CHAPTER 7

22 10 0
                                    

(REVISED AND EDITED)

Nadine's POV

Hindi ko pa din makalimutan ang mga pangyayari kagabi.Masyado akong nawindang, may mga ganon pa pala ngayon? Pag'uwi ko sa bahay, agad kong binuksan ang telebisiyon namin. Umaasang, mababalita ang gulong nangyari,pero nabigo ako.Bakit kaya hindi nabalita yon?

Astig man siya sa paningin ko, pero mali parin ang pumatay ng tao. Siguro, mamamatay tao si Red? Kase bakit andali dali lang sakaniya ang mga ganoong bagay.

"Sino kaya si Red?"

Naiwang katanungan sa utak ko.

Nandito ako ngayon sa may Garden ng eskwelahan. Sa part lang ito ng Immaculate'nians. Dito ako lagi nagpapalipas ng oras. Lalo na kapag gusto kong mapag-isa at mag-isip-isip. Dahil kapag nandito ako feeling ko ang bilis bilis kong makapag-isip. Bukod sa sariwang hangin,syempre idagdag mo na din ang berdeng kapaligiran. Sadyang kamangha-mangha. Nabanggit ko na ito kay mommy, sabi niya siya daw ang nagplano na magpatayo ng Garden na ito.

Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko. 

Napakapresko.

"Woy!"

"KABAYO KA!"

Muntik pa akong mahulog sa swing na inuupuan ko.

Halos mamatay siya sa kakatawa sa akin. May pag-hawak pa sa tyan niya.

"So, are you happy na?"

Sarkastiko kong sabi sakaniya.
Napahinto naman siya sa kakatawa, pero hindi pa din nawawala ang ngiti niya sa mga labi.

"Teka lang. Teka lang. Sorry na, ang gwapo ko naman kasing kabayo." Sabi niya, sabay papogi sign pa.

"Pwede ba tigilan mo yan. Nakakadiri ka!" Sabi ko, sabay ayos kong umupo sa swing.

"Patabi ako ha." Pagiiba niyang sagot sa akin.

Hindi ko na siya pinansin, umupo siya sa isang swing.

"Bakit ba ansungit mo? Siguro, lagi kang dinadalawan no?"

Napaharap ako sakaniya, at pinaningkitan ko siya ng mata. Napakabastos talaga ng lalaking ito.

"Teka naman, Joke lang. Haha! By the way, wag kang mag-alala. Pinadelete ko na yung video mo sa YTube."

Napaharap ulit ako sakaniya, mabait din pala tong mokong na ito,kahit papaano iniisip niya din ang kapakanan ko at kung ano ang nararamdaman ko.

"Thankyou? o kaya naman Sorry? o kaya naman treat mo nalang ako sa labas. Okay na ako dun. Wala bang ganon?"

"Sinabi ko bang ipadelete mo?"

"Ah eh, hindi. Pero syempre, alam ko naman na masasaktan ka. Concern lang ako. Ah! I knew it! Siguro nasarapan ka sa halik ko, kaya ayaw mong ipadelete yun ano? Siguro lagi mong pinapanood yun kapag namimiss moko?"

The Revenge Of A Queen 👑 (ON-GOING) Where stories live. Discover now