Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

/1/ She's Dead

112K 2.6K 647
                                    

Kabanata 1: She's Dead

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 1: She's Dead


"PATAY na si Sari."

Natigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon, mga salitang binitiwan na akala mo'y wala lang, simple, direkta at kaswal. Kaagad akong nagtungo sa labas.

"Saru?"

Sa loob ng isang buwan, isang beses lang akong nakatatanggap ng tawag mula sa kanya. Minsan pa nga'y sa loob ng isang taon ay bilang lang sa daliri kung ilang pagkakataon kaming nag-usap sa telepeno. At pagkatapos ng halos dalawang buwan magmula ng huli ko siyang nakausap ay ito ang maririnig kong balita.

"Saru?"

"Ma?" halos pumiyok ako nang sabihin 'yon.

"Patay na ang kambal mo."

Ano'ng gusto mong gawin ko? gusto ko sanang isagot.

"Umuwi ka."

"Saan?" Gusto kong matawa sa sagot ko.

"Dito, dito sa Santiago, sa bahay natin."

Natin? Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa o malungkot sa sinabi ni Mama. Matuwa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay niyaya niya akong umuwi sa kadahilanang patay na si Sari—patay na ang kapatid ko na matagal nang nawalay sa'kin.

"Alam na ba ni Papa?" tanong ko.

"H-hindi pa. Sa totoo lang, anak..." Anak... ang sarap pakinggan, "Hindi ko pa nasasabi sa papa mo."

Isang dekada na rin siguro ang lumipas noong huling mag-usap ang mga magulang ko. Mga bata pa kami noon at walang kamuwang-muwang kung bakit kinakailangan nilang maghiwalay.

"Sumama sa iba ang mama mo." Siyam na taong gulang ako noong una kong narinig ang mga salitang 'yon. Dahil sa kamusmosan ay hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin nang mga salitang 'yon. Simula noon ay naging lasenggero ang aking ama at nang lumaki ako'y doon ko napagtanto kung paano ang takbo ng mundo, kung ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang ko. Dahil doon, hindi na ako naniwala sa pag-ibig.

"Sige, ako na lang ang magsasabi sa kanya." Hinihintay kong sabihin niya kung dapat ko bang isama si Papa papuntang Isabela pero nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya.

"Sige, Saru, i-text mo na lang ako. Nandito na yung mga pulis."

"Pulis? Bakit?" Pero hindi niya na 'ata ko narinig at binaba na ni Mama ang tawag. Napahinga ako ng malalim.

"Saru! Kanina ka pa d'yan, bumalik ka na rito sa trabaho!" Kaagad kong tinago ang cellphone ko nang makita ko sa pintuan ang amo ko.

*****

KATULAD ng inaasahan, nang umuwi ako sa bahay, amoy serbesa na kailanma'y hindi na yata natanggal. Pagpasok ko sa sala ay nagtungo ako sa maliit na kusina, napasulyap ako sa orasan, at nakitang alas dos na ng madaling araw. Bukas ang tv, isang pelikula ang tumatakbo sa DVD player, nagkalat ang mga bote sa sahig, may chicharon at suka sa lamesita, at nakahiga si Papa sa mahabang papag.

KAHIMANAWARITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon