Back in 1763

4.3K 127 90
                                    


"Susunod kami ng papa mo pagkatapos ng isang linggo, anak." Malambing akong niyakap ni mama pagkatapos kong mag-impake ng mga gamit. Isang maliit na maleta na kulay puti lang ang dala ko. Meron naman na kasi akong mga gamit sa bahay ni lola Maya na naiwan ko doon dalawang taon na ang nakararaan.

Lumapit din sa akin si papa at hinalikan ako sa noo.

"Mag-iingat ka doon ha? Huwag kang lalabas ng walang kasama." May pag-aalalang paalala ni papa sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at isa-isa ko silang hinalikan sa kanilang pisngi.

I love my parents and I don't want to make them worry about me anymore.

" Mag-iingat na po ako doon. Kaya huwag na po kayong mag-alala. Mag-ingat rin po kayo dito ah." May ngiti sa labing sabi ko naman.

"Nga pala nak, may sorpresa kami sa iyo sa labas." Habang nagpupunas ng luha ay sinabi sa akin iyon ni mama.

Nakangiti naman si Papa na parang ine-encourage akong lumabas at tignan ang sorpresa nila.

Lumabas ako ng bahay kasama sina mama at papa. Hawak ni papa ang maliit kong maleta. Dumiretso kami sa nakaparadang van kung saan nakasakay ang mga pinsan kong sina Cheena at Jonas.

Kasama ko silang babyahe papuntang La Union. Ang magmamaneho para sa amin ay ang Tito Carlos na ama ni Jonas. Kapatid ni mama at bunsong anak ni Lola Maya.

Tatlo ang anak ni Lola Maya. Dalawang lalaki at isang babae. Panganay si mama na siyang nag-iisang babae. Pangalawa naman ang ama ni Cheena na si Tito Romulo na nasa La Union. Pang-huli nga ay si Tito Carlos.

Tahimik ang mga pinsan ko na ngumiti sa akin. Samantalang binati naman ako ni Tito Carlos at hinalikan sa noo.

Napatigil ako sa akmang pagbati sa mga pinsan ko ng makita ko na hindi lang sila ang tao doon.

"Tita G-Grace?" Napaluha ako ng lumabas ang tita ko sa van. Agad niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.

Hindi ko napigilang mapahagulgol habang yakap niya ako.

"Namiss kita pamangkin. Pasensiya na kung ngayon lang tayo nagkita. Hindi kasi ako pinayagan ng amo ko sa Dubai na umuwi kahit sinabi kong gusto kong makita ang pamangkin kong kagigising lang mula sa pagkaka-coma."
Kwento ng tita ko pagkatapos kong kumalas sa yakap niya at tinignan siya .

Wala kasi siya noong magising ako sa hospital. Dalawang buwan rin ang nakalipas mula ng magising ako at hindi ko siya nakita man lang na dumalaw sa akin.

Tapos sabi nina mama,nagtrabaho raw siya sa Dubai makalipas ang anim na buwan mula noong macomatose ako para may maidagdag sa pambayad sa private hospital na kinaroroonan ko noon.

Natouched talaga ako noon at talagang hinihintay ko ang araw na muli kaming magkita para makapagpasalamat ako sa kaniya.

Si auntie Grace ang nag-iisang kapatid naman ni papa. Wala siyang asawa at siya lagi ang kasa-kasama ko noong nasa Japan pa ang mga magulang ko.

Sobrang sinisi raw niya ang sarili niya noong maaksidente ako. Kaya naman nangibang-bansa siya para makatulong sa gastusin ng pagpapa-ospital sa akin.

Masyado nga lang mahigpit ang amo niya at pinagbawalan siyang umuwi agad dito sa Pilipinas. Paminsan-minsan lang din daw siyang payagan na makatawag kina papa noon.

"Tita, salamat po." Ang dami kong gustong sabihin pero iyon lang ang namutawi sa bibig ko.

Nilingon ko ang parents mo at nginitian ko sila ng matamis.

Heto pala ang sorpresa nila sa akin. Masaya ako na muli kong nakita ang tita ko. Lalong masaya ako dahil kasama ko ang mga magulang ko.





Back in 1763Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin