Pagsisisi

1K 45 3
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nakita ko ang pamilyar na bintana sa mansiyon ng mga Polavieja.

Iginala ko ang aking paningin sa loob ng malawak na silid. Nakahiga ako sa malaki at kumportableng kama. Pamilyar sa akin ang silid na kinalalagyan ko.

Napahawak ako sa aking balikat at napangiwi. Nakabenda ito pero kapag nahahawakan ay nananakit pa rin ang sugat.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Napabangon ako ng makita si Aling Sintang na may hawak na pagkain. Muntikan na akong mapamura ng biglang kumirot ang sugat ko.

"B-binibining Acilegna. Huwag po muna kayong gagalaw." Agad namang ibinaba ni Aling Sintang ang dala nitong mga pagkain sa isang lamesa. Tinulungan niya akong makaupo ng maayos.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng ginang at agad na humingi ng kapatawaran.

"Patawarin niyo po ako Aling Sintang. Kasalanan ko po ang lahat." Naluluhang nasabi ko sa ginang.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago nagsalita si Aling Sintang.

"Wala po kayong kasalanan binibini." Napasinghot ito at agad pinigilan ang nagbabadiyang luha. Si aling Sintang ang nanay ni Meldina at alam kong sobrang sakit ng malaman nila ang nangyari sa dalagita. This is 1763 and a woman's dignity and purity is very important to the Filipino people. Kahit nga sa panahon na pinanggalingan ko ay mahirap tanggapin ang krimen na ginawa nila kay Meldina!

"Kumain po muna kayo binibini upang manumbalik ang inyong sigla at lakas." Bumalik ang sigla sa mukha ni Aling Sintang ngunit dama ko na pinipilit lamang nito ang sarili na maging matatag.

Inilapag ni Aling Sintang ang mga pagkain at tubig sa aking harapan. Tumanggi ako ng akmang susubuan ako ng ginang dahil  kaya ko pa namang igalaw ang aking mga kamay. Nakakahiya rin kay Aling Sintang no!

Pagkatapos kong kumain at uminom ay hindi pa rin ako makapagsalita. Nagbabara ang lalamunan ko. Iniligpit naman ni Aling Sintang ang mga pinagkainan ko at lumabas na sa silid pagkatapos kong magpasalamat.

Malungkot akong nakatanaw sa nakasarang pinto. Namiss ko si Meldina.

Kumusta na kaya siya?

Buong maghapon pa akong natulog muna sa silid. Dinadalhan lang ako ng pagkain at pinapainom ng halamang gamot nina Aling Sintang at iba pang kasama kong tauhan sa hacienda Polavieja. Hindi ko nakita si Radleigh at nahihiya naman akong magtanong kung nasaan siya.

Gusto ko ring itanong ang tungkol kay Meldina ngunit palaging umiiwas ang tingin sa akin ng mga taong pumapasok sa silid para daluhan ako.

Pahirapan pa akong nakaligo ng hapong iyon pero kailangan kong lumabas. Medyo mabuti na ang aking pakiramdam kaya naisipan kong bisitahin si Meldina.

Nakapag-ayos na ako at handa na sanang lumabas ng kumatok si Aling Sintang. Nagkagulatan pa kami ng makita niya na bihis na bihis ako at handa ng lumabas.

"Binibining Acilegna, kailangan niyo pa pong magpahinga. Darating na rin po mamaya si Senyor Radleigh." Nakitaan ko ng tunay na pag-aalala ang mukha niya. Malungkot akong lumapit sa ina ni Meldina at mukhang lalo itong nagulat ng yumakap ako sa kaniya.

"Gusto ko pong makita si Meldina. Mabuti po ba ang kalagayan niya?" Napaluha ako ng niyakap rin ako ng ginang ng mahigpit na parang kumukuha ng lakas. Nanginginig pa ang boses niya ng magsalita.

"Ang batang iyon. Marami siyang nais gawin kahit isa lamang kaming dukha. Ngunit hindi ko na makita ang kislap sa kaniyang mga mata. H-hindi ko gustong makita ang aking anak sa ganoong sitwasyon." Tuluyang nabasag ang boses ni Aling Sintang at napahagulgol siya sa aking balikat.

Back in 1763Место, где живут истории. Откройте их для себя