Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

/2/ Hoping to Happen

60K 2.1K 404
                                    

Kabanata 2: Hoping to Happen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 2: Hoping to Happen


"ANIA ti naganmo? Makasaoka iti Ilocano?"

Medyo nagulat ako nang sumulpot sa tabi ko ang isang ale. Matapang ang amoy ng pabango nito at nangingibabaw ang kulay violet nitong blouse. Ikalawang gabi na ng burol ni Sari at mas dumagsa ang mga tao.

"Naku, Lolet, hindi ka niya maiintindihan." Mabuti na lang at biglang dumating si Mama dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong itinanong sa'kin ng ale. "Ano raw pangalan mo at marunong ka bang mag-Ilokano?"

"Sorry naman, beh." Sabi sa'kin ni Aling Lolet at ngumiti lang ako sa kanya.

"Ako po si Sarumi."

"Ay diyos ko, Sarumi, ne nasayaat ta addakan. Condolence pala, kumare." Hinawakan niya ang kamay ni mama.

"Oh siya, intan sa loob, Lolet."

"Tamang tama, mabissin nakon. Ikwento mo pa sa'kin kung anong nangyari."

At pagkatapos ay umalis sila at pumasok sa loob ng bahay. Naiwan akong nakaupo habang pinagmamasdan ang malaking larawan ni Sari sa ibabaw ng kabaong. Maingay pa rin ang mga naglalaro ng Bingo sa labas ng terrace at ang kanya-kanyang usapan ng mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi ko maintindihan dahil mas madalas silang mag-usap ng Ilokano.

Nakilala ko na rin pala ang iba pang mga anak ni Mama, at ang asawa naman niya ay nasa abroad at hindi ko lang alam kung uuwi ba para sa burol ni Sari. Bale si Mama ang nag-aasikaso sa lahat ng mga anak niya rito at mayroon siyang negosyo sa palengke na sobra niyang pinagkakaabalahan. Mukhang hindi naman sila salat sa buhay. Si Sari pa lang ang pinadala at pinag-aaral nila sa Maynila.

Kapag pinagmamasadan kong maigi ang larawan ni Sari ay hindi pa rin ako lubos makapaniwala sa naging sanhi ng pagkamatay niya. Suicide daw. Sa aliwalas ng kanyang ngiti at napakaamong itsura, paano niya iyon nagawa? Hindi pa rin ipinapaliwanag sa'kin ni Mama kung anong nangyari. Hindi ko naman siya maabala dahil ang dami niyang ibang bisita na inaasikaso.

Maya-maya'y nakita ko si Aling Lolet na lumabas na may dalang pagkain at naki-table sa mga kakilala. Nakita ako ni Mama at lumapit siya sa'kin.

"Saru, halika." Yaya niya sa'kin at sumunod lang ako. Nagtungo kami sa likuran ng bahay. Walang ibang tao at nakutuban ko na may sasabihin siyang importante.

"Hindi ka lang nagsasalita pero alam kong gusto mong itanong, at kung tutuusin dapat malaman mo." Umupo kami sa isang mahabang kahoy na upuan. Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siya magkwento. "Pasensya ka na kung ngayon ko lang sasabihin kung ano ang nangyari, hindi pa rin ako makapaniwala."

Huminga nang malalim si mama at nakita ko ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Nakita ko na pinipigilan niyang maiyak.

"Tumawag si Sari noong October 18, Martes, sembreak na raw nila sa school. Uuwi siya ng Isabela kinabukasan, pero noong araw na luluwas na siya ay tumawag siya ulit at sinabing hindi raw siya makakauwi dahil may sakit siya; nagsusuka at nilalagnat. Biyernes na siya nakauwi rito at sabi niya okay na siya pero nagkulong lang siya sa kwarto. At noong Sabado, ang huling usap ko sa kanya ay tinanong niya sa akin kung nasaan 'yung martilyo dahil magkakabit lang daw siya ng picture frame sa dingding. Nagkulong siya ulit at kinabukasan... natagpuan namin siyang patay sa kama, habang may laslas ang kaliwang kamay."

KAHIMANAWARITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon