Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

/3/ Ignorance

48.3K 2.1K 210
                                    

Kabanata 3: Ignorance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 3: Ignorance


MAYNILA.

Tiyak kong mamamatay sa inggit yung mga naiwan kong katrabaho sa Cebu kapag nalaman nila na ang pinapangarap nilang puntahan na lugar ay inaapakan ko na ngayon. Nagtataka rin ako kung bakit karamihan ng mga kasama kong Bisaya ay gustong makarating dito. Di hamak na mas maganda ang lugar namin kaysa sa magulong siyudad na 'to.

Bago ko makalimutan kung anong ipinunta ko rito—ang maghanap ng trabaho. Oo. Iyon talaga ang dahilan, kinuha ko lang na pagkakataon ang ibinigay ng nanay ko sa'kin. Pero sa totoo lang... Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Walang kaalam-alam ang tatay ko na tinalikuran ko lahat ng responsibilidad na iniwan ko para lang magsimula rito. Ngunit para kanino? Para saan? Tila nawalan ako ng direksyon.

Kanina pa 'ko palisaw-lisaw at hindi ko alam kung saan tutungo. Hindi naman sa mangmang ako sa lugar na 'to pero hindi ko lang talaga alam kung paano ako magsisimula. Wala akong dala na kahit na ano bukod sa sarili ko, sa damit na suot ko, isang bag na may lamang bote ng tubig, payong, wallet, cellphone, suklay, pulbos at ang journal na asul ni Sari. Ipinangako ko kasi kay Mama na kaagad akong babalik kapag nagawa ko na ang pabor niya, ngunit hindi, hindi na ako babalik pa.

"Quiapo! Quiapo!"

Sumakay ako ng bus kahit hindi sigurado. At ngayon naman ay tila inuusig ako ng kunsensya nang makita ko ang perang binigay ni mama, pera bilang kapalit ng pabor na gagawin ko. Napahinga ako nang malalim habang nakatanaw sa labas ng bintana, nilalasap ang polusyon mula sa mga sasakyan at traffic.

Sige. Gagawin ko ang ilan sa pabor. Kinuha ko ang papel sa bag kung saan nakasulat ang address ng dating tinitirhan ni Sari.

Bumaba ako sa Quiapo, malapit sa simbahan. Tumambad ang mga deboto. Sumalubong ang hindi kaaya-ayang amoy. Maraming basura, maraming palaboy, mga nagtitinda, mga taong sa isang tingin pa lang ay hindi mo na pagkakatiwalaan. Nilagay ko sa unahan ang bag ko, at nagsimulang maglakad. Hindi ko man kabisado ang lugar, naglakas loob akong magtanong tanong tungkol sa lugar na pupuntahan ko. At sa awa ng diyos, natunton ko ang barangay.

Siksikan at maraming tao. Dikit-dikit ang mga bahay at halos pinagtitinginan ako ng mga tao, alam na isa akong dayo. Huminto ako sa harapan ng isang up and down na maliit na bahay.

"Tao po?"

"Anong kailangan mo ineng?" Mula sa likuran ay sumulpot ang isang uugud ugod na matanda.

"Hinahanap ko po ang land lady ng apartment na 'to."

"Ako iyon. Sorry ineng pero puno na kami ngayon, e."

"Ah, hindi po, may dati po kayong boarder, si Sarina Sumiyaya. Itatanong ko lang po sana kung alam niyo kung saan siya lumipat?"

"Sarina? Ahh teka... hindi ko na maalala kung sino iyon."

"Ganon po ba?" Mukang hindi niya na nga naalala. "Sige po, maraming salamat."

KAHIMANAWARITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon