CHAPTER 5

37 10 0
                                    

A/N: Bagoo ang lahat,nais kong humingi ng hiling mula sainyo. Makikipindot sa baba ang VOTE para ipabatid na isa kayo sa aking mambabasa COMMENT naman kung mayroon kayong komento sa bawat nilalaman ng aking istorya HAHA. Ayun lamang,

ENJOY READING READERS :)

**
(REVISED AND EDITED)

Nadine's POV

"Nakakagulat ba..Miss.Masungit?"

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at iniikot ko ang aking mata. Nakuha pang mang-asar.

Humarap na ako sa teacher na kanina pa nakataas ang kilay sa akin. Taray bes,ano?

"Ah,eh sorry po ma'am kung naistorbo ko klase niyo."

Pagpapaalam ko sa teacher ng klase na napasukan ko. Kitang-kita mo ang mga matang nanlilisik na nakatingin sa akin. Mata na akala mo pwedeng pwede na pumatay ng tao. Hays, kung ako din naman ang tatanungin,Hindi ko gugustuhing pansinin ako ng mokong na yan.

"Saglit! Wait! Hatid na kita."

Kinuha niya ang bag niya at hinila na ako palabas.

"Baliw ka ba talaga?" Sagot ko sakaniya.

Paano ba naman kasi diba? Ang lapit lang ng room ko sa room nila, tapos ihahatid pa daw ako.

"Syempre,hindi."

Sagot niya habang umiiling-iling pa. 

Binawi ko naman agad ang aking kamay na hawak niya. Kaya mabilis siyang napatingin sa akin.

"Im not crazy. Ang alam ko ikaw ang baliw sa akin."

"Whaaat?! Alam mo napakayabang mo talaga!"

Umalis na ako sa harap niya. Nadinig ko naman syang umiyak. Alam ko naman na pinagtitripan lang ako ng mokong na yan. Maling mali talaga na nagpadala ako sa deal ng best friend ko.

"Wait, lagi mo nalang akong iniiwan?"

Sigaw niya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Iniwan ko na siya doon.

Dahil kapag nakipag-asaran pa ako sakaniya, baka tuluyan na akong hindi makapasok sa first subject ko.

Nang makarating na ako sa room ko, thank God hindi pa ako late. Wala pa nga ang teacher namin, at halos magugulo ang mga kaklase ko. Close na agad silang lahat? Kung sabagay nga naman, sila lang naman yung mga kaklase namin last year. Nang makita nila ako, halos lahat sila ay napatigil sa kaniya-kaniyang ginagawa.

"Baket?"

Nagtatakang tanong ko, weird naman. Ganito na ba sila kapag late,bagong patakaran ba ito na ginawa ng side ni Mr.Reddo.

"Beshy, O. Em. Gy! Ano itooo?!"

Lumapit sa akin si KC at tila ba gulat na gulat sa nakikita.

The Revenge Of A Queen 👑 (ON-GOING) Where stories live. Discover now