CHAPTER 6

26 8 0
                                    

(REVISED AND EDITED)

Nadine's POV

Kanina pa uwian..halos nakauwi na ang lahat. Samantalang ako, nandito pa din sa Parking Lot. Hinihintay si Manong Raul. Tinext ko na siya pero hindi pa din siya dumadating. Madilim na rin ng kaunti dito sa tinatayuan ko. Habang nakatayo ako may naririnig akong ingay sa paligid. Pero hinayaan ko nalang ito, baka naman aso't pusa lang.

"Manong nasaan kana ba?"

Bulong ko sa sarili ko.

Maya-maya pa ay naririnig ko nanaman ang ingay. Tila ba may nagtatalo. Sino naman kaya ang mga iyon? Malamang,hindi na ito aso't pusa, dahil may mga naririnig na akong nagsasalita.

"Pati ba naman dito susundan niyo ako?" Tinig ng isang lalaki.

Sa totoo lang, ayaw kong marinig ang pinag-uusapan nila. Pero tenga ko na mismo nakikinig. Kaya hinayaan ko ang sariling humakbang.

Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang tatlong lalaki at isang lalaki na nakatalikod mula sa akin. Hindi ko sila maaninag. Masyado nang madilim dito sa paligid.

"Masyado ka namang umiiwas. Namiss ka kaya namin. Ayaw mo ba non? Kami na mismo naghahanap sayo?" Sabi ng isang lalaki, na may pagkamalaki ang tyan.

"Mahal ka kasi namin Red. Answeet namin diba? Nakakatouch ba?" Sabi naman ng isang lalaking medyo payat kumpara sa lalaking naunang nagsalita. May hawak siyang yosi na kanina niya pang pinaglalaruan sa mga daliri niya.

"Teka, mga kapatid kalma lang tayo! Baka kase, mamaya magsumbong yan sa daddy niya. Daddy niyang walang kwenta!" Sabi ulit ng lalaking medyo may pagkabata ang mukha kumpara sa dalawa niyang kasama.

Tumawa naman ang tatlong lalaki. Hindi ko makita ang mukha ng kausap nila.

Nagtago ako sa malalaking puno baka kasi makita nila ako, nag-iingat lang. Nakikita ko ang tensyon sa mga sinasabi nila. Tila ba pinagtutulungan nila ang isang lalaki. Ang tatlong lalaki ay naghihintay ng sasabihin ng nag'ngangalang Red.

"Bakit ayaw niyong umpisahan nalang? Puro kayo sat'sat!"

Napasinghap ako sa takot, ang lamig ng boses na kaniyang nilalabas. Kahit sino ay mangingilabot kapag ito na narinig. Nakita ko ang anino ng tatlong lalaki, napaatras sila ng kaunti. Ngunit mukhang hindi ito nahalata ni Red.

"Excited kana ba Red?" Isang lalaking may malaking tyan.

May kinuha siya sa kasama niyang isang baseball bat.

"Masyado kang nagmamadali Red. Baka mamaya sa kakamadali mo mauna kana sa tatay mo?"

Muli silang nakabuo ng tawa, Tawa na sadyang maiinis ka kapag narinig mo ito.

"Okay, I'll give you all time to tell,what you want to tell. Before i started this f*cking-----"

"Ang yabang mo talag----"

*BOOOOOSGH*

Halos hindi ako makalunok sa narinig at nakita ko. Isang galaw niya,namatay ang isa sa kanila. Napahigpit ang pagkahawak ko sa panyo ko.

Hindi na napigilan ng mga kasama ng pinaputukan ni Red ang pangyayari, Galit silang sumugod dito.

Suntok at Sipa ang natatanggap nila mula kay Red. Hindi man lang nila matamaan si Red ng mga suntok nila. Dahil mabilis itong nakakailag. Tila ba, bihasang bihasa ito sa pakikibakbakan. Walang hirap niyang napatumba ang dalawang lalaki na kanina lang ay mayayabang na nagsasalita ng kung ano'ano.

*KYAAAAAAAAAAAAAAAH!*

Napasigaw naman ako dahil may kung sino ang humawak ng balikat ko,nang makita ko si Manong Raul lang pala.

"Jeez. Manong Raul naman, akala ko kalaban na."

"Kalaban po?" Tanong naman niya.

"Po? Ah eh, Wala po." Sagot ko hindi dapat niya malaman na nakapanood ako ng ganong pangyayari. Baka maisumbong niya ako kay mommy.

"Pasensya na po pala Ma'am. Medyo nalate lang po ako,inayos ko pa po kasi ang sasakyan."

"Okay lang po Manong." Sagot ko sakaniya.

"Who's there?"

Nanlaki ang mga mata ko. Naku patay.  Hinila ko na si manong paalis sa tinataguan ko. Baka kasi mahuli pa kami nung Red.  Baka isunod niya kami dun sa mga pinatay niya. That is so creepy.

Nandito na kami ngayon sa Parking Lot. Nagmadali akong pumasok sa kotse, ganon din si Manong. Natakot din siguro. Hihi!

**
A/N: Medyo konti muna maiuupdate ko sa ngayon hahahaha.  Vote and Comment :)
No Edited po ito.  Kaya pasensya na po.

The Revenge Of A Queen 👑 (ON-GOING) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz