Chapter 17

476 11 0
                                    

Chapter 17

Ilang oras din kaming bumiyahe at nakasandal lang ako kay Bry. Pakiramdam ko, ang himbing-himbing ng tulog ko. Sana lagi na lang ganito. Inalis ko na din sa isip ko kung ano man ang pwedeng isipin ni Nathan. Naniniwala ako sa mga sinasabi niya.

"Oy gising na! Manila na tayo! Sino unang ihahatid? Haha!" Tanong ni Nathan. Agad naman kaming nagsipag gising,

Naunang inihatid ang mga babae. Syempre huli na kami ni Bry. Habang papunta na sa dorm....

"Bukas ka na nga uuwi?" Tanong ko. Pinipigilan kong ipakita ang lungkot.

"Yeap! Excited na nga ako eh. Haha! Bakasyon sa bahay! Yeah!" Sagot niya. Bakas sa mukha niya ang excitement.

Di man lang siya nalulungkot na di na muna kami magkikita? Siguro iniisip niya, magkikita pa rin naman kami sa pasukan.

Pero ang tagal nun! 2 freaking weeks!!

.

.

.

"Dorm mo na! Haha! Enjoyin mo sembreak mo ha? Byeeee!" Masaya niyang pagpapaalam sa akin. Ako naman, di ko na mapigilan ang lungkot.

"Ingat din. Enjoy your sembreak." Tanging ayan na lang ang nasabi ko bumaba na ako sasakyan.

Pumasok na ako sa dorm ng matamlay. Tumingin akomsa likod at wala na yung kotse ni Bry. Excited na nga talaga siya umuwi.

.

.

.

October 28, 2013 - Monday

Araw ng pag-uwi ni Bryan papuntang Pangasinan. Start na ng separation anxiety ko.

Di ko napigilan, kaya tinext ko na siya. Simula kasi nung maghiwalay kami, wala akong balita sa kanya.

***To Bry

"Yo! Nakaalis ka na ba?"

Mahigit sampung minuto na ako nag-aantay pero wala. Haist. Nakalimot na ba agad?

Ang clingy ko na ba? Haha!

.

.

.

.

.

Gavriil Bryan Illano' s POV

Today is the day I will go home! I'm so excited, I just can't hide it.

Maaga pa lang, inayos ko na ang damit kong iuuwi. Madami na rin akong tambak na kung anu-anong gamit na pakalat kalat sa dorm na kailangan kong ayusin kaya inabot na ako ng tanghali ng pag-aayos.

Di ko namalayan na nagtext si Ed.

***From Ed

"Yo! Nakaalis ka na ba?"

2 hours ago.

***To Ed

"Yo baby boy! Dorm pa ako. Sorry late reply, dami kong inayos.

Maya-maya pa ay nagtext na si Ed.

Ed: Ahh! Haha! Aalis ka pa ba?

Bry: Oo naman. Hana! Paalis na ako.

Ed: Ahh. Osige. Ingat.

Uy, bakit parang naging cold yung text. Hmmm! Namimiss na ata agad ako nito. Haha!

Bry: bakit biglang cold? Miss mo na ako no? Hahah! Amin na kasi.

Ed: Huh? Anong aaminin ko?

Bry: Na namimiss mo na kaagad ako.

Ed: Di no! Bored lang ako. Haha!

Bry: Ahh! Osige haha! Sabi mo ehhh!

.

.

.

After 30 minutes, sumakay na ako ng kotse at nagsimula na ang biyahe ko papuntang Pangasinan. Mahaba-habang biyahe ito.

Nalungkot naman ako bigla, tuwing ganitong mahabang biyahe kasi may katabi akong Ed na nangungulit sa tabi ko. Ako ata yung naunang makamiss. Tetext ko kaya? Hmmm. Maya maya, baka makahalata.

After 3 hours...

"Aba, di na talaga nagparamdam 'tong tukmol na si Ed ah!" Bwisit na reklamo sa sarili ko.

Itinabi ko muna ang sasakyan ng nakakita ako ng fastfood chain. Tumigil ako para kumain na muna. Tinawagan ko na si Ed. Di ko alam, bigla ko na lang tinawagan siya.

"Yo!" Boses ni Ed. Uy namiss ko tong boses niya.

"A-ahh e-ehh..." Anong sasabihin koooo?

"Huy! Miss me? Sus. Haha!" Pang-aasar niya. Pero totoo naman.

"Di no! Itatanong ko lang kung.....hmm... Nakita mo ba yung t-shirt sa kotse... Yung... Green? Wala kasi akong pamalit. Haha! Oo tama. Yung t-shirt." Ano ba tong sinasabi ko? T-shirt na green? Wala nga ata akong damit na green! Utang na loob.

"Di eh. Bili ka na lang bagong shirt." Sabi naman niya. Mapang-asar pa.

"Sus. Wala na akong pera....Ano gawa mo dyan?" Gusto ko lang siya makausap ngayon. Hayy. Sana wag niyang mahalata.

"Uhmm.. Nuod ng movie lang. Dami kong na-download na bago. Haha!" Sabi niya. Lalo ko pa siyang namiss kasi pagnanunuod ng movie, magkasama kami. Ibang klase ang nagawa ng bestfriend kong to.

"Hmm, di mo ba ako namimiss? Ako kasama mo lagi manuod ng movie. Haha!" Sabi ko naman. Pero gusto ko lang marinig na miss niya ako.

"Asa! Ang saya nga eh. Walang nakakatulog sa pinapanuod ko. Walang sumasandal sa balikat ko. Haha! I'm freeeee!" Parang kumirot ang puso ko ng marinig yun kahit alam kong may halong biro yun.

"Suss! Sige ka, wala ka ng hihigaan na dibdib dyan. Haha!" Namimiss kong alagaan tong tukmol na to. Sana di na lang ako umuwi.

"Teka, di ba nagda-drive ka? Bakit kausap mo pa ako? Ako ata namimiss mo ehhh! Amin ka na! Amin na! Haha!" Gusto ko man umamin, kaya lang yung pride ko. Haist.

"Kumakain kasi ako. Sige na nga. Bye na." Pagpapaalam ko para di na siya magduda.

"Tampo pa. Sus. Osige ingat sa biyahe." Pagpapaalam niya.

3pm na. Mga 6pm siguro nasa Pangasinan na ako. Bumalik muna kaya ako sa dorm? Makipagkulitan muna ako kay tukmol?

Ahh. Wag na. Andito na ako eh.

.

.

.

.

.

.

To be continued...

WHY? (BoyxBoy)Where stories live. Discover now