CHAPTER 1

79 13 4
                                    

The Revenge Of A Queen
By:Gammy beyr


(REVISED AND EDITED)
**
Nadine's POV

"Sige na beshy, keribels mo yan go!" Tudyo sa akin ng kaybigan ko.

"Wow grabe lang? Eh kung ikaw kaya ang gumawa ng pinapagawa mo sa akin?"

Tumawa lang siya.

Naglakad na ako papunta sa kabilang shop. Para puntahan yung lalaki na sinasabi ni beshy. Kinakabahan ako hindi dahil baka suntukin niya ako, kundi dahil magviral ako sa pang-aagaw ng halik.

Girl Hokage. Yak.

Makakaya ba ng isang Nadine yun?

Heto na malapit na ako sakaniya. Nang makarating ako sa harap niya napatulala ako.

Kasi parang iba... yung tingin niya sa akin. Ibang iba. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang klaseng pakiramdam ito?

"Baket?"

Bakit parang ang sarap niyang titigan? Yung mga mata niya tila ba mga abo ang kulay. Yung ilong niya na napakatangos. Yung labi niya singpula ng rosas na kakapitas lamang.

Napatingin ako sa likod niya dahil kanina pa pala ako sinesenyasan ni beshy. Mabilis akong napailing at napapikit. Huminga ako ng napakalalim at muling humarap sakaniya. Dapat kong magawa ito. Baka mawalan ako ng 1month allowance. Juskooo. Hindi ko kaya.

"Tingnan mo yun oh!" Turo ko sa may likuran niya upang doon mapunta ang atensyon niya.
Nang mapatingin siya, ginawa ko na agad ang masamang masamang masamang balak na ipinapagawa sa akin ng kaybigan ko.

Teka. Hindi mali, Paano? Halos maitulak ko siya palayo sa akin. Hindi ganito ang inaasahan ko.

Napatingin ako sa babaeng papalapit sa amin.

"Aba?! Sino kang babae ka?! Ang kapal naman ata ng pagmumukha mong mang-agaw ng halik sa boyfriend ko!"

Wala na sana akong balak patulan pa siya. Paalis na sana ako ng bigla akong hinila papalapit nang lalaki at inakbayan ako.

"See mikaela? I have a new one. So, wag mo ng ipagpilitan yang sarili mo sa akin."

"Whaaaat?! Pero---paano--NO!"

Sigaw nitong babae sa harap ko. Kung titingnan mo siya mula ulo hanggang paa.

Anak mayaman. Im sure sunod sa luho to.

Napansin kong nakatingin siya sa kamay na nasa balikat ko. Kaya agad kong inalis ito

Aalis na sana ako ng bigla akong hinawakan sa braso ng babae, at hinarap sakaniya. Pumiglas naman ako,kaya nabitawan niya ito. Akala niya ba hindi ako papatol sakaniya?

Wala na sana akong balak manggulo. Pero mukhang gusto ata nitong babaeng ito. Sige, kung ganon pagbibigyan ko siya.

"Hey mikaela, stop. Tama na! Umuwi kana. Siguro naman ngayon. Matatauhan kana?"

"Hindi. Bakit ba pinagtatanggol mo tong panget na'to? Hindi hamak na MAS maganda naman ako sakaniya. Look at her, she was like ahhh---basta. PANGET!"

Aba. Babangasan ko na to. Nakasuot lang siya ng branded na damit. Kung makatukso sa akin,akala mo naman ako na ang pinakapanget sa mundo.

"Excuse me---"

"EXCUSE.US."

Ipagtatanggol ko pa sana ang sarili ko. Kaso bigla akong hinila paalis nitong lalaking to. Kaya naman hanggang ngayon hila-hila pa din niya ako. Habang naglalakad siya. Pagkatapos niya akong idamay sa madrama nilang buhay, ngayon naman action? Aba. Hahaha. Anong akala niya saakin? Pulubi na pwede niyang utuin.

"BITAWAN MO NGA AKO!"

Sigaw ko sakaniya, naiinis na kasi ako. Kanina pa siya naglalakad eh hindi naman niya alam kung saan kami pupunta. Pinapagod niya pa ako. Sa bawat lakad niya siya namang takbo ko.

"Hoy lalaki! Kung sino ka man! Napakahusay mong umarte. Palakpakan na may kasamang sigawan. Tsk." sarkastiko kong paliwanag sakaniya.

"Tsk. For your information miss masungit. Ikaw ang nauna, hindi mo na ba natatandaan? Ninakawan mo ko ng HALIK?"

Umiwas ako ng tingin sakaniya.

"It was a deal." Bulong ko. Sapat na para madinig niya.

Naglakad na ako paalis sa harap niya dahil siguro pulang pula na ang magkabilang pisnge ko sa hiya.

"Deal? Uso pa pala yun."

Mayroon sa tono ng boses niya ang pang aasar.

"Bakit naman ako ang napili mong HALIKAN? Madami naman dyan na mas gwapo pa sa akin diba? Bakit ako?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. Napakalakas yata ang hangin dito sa paligid ko. Grabe, super hangin. Tsk.

"Hindi ko gusto. Inutusan lang ako. Kaya wag kang assuming."

"Hindi mo pa pala gusto yun? Haha."

"Oo baket? In fact, sa cheek lang talaga yun. Kaso tatanga tanga ka. Tsaka kung alam ko na ganito ang kakalabasan? Edi sana pinili ko nalang tumakbo paikot dito sa mall. Tabi nga! "

**

A/N: Dito muna tayo :) Haha. May nagbabasa ba? Vote for yes :) Iloveyouuuu readers :* nga pala,pasensya sa kung paano ako gumawa ng story. Dyan kasi ako komportable :) Sabihin niyo kung hindi niyo naiintindihan i will change it.

The Revenge Of A Queen 👑 (ON-GOING) Where stories live. Discover now