Chapter 37

418 18 8
                                    

Chapter 37

February 5, 2014 – Thursday

Eadric Hernadez’ POV

Habang nag-eexam di ko malimutan yung yakap ni Bry. Sa harap ng buong klase niyakap niya ako ng ganun. Iba yung pakiramdam ko tuloy, parang sa kanya kasi okay lang sa kanya na ilabas yung feelings niya sa madaming tao. Di sa nag-aassume ako pero kung ano yung nararamdaman niya, pinapakita niya. Kung galit siya, galit siya. Kung inis, inis. At kung masaya siya, napakasaya talaga.

Natapos na ang exam, si BRy yung huling natapos. At paglabas niya ng pinto, di ko mapigilan na di mabagabag sa itsura niya.

“Anong problema Bry?” Pagtatanong ko sa kanya.

“Wala eh. Feeling ko mababa na naman ako… Osige guys, una na ako. Andyan si Papa sa dorm eh. Una na ako ha? Happy Birthday ulit Ed.” Si Bry.

Parang naguguluhan ako sa nangyayari. Parang nalulungkot ako na ewan. Birthday ko tapos malungkot si Bry tapos aalis na rin siya agad. Ano ba naman ‘to.

“Ahh… Eh… Ganun ba? Osige. Basta sa Friday na libre ko ha. Para di kayo pagod lahat.” Sagot ko na lang.

.

.

.

Nagyaya sina Paul kumain sa labas para kahit papaano ma-celebrate yung birthday ko. Pero di ko mapigilan na tumahimik. Na malungkot. Bakit ganun? Ang daya naman oh.

“Oh Ed, bakit parang malungkot ka?” Tanong ni Nathan.

“Ha?” Nagulat ako ng bigla niya akong kausapin. “Hindi aaaahhh! HAHAH! Tara kainin na natin yung cake!!”  Pag-alok ko naman.

“Ay gusto ko yan.” Si Paul. Matakaw talaga!

Pinilit ko na lang mag-jokes. Magpatawa para di nila mahalata na nalulungkot ako. Ng biglang….

“Ed, ano regalo sa’yo ni Bry?” Tanong ni Paul.

“Wala eh. Di niya sigro na-prepare. Haha! Baka next time.” Sagot ko.

“Ganun? Bakit nung birthday ko, meron? Eh puro exams din nu---“ Si Mariella. Siniko na lang siya ni Regie para matigil. Pero sa totoo lang, oo nga no. Exam week din naming yung birthday ni Mariella.

***FLASHBACK

January 8, 2014 – Wednesday

Exam week, fresh na fresh pa mula sa Christmas break ay tinadtad na kami sa exams. Pero siyempre di naming nalimutan ang birthday ni Mariella. January 9 ang birthday niya.

WHY? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now