Chapter 15

467 10 1
                                    

Chapter 15

Eadric Hernandez' POV

October 16, 2013 - Wednesday

Araw ng pasahan ng research paper. Masaya ako di lang dahil maganda ang naging resulta ng paper namin kundi okay na din kami ni Bry.

9 am ng linggo kami nagising ni Bry at tinapos namin ang paper hanggang tanghali. Nagkwentuhan kami pagkatapos tapos ay kumain sa labas. Namiss ko ng sobra yung company ni Bry. Balik na kami sa dati. Asaran. Kulitan. Barahan.

Ngayon, magkatabi kami ni Bry sa klase. Siya nag-dodrawing sa sketchpad niya. Ako naman eh gumagawa ng assignment. Biglang may lumapit sa amin.

"Oyyy! Tabi ang long lost friends!" Pang-aasar ni Paul.

"Okay na kayo? Yikeeeee!" Na dinagdagan pa ni Lorenz.

"Tuloy ang bromance! Hahahaha!" Na dinagdagan pa lalo ni Regie.

"Namiss ko kayo." Sabi naman ni Mariella.

"Mga siraulo! Haha! Di naman kami nag-away!" Sabi ni Bry. Habang pinagbabatukan si Paul at Lorenz.

"Nagpa-miss lang ako kay Baby boy." Sabi ko naman habang haplos sa mukha ni Bry. Ang lambot nito. Hayyy.

"Kiss nga!" Pang-aasar ni Lorenz. Sana pwede no? Haha! Jk.

"Ulol! Haha! Pagsabi naman ni Bryan. Namiss ko yung tawanan namin na ganito.

"Asan nga pala si Nathan?" Pagtanong ko.

"Ahh, papunta pa lang, nagka-problema kasi sa research namin. Di na-save sa usb. Di tuloy na print." Pagsabi naman ni Lorenz.

.

"Ayan na pala eh." Si Paul.

"Ayos ka lang? Pawis na pawis ka ha." Si Bry. Nakita ko ang concern niya kay Nathan. Iniiwasan ko ang pagseselos. Lalabanan ko ito.

"Tinakbo ko naman eh. Haha! Buti umabot!" Sabi naman ni Nathan.

"Uy! Long lost friend! You're back! Hahaha!" Pang-aasar naman sa akin ni Nathan.

Binatukan ko naman si Bry.

"Bwisit naman yung caption mo sa instagram! Haha!" Sabi ko.

"Sorry na Baby boy." Sagot naman niya.

.

.

.

Masaya na ulit ang barkada. Dahil sa akin, muntik ko ng masira tong pamilya na ito. Sorry guys. Di ko na uulitin.

.

.

.

.

.

Nagpatuloy ang mga araw. Final exams dito. Final exams doon. Hay. Nakakapiga ng utak.

.

.

.

October 25, 2013 - Friday.

Last day of exams. Start of sembreak.

Yehey!

"Tara gala?" Yaya ni Nathan.

"G!" Sabi ko naman.

"Let's!" Sabi naman ni Bry.

"Saan tayo?" Tanong ni Mariella.

"Baguio!" Pagyaya ko.

"Taraaaaa!" Sabi naman ni Regie.

"Ano yan? Ako drive? | | _ | |" sabi naman ni Bry.

"May lisensya din ako. Sub ako sayo." Sabi naman ni Nathan.

"Meet na lang tayo. Mga 10pm. Para makapag-empake." Sabi naman ni Bry.

.

.

.

.

Roadtrip na ulit. Kung anu-anong kwentuhan. Kantahan. Kulitan.

Hinayaan ko na pala si Nathan na lang ang maupo sa harap. Nasa likod ako katabi ko si Paul at Regie. Tabi sila Lorenz at Mariella sa second row.

"Paul, tignan mo si Lorenz at Mariella. Parang may namumuong lovestory. Haha!" Pabulong kong sinabi kay Paul.

"Oo nga no. Haha! Tsktsk! Tanong mo si Regie kung ano meron!" Pabalik naman na bulong ni Paul sa akin.

"Reg! May something ba?" Sabay ngumuso ako kina Lorenz.

"Hahaha! Secreeettt" Sabi naman niya.

"Shet! May something ngaaa!" Sabi naman ni Paul.

Nagtawanan na lang kami sa loob.

.

.

.

5 hours na kaming bumabyahe. Kamusta na kaya si Bry. Di rin sila nag-uusap ni Nathan. Haist.

Nathan, I'm doing this for you. Wag mong sayangin, please.

WHY? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon