Pagbabalik sa Kasalukuyan

3.1K 109 13
                                    

Malinis ang malawak na silid.
Kulay puti lahat ang makikita sa buong paligid.
Mula sa mahahabang kurtina, isang kama at iba pang kagamitan ay amoy na amoy ang pinaghalong disinfectant at iba pang gamot.

Puti. Iyan ang kulay na paborito ng babaeng nakahiga sa puting kama.
Sobrang payat na niya pero makikita pa rin ang taglay niyang kagandahan.

Mukha lang siyang natutulog pero mahabang oras na ang ginugugol niya sa silid na iyon.

Bumukas ang silid at pumasok ang dalawang tao.

Isang babae at isang lalaki.

Parehong may malulungkot na mga ngiti sa kanilang mga labi.

Nilapitan ng mas batang babae ang natutulog na pasyente habang lumapit naman ang lalaki sa maliit na lamesa at nilapag ang mga dala nilang prutas , cake at iba pang pagkain.

" Kumusta ka na pinsan? Miss na miss ka na namin..." Naiiyak na sabi ng babae. Siya si Cheena. Isa sa mga pinsan ni Acilegna. Ang kasama pa niyang lalaki ay si Jonas na pinsan din nila.

At ang babaeng natutulog sa puting kama ay walang iba kundi si Acilegna.

" Happy birthday pinsan. Gumising ka na diyan para makain na natin itong cake.." ani Jonas na may namumuong luha rin sa mga mata.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang mas marami pang tao. Ang buong pamilya ni Acilegna.

Ang kaniyang ina at ama ay nandoon at agad nilang nilapitan ang natutulog nilang anak.

Masuyong hinaplos ng kaniyang ina ang buhok ni Acilegna samantalang hinalikan naman ng kaniyang ama ang payat niyang mga kamay.

Ipinagdiriwang nila ang ika-dalawampung taon ni Acilegna kaya sila kompleto ng araw na iyon.




Acilegna POV

Madilim. Tapos biglang may liwanag. Tapos balik ulit sa pagiging madilim.

Boses.. may umiiyak. Sino sila? At nasaan ba ako? Parang may mali..

Masakit... masakit ang buong katawan ko. Pero mas nasasaktan ang puso ko. Bakit ganito?

Parang may humihila sa akin... Patungo saan? Hindi ko alam pero bakit parang gustong sumunod ng katawan ko. Pero parang ayaw ng puso ko..

"Happy birthday anak.."

Huh? Mama? Papa?

Pero saan galing ang mga boses? Bakit ang dilim?

"Bumalik ka na sa amin anak, please..." Ang sakit sa puso ko na marinig ang mga iyak na iyon.

Gusto kong hanapin kung saan galing ang  mga boses.

Unti-unti akong naglakad ng  pasulong kahit wala akong makita. Hanggang sa nakita ko ulit ang isang munting liwanag. Gusto kong lumapit doon pero biglang hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

"T-teka.. anong nangyayari sa akin?" Nagpapanic na ako pero bigla na lang parang may humahatak sa akin na pwersa. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakabalik na pala ako.

Nakabalik na ako sa lugar kung saan ako nararapat.

My heart was breaking.. I'm happy yet I'm lonely.. If everything was a dream then maybe my feelings are not real too.

Pero hindi ko matanggap na hindi iyon totoo.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata..

Tears.  Bumuhos ang luha sa loob ng maliit na silid na punong-puno ng mga taong mahahalaga sa buhay ko.

Back in 1763Where stories live. Discover now