Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

/5/ Wala nang Atrasan

43.7K 1.8K 83
                                    

Kabanata 5: Wala nang Atrasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 5: Wala nang Atrasan


SAKTONG tumunog ang orasan nang dumilat ako. Sumalubong ang kahoy na kisame at aaminin kong ni hindi man lang ako namahay nang matulog ako sa mismong kama ni Sari. Mabilis akong bumangon at bumaba sa unang palapag. May nakita akong isang itlog sa ref at niluto ko 'yon, may tinapay sa pantry at nag-agahan.

Wirdong pakiramdam na parang ang tagal ko nang nakatira rito at ni hindi ako naiilang. Pagkatapos ay naligo ako sa banyo, lumabas na nakatapis at kaagad na umakyat sa itaas, sa kwarto. Binuksan ko ang malaking aparador at tumambad doon ang mga damit ni Sari, may uniform na sa tingin ko ay kaysa rin sa akin.

Nang makapagbihis ay nakita ko ang itim na bag na nakasabit sa likuran ng pinto. Kinuha ko 'yon, binuksan at tinaktak ang laman sa kama.

Nakita ko ang mga sumusunod:

I.D. ni Sari

University Handbook

Black Porfolio na may tag na "P.T.U." sa gitna

Isang envelope na naglalaman ng iba't ibang size ng I.D. pictures.

At ang mas natawag ng atensyon ko ay ang isang Bank Passbook. Kinuha ko iyon at binuksan.

Shit. Hindi ko maiwasang malula sa laki ng amount na nasa passbook at nakita ko ang pinakadulo nitong balance. Zero. May isa pang brown envelope at kinutuban ako kung ano 'yon. Pera! Na-withdraw ba niya lahat ng pera? Sinilip ko ang loob at tantiya ko na nasa bente mil 'yon.

Napasulyap ako sa orasan at nakitang kalahating oras bago mag-alas otso. Nag-usap pa naman kami ni Taisei na magkikita kami sa HQ ng Pluma ng alas otso. Kaya nagmadali na 'kong gumayak.

*****

ANG sama ng tingin sa'kin ng guard na sumita sa'kin kahapon. Ngayong nakasuot na 'ko ng proper uniform at I.D. ay wala na siyang ibang magawa kundi papasukin ako sa loob ng campus. Sumalubong ang maraming estudyante, on-going pa rin ang enrolment. Medyo hindi pa 'ko sanay sa paligid kaya hindi ko maiwasang mapalinga-linga sa buong paligid habang naglalakad papunta sa HQ ng Pluma.

May bakas ng lumang istilo ang building katulad ng mga bahay noong panahon ng Espanyol at medyo hinaluan ng modernong disenyo gamit ang mga Greek columns. May kaunting background ako ng history ng architecture noong minsan akong nag-aral noon. Narating ko rin ang tapat ng HQ at nag-alinlangan akong kumatok.

"Pasok."

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad kaagad si Taisei, abalang abala sa mesa sa pagbabasa ng kung anu-ano—may dyaryo, magazine, mga libro, at iba pa na hindi ko alam kung para saan.

"Late ka ng ten minutes." Sabi niya at ibinaba ang binabasa. "So, wag na tayong magsayang ng oras at ilahad mo na ang dapat mong sabihin katulad ng ipinangako mo kahapon."

KAHIMANAWARITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon