CHAPTER 10

16 4 0
                                    

REVISED AND EDITED

James's POV

Wala na akong pake kung anong tunog na ang nagagawa ko ngayon. Basta, inistrum ko ang gitara, gumagaan ang pakiramdam ko. Isama mo pa ang preskong hangin tulad ng hangin sa garden ng immaculate.

Hindi pa ako nakarating sa rooftop ng immaculate. Pero alam ko naman na parehas lang.

Napahinto ako ng pagstrum ng may nakatayo sa harap ko. Nakayuko siya, pero kilala ko kung sino ito. Napatayo ako sa pagkakaupo at napangiti ng bahagya.Kahit papaano napaganda naman niya ang araw ko.

Agad din naman naglaho, nang humarap siya.

"Why are you here? are you following me?"

Ngayon ko lang napansin na sobrang tangkad ko pala,Pandak pala siya. Haha. Pinigilan ko ang tawa ko,dahil ayoko na makita niyang tumatawa ako ng walang dahilan.

"Kapal ng mukha mo. Hindi ko nga alam na nandito ka."

Sanay na akong masabihan nyan, Nasanay ako simula nang Makilala ko siya.

"Weh?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napakaganda niya talaga. Ang amo ng mukha, kapag hindi nagsasalita.

"Oo nga"

Inis niyang sagot.

"Okay sabi mo eh."

Wala na talaga akong masabi, tumingin ako sa kawalan.

"Ah sige. Bababa na ako."

sabi niya, nalungkot naman ako, gusto ko pang makasama siya. Lalo na ngayon. Kaylangan ko ng kausap.. pero mukhang ayaw na niya akong makasama.

"Sige."

Walang emosyon kong sagot, wala na akong pakealam kung hindi niya narinig.Basta nagpaalam ako sakaniya ayos na yun.

**

Nandito ako sa bar kung saan madalas ako tumatambay. Wala ako sa mood umuwi. Alam ko kasi na kapag umuwi ako, mababadtrip lang ako lalo. Kaya naman i decided to go here. Nagorder ako ng tequila,agad ko itong nilagok.

Iniisip ko lahat ng tamang pwedeng pagdesisyunan. Ayokong maging gangster ulit,ayoko naman na may nadadamay na ibang tao. Alam nila,kung paano ako magalit, alam nila kung paano ako magbabago kapag pinabago pa nila ang JAMES sa ngayon. Alam na alam nila kung paano ako pumatay at magpahirap ng isang tao. Pero bakit gusto nila akong ibalik sa dati? Anong kalaban ba ang haharapin namin? Malalakas ba sila,kesa sa akin. Halimaw din ba silang pumatay. Katulad ko?

Mommy, ayaw ko mang ibalik ang dating ako, pero ayaw niyo naman po na may nadadamay na ibang tao diba? Lalo na kapag inosente. Mommy, i know you can undestand my decision whenever it is good or bad. But i promise that all of my decision will be for people's sake. Pag-iisipan ko pa po ng mabuti ang lahat.

May isang babae na pumalupot sa braso ko, kaya agad akong napalingon dito. Medyo may tama na din ako. Hindi ko alam na nakadami na pala ako ng alak. Kaya hindi ko na masyadong maaninag ang itchura niya. Basta ang malinaw lang sa akin, ang kulay pula niyang labi at mahaba niyang buhok.

"Can we dance babe?"

Aya niya sa akin. Mayroong pang-aakit sa tono ng pananalita niya. Ano pa nga bang aasahan ko.

"I do not know how to dance."

"It's okay babe, I will teach you how. Come on!"

"No. I said i do not know how. So get out of my hand!"

Hays. Ayoko talaga pinipilit ang mga ayaw ko. Nakakapang-init ng dugo.

Tiningnan ko ang wrist watch ko. Mag-aalasdos na pala ng madaling araw. Kaylangan ko ng umuwi at magpahinga.

Papunta na ako sa parking lot, para puntahan ang kotse ko. May pinindot lang ako para tumunog at mahanap na. Pagbukas ko palang sa kotse,  ng biglang may humampas ng likod ko. Napangiwi ako sa sakit ng pagkahampas. Sa sobrang sakit hindi ko din napigilang lumuhod. Hindi ko alam kung anong ipinanghampas nila sa akin. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ako kaagad nakatayo. May humawak ng kwelyuhan ko at itinayo ako. Pagkatayo,agad akong nasuntok sa pisngi, at tatlong beses sa tyan. Hindi ko alam pero hindi ko kayang lumaban. Siguro dahil sa nakainom na ako ng marami. Medyo nahihilo na din ako. Wrong timing talaga.

This time, pinilit kong tumayo. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko at mapaklang napangiti. Ganito ba ang sinasabi nila Zeus na kalaban?

"Damn you all!"

Mura ko sakanila. Medyo masakit ang likod ko, peryo hindi ko ininda. Pamulat-mulat ako sa buong paligid. Pero ni anino nila hindi ko maaninag. Punyeta.

Maya-maya may sumuntok nanaman ng pisngi ko, pero this time sunod sunod na sila. May nakahawak na sa dalawang kamay ko. Para hindi makapalag. Mayroon na ding sumusuntok. Sa sobrang bilis ng pangyayari, naiwan akong nakahandusay sa kalsada. Wala man lang akong nagawa, para protektahan ang sarili.Unti-unti akong napapikit at nawalan ng malay.

**

A/N: Late UD. Because of so many reasons. Nagtravel kami kanina papuntang TAAL BATANGAS. kakauwi lang namin ngayon, nagsisikap po ako sa paggawa ng update :) Even if it is short, sulit naman diba diba :)

Hindi ko alam kelan ulit next UD ko. Aalis kasi kami bukas :) Going to Tagaytay naman :) HAHAHA.

Anyways, sa mga walang pasok bukas. Tayo'y magdiwang HAHAHAHA. Keepsafe nga po pala :) Lalo na may bagyo ngayon.  Wala ng lalabas ng bahay. Okay? :)

Ilovelotsss :*

The Revenge Of A Queen 👑 (ON-GOING) Where stories live. Discover now