaan ng mga taon.

Hindi masaya maging mag-isa.

"Can we settle this? I can't do what you're asking me. Iba na lang. Hindi ko kaya." Nahihirapan niyang sabi.

Pabalik ako mula sa banyo nang marinig ang boses na 'yon mula sa sala.

May kausap si Aldrin sa phone niya, nakaupo siya sa sofa habang ang mukha ay may seryosong ekspresyon.
Magkasalubong ang kilay niya habang minamasahe ang sintido.

Namuo ang kuryosidad sa isipan ko, ngunit hindi ko pinansin 'yon dahil baka tungkol lang sa trabaho at hindi na para panghimasukan ko pa.

Parang sobrang lalim ng buntong hininga niya na nararamdaman ko 'yon. Nang mapa-tingin ako sa kanya, nakita ko na sinuklay niya iyong buhok gamit ang mga daliri na parang pagod siya.

Ibinaba niya ang tawag kalaunan.

Nakatayo ako sa gilid habang pinagmamasdan siyang sindihan ang sigarilyo na kinuha niya sa bulsa ng pantalon niya.

He told me he stopped smoking already?

Ngayon ko na lang siya ulit nakita na manigarilyo simula ng magdesisyon siyang itigil 'yon.

He must be really stressed. Dahil ang sabi niya, naninigarilyo lang siya kapag stress at kailangang makapag-isip nang maayos.

He was like this for weeks.

Uuwi lang siya para maligo at magbihis pagkatapos ay aalis na. Minsan ay kakain kami ng sabay ngunit mauudlot 'yon dahil may biglang tatawag at kakailanganin niyang umalis panandalian.

We lost time for each other... but when he had time, he'd always make sure that we spend the whole time together. We're watching a series, watch a movie or just relaxing and hugging each other in the sofa.

Kahit na alam kong madalas ay pagod siya at maraming kailangang gawin ng araw na 'yon ay naglalaan siya ng oras para magkasama kami kapag kaya niya.

At nauunawaan ko siya doon.

We don't often see each other because he was busy at work, with all the responsibilities that he needs to play.

Alam ko 'yon dahil saksi ako gabi-gabi kung paanong para siyang kalabaw na walang tigil sa pagtra-trabaho. Madalas ay hindi na siya nagpapahinga. I'm not sure if he's taking his day off or not because he was too occupied with things to do.

Parang piniga ang puso ko nang makita ko kung paano niya takpan ang mukha niya gamit ang mga kamay na para bang pagod na pagod na siya.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya, ngunit tango lang ang naging sagot niya.

Kasama ko siya pero parang nasa malayo ang isip niya.

Umayos siya ng upo at inilayo ang sigarilyo sa akin. Pinatay niya ang sindi non sa gilid ng lamesa gamit ang tubig na nasa baso.

Love Me Harder (Contract Series #2)Where stories live. Discover now