Chapter 36

363 10 0
                                    

Chapter 36

January 30, 2014 – Thursday

Eadric Hernadez’ POV

Di ko namalayan na halos patapos na yung buwan na ito at sa pagpasok ng Pebrero, birthday ko na. Birthday ko sa Feb 5. Di ko pa nga alam kung anong gagawin naming celebration kasi parang nagawa na naming lahat. Pero ang mas bumabagabag sa isip ko ay yung ireregalo sa akin ni Bry.

Di naman lingid sa kaalaman natin na sobrang ma-effort na magregalo si Bry. Kung matatandaan niyo, yung regalo ni Bry nung birthday ni Nathan eh isang graffiti painting ng pangalan niya. Tapos nung  birthday nung tatlo, sina Lorenz, Paul at Regie, magagandang paintings din yung bigay niya. At nitong huli, yung birthday ni Mariella, painting ng mukha ni Mariella na pinatong sa ulo ni Einstein. Sa amin kasing magbabarkada, si Mariella ang pinakmatalino pero medyo uto-uto.

Medyo nag-eexpect na ako na may painting din akong makukuha ka Bry at alam kong espesyal yun pero mahirap na mag-expect. Busy pa naman ang dadating na week kasi hell week. Puro examinations at long exam, maisisingit niya pa kaya yun? Huhu!

“Teka, madilim na pala sa labas.” Si Kuya Taci. Kagigising niya lang. Wala kasi siyang pasok tuwing Thursday kaya naman todo inom sila ng kabarkada niya kagabi.

Ako naman half-day lang kaya mga 3pm nasa dorm na ako. Wala kaming gala ngayon kasi lahat nag-aaral para sa long exam. Ako naman, tulaley.

“Oo. Anong gising yan? Gising tamad? Haha!” Pang-aasar ko kay Kuya.

“Sus, ikaw talagang bata ka! Palibhasa puro pagpapa-cute mga ginagawa niyo ng kabarkada mo. Haha! Di kayo umiinom no?” Si Kuya Taci.

Napa-isip nga naman naman ako, di pa kami umiinom magbabarkada, puro adventure lang. Ayun na lang kaya gawin ko sa birthday ko, para maiba naman!

.

.

.

Maya pa ay napag-desisyunan ko ng mag-aral ng biglang may nagtext.

From Bry:

“Ed! May notes ka ba dyan? Yung galling kay Sir?”

Ugh. Si Bry na naman. Isang gwapong distraction. Haha!

Ako: “Yo! Meron ako. Send ko sa’yo.”

Bry: “Wait! Wala kaming net sa dorm. Mabagal. Punta ako dyan, dadala ako ng USB.

Ako: “Ganun? Osige.”

Wala pang 5 minutes eh may kumatok na bigla!

WHY? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now