Chapter 3

806 15 0
                                    

Chapter 3

Eadric Hernandez' POV

Ang kulit ko nga siguro. First day pero ang feeling close ko na. Argh! Eadric, bakit kasi ang kulit mo! Argh.

Teka, himala. No texts or calls from Pat.

"Hey Babe. End na ng class ko for today. Where are you?"

"Babe, here pa ako sa building namin. Chatting with my new friends. Siguro, una ka na. Mag-dinner daw kami later eh."

"What? Di pa tayo nagkikita since I arrived."

"Sorry Babe. Nauna sila mag-plan eh."

"Wow. Just wow Pat."

Boyfriend, kailangan ko makipag-unahan sa kanyang new-found friends. Great.

Nag-sight seeing na lang ako. Went to the nearest coffee shop just to chill. Then nag-photo walk.

Fortunately, na-relax ako. Umuwi na ako ng dorm around 7 pm. Wala pa si Kuya. So, wala akong makakasama mag-dinner. Sad. How sad. Kahit yung highschool friends ko, di na din ma-contact.

So I think, I'll be eating alone. Again.

Habang kumakain, naalala ko naman si Bryan. Nasaktan ako sa sinabi niya pero I think its my fault din kasi. Haist. Mag-sorry na lang ako bukas.

.

.

.

.

June 4, 2014 - Tuesday

Maganda ang araw di katulad kahapon. Yey!

Pero iiwan ko na tong camera ko. Wala naman exciting na mangyayari sa akin for sure.

Tama na ang room na napasukan ko. Andito na din si Paul. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga chicks niya. Music, kung anu-ano. Biglang may nagpatong ng payong sa table ko.

"Sorry sa sinabi ko kahapon. I'm having a bad time yesterday and I shouldn't be blaming you. Sorry." Si Bry pala to.

"Uy, okay lang. Haha! Thanks! Mahal to ah. Fibrella pa. Sorry din kung ang feeling close ko kahapon." Pagpapasensya ko.

Tumungo na lang siya at umupo dun sa kanilang side ng room. Tahimik lang talaga siya. Pangiti-ngiti kapag kumakausap pero di niya nakakwentuhan. Ano kayang problema niya?

.

.

.

"Uy tara kain!" Pagyaya ko kay Bry.

"Sige okay lang. Meet ko friends ko nung HS eh. Next time na lang." Nakangiti naman siyang sumagot. Okay naman na siguro kami.

Sabay-sabay kaming kumain nila Paul. Ma-ingay na. Nakakilala na siguro ako ng barkada pero nasa isip ko pa din si Bry. Ano kaya yung problema niya kahapon?

.

.

"Eadric, mall tayo mamaya. Wala pa naman tayong gagawin. Sama daw si Nathan at Lorenz" pagyaya naman ni Paul.

"Sa MOA tayo!" Sabi ko naman. Sayang di ko dala camera ko!

"Sure. Tara!" Sabi naman ni Nathan.

Sa tingin ko, para kaming boy group. Di naman sa pagyayabang may mga itsura kaming lahat. Si Nathan ang pinakamatangkad medyo may kahabaan ang buhok tapos singkit ang mata. Parang kpop superstar,

Si Lorenz naman, kahit medyo weird. Loko loko kapag nagbibiro. Haha! Di namin mapigilan tumawa. Yung dating niya din parang matinee idol.

Si Paul naman athlete. Malaki ang katawan tapos chinito. May dimples din siya pag ngumingiti. Halatang chickboy.

WHY? (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora