Singsing

1.1K 53 5
                                    

Sobrang presko sa pakiramdam pagkatapos kong makaligo sa natagpuan ni Radleigh na malinis na talon. Binantayan talaga niya ang paligid kahit alam naman namin pareho na kami lang ang tao rito sa misteryosong isla na ito. Medyo malayo ang talon na ito sa may dagat. Nasa gitna na ata ito ng isla dahil medyo marami ng puno rito.

May nakita rin akong mga prutas na pwedeng kainin kanina at sinabi naman ni Radleigh na kukuha siya mamaya para may makain kami. Nilapitan ko ang mga damit namin na nakasampay sa batuhan. Tirik na tirik ang araw kaya papatuyo na ito. Tamang-tama kapag umahon na si Radleigh.

Nakasuot lang ako ng panloob at nakapulupot sa katawan ko ang aking saya. Mahaba ito ngunit umabot lang ito sa aking tuhod dahil ginawa ko itong parang off-shoulder dress. Mabuti na lang at dinala pala ito ni Radleigh ng tumakas kami sa mga alagad ni Don Gustavo. Kaya lang ay kinuha nina Osting at Mayumi ang aking puting baro na nakita nila sa ibaba ng puno na pinagtaguan namin noong gabing tumakas kami.

Napasimangot ako ng maalala ang mga kalaban. Ang sarap nilang tirisin. I can't wait to have my revenge already haha charot!

Mabilis natuyo ang mga panloob kaysa sa T-shirt at rugged pants ko kaya ito muna sinuot ko ngayon. Mas mabuti na iyon kaysa nakahubad.

Walang nakatira sa islang ito kaya tiwala akong walang sisilip sa akin noong naliligo ako. Maliban na lang kung magsilipan kami ng kasama ko.

Napatawa ako sa naisip ko pero agad din akong napaigik. Masakit pa rin ang katawan ko.

Napalingon ako sa talon. Medyo may kataasan ang bagsak ng tubig kaya naman hindi ko masyadong makita ang hinahanap ko.

Hmmp! Nagtago talaga siya. Takot masilipan.

Napahagikgik ako sa naisip ko. Maya-maya ay naisipan kong iprank si Radleigh. Naliligo kasi siya ngayon sa talon at ako naman ang nagsisilbing look out dito. Kanina ay binantayan naman niya ako at talagang hindi gumalaw ang ulo ng gwapong ginoo. Para siyang estatwa kanina haha.

Teka, uso naman kaya dito ang prank? Baka hindi pa nila alam ang tungkol doon di ba?

At dahil likas akong pilya sumigaw ako na parang wala ng bukas para simulan na ang pag-prank ko kay Radleigh.

"Rad! Tulong!!!" Pinilit ko pang umiyak para pang-best actress na pero pumiyok lang ako.

Putek yan!

Paglingon ko sa talon ay biglang may umahong adonis. Napatanga ako sa hubad na katawan ni Radleigh habang tudo hulog ang patak ng tubig . Sinundan ng mata ko ang tumutulong tubig sa katawan ng binata at halos maduling na ako sa sobrang lapit niya.

Wait what? Paano siya nakalapit agad sa akin.

"Mi amor, anong nangyari?" Humihingal pang tanong niya sa kin. Mabilis niyang tinignan ang katawan ko bago madilim na inilibot ang mga mata niya sa paligid.

"May ligaw na hayop ka bang nakita? May ibang tao ba rito maliban sa ating dalawa?" Mapanganib niyang tanong na kahit ako ay kinilabutan sa pagkamangha sa kaniya.

He is dangerously hot right now! Sobrang bilis niyang umahon sa talon ng marinig ang sigaw ko at hindi na nag-abalang takpan ang kaniyang kahubdan.

Is this guy for real? This is 1763 everyone! Parang hindi man lang nailang ang gwapo!

Muli siyang tumingin sa mukha ko at lumambot ang ekspresyon ng gwapo niyang mukha.

" Patawad natagalan ako sa paglangoy. Natakot ka ba binibini ko?"

Hoy bakit ang landi mo Radleigh! Lalo akong nahuhulog sa iyo huhu.

Hindi pa rin ako makapagsalita at nakatulala lang ako habang nakatititg sa kaniya.

Back in 1763Onde as histórias ganham vida. Descobre agora