Dating Kasintahan

4.3K 172 36
                                    

Problemado ako habang palakad-lakad sa kusina.

Yes! You're right. Hindi ako umalis  dito mula ng iwanan ako nina Rafael.

Halos tatlumpong minuto na nga ang nakalipas eh. Gusto ko man silang sundan kanina pero hindi ko ginawa. Gusto ko rin kasing isiping mabuti ang kalagayan ko ngayon.

Kaya heto, para akong baliw na hindi mapakali. Hayyst! Nakakastress pala talagang mag isip!

God ,please help me!

Taimtim kong panalangin.
Kinurot ko pa ang flawless skin ko para siguraduhin kong totoo ba lahat nang nangyayari sa akin o isang masamang bangungot lamang.

And finally! Nagising ako!

But sadly nagising akong totoo lahat ng nangyayari sa akin.

Nagising ako na nandito talaga ako sa nakaraan.

Nagising ako na wala na ako sa mundong nakasanayan ko.

Gusto kong magwala at umiyak but NO! That's not my personality.
And I trust God. Alam kong hindi niya ako pababayaan.

Napatigil ako sa pagpaparoot parito at napatayo ng tuwid.

Naalala ko ang sinabi ni manang Uring na siyang dahilan ng pagkakapunta ko dito sa 1763.

May misyon daw akong kailangang tapusin bago makabalik sa aking panahon!

Napabuntong hininga ako. Kung iyon lang ang dahilan para ako ay makabalik sa aking panahon, kailangan ko iyong tapusin.

I'm not Acilegna Star for nothing!

But wait! What is my mission again? Damn! Nakalimutan ko pa ata dahil sa kabusugan ko huhu.

Napakagat ako sa aking kuko at seryosong inalala ang misyon kong sinabi ni lolo Selmo o manang Uring na hindi na nagpapakita pa sa akin.

" Binibini."

Gulat akong napalingon sa dalagitang nagsalita. Napatigil din ang pag iisip ko sa misyon thingy na iyon.

" Halina po kayo at nang maihatid ko kayo sa inyong tutuluyang silid."
Malumanay nitong sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin pa ako sa buong sulok ng kusina. Well, ako lang ang tao dito kaya baka ako nga ang kinakausap niya.

Nagningning ang mga mata ko ng marealize ko na hindi ako paaalisin dito sa mansiyon.

" You m-  ay este ibig mo bang sabihin hindi nila ako paaalisin dito??!"
Masaya kong tanong.

Mukhang naguluhan naman ang dalagita.

Ay oo nga pala, hindi nito alam ang nangyari kanina dito sa kusina.

" Bakit naman po nila kayo paaalisin binibini eh kayo daw po ang magiging tagabantay ni senyorito Alfonso?"
Dire diretso nitong sabi.

Wow, pansin ko hindi siya nahihiya sa akin ah.

Siguro isang rason doon ay dahil alam niyang magiging trabahador lang din ako ng mansiyon.

Sabagay ayos na rin iyon para hindi sila maging ilag sa akin dito.

Ngumiti ako ng matamis tsaka hinila ang dalagita.

" Nako, kalimutan mo na ang sinabi ko kanina. Ihatid mo na ako sa magiging silid ko at ng makapagpahinga na rin ako."

Mukhang nakaintindi naman ang dalagita na gusto ko ng magpahinga kaya hindi na siya muling nagtanong pa.

Pagkapasok ko sa magiging silid ko ay napa WOW agad ako. Akala ko sa maids quarter ako patutulugin pero dito pala sa ikalawang palapag.

In fairness ang sosyal ng kama ko ha? Halatang malambot at mamahalin. Parang iyong kama ko rin sa future.

Back in 1763Where stories live. Discover now