Ang Pagpipigil ng Pagtae

49 1 0
                                    

Masakit mang aminin

Pero nakakaginhawa naman ng damdamin

Gustong ilabas at ipakita sa mundo

Ngunit di kayang mapahiya sa taong gusto ko

Nababaliw, nahihirapan at nasasaktan

Tuwing ito'y aking pinipigilan


Nagpipigil kahit nakakasakal

Nagpipigil upang di masampal

Kaya ang pagmamahal ko sayo ay mahahalintulad ko

sa pagpipigil ng pagtae

Ako man ay nahihirapan 

Kinikimkim pa rin nang ikaw ay aking makamtan

kahit sa tabi mo bilang iyong kaibigan 

kahit sa likod mo para ikaw ay suportahan

kahit sa iyong harapan para ika'y protektahan

at kahit nasa malayo pa ako, upang aki'y tingnan


Ilang beses ko man gustuhin na aminin

kung gaano ako kasabik sa iyong yakap 

sa iyong mga ngiti na ako ang dahilan

sa iyong tingin na ako lang ang nakikita

ako pa rin ay nagpipigil  sa takot na ako ay iyong layuan

Oo, baliw na nga yata ako dahil sa aking isipan

Ikaw lang ang laman nito


Ikaw ang puno't dulo ng  tulang ito

Ang taong gusto kong sabihan

Kung gaano kahirap ang pagpipigil sa pagtatae

dahil sa ilang subok ko man aminin sayo

ay di ko magawa 

dahil handa ako maging kuntento sa kung anong meron tayo

dahil handa akong magsisi at magpakaduwag

 para lang ika'y di mapalayo sa aking piling


Ilang beses ko man gustong aminin sayo

ang masasabi ko nalang ay kung gaano kahirap ang magpigil sa pagtae

Kung gaano kahirap umamin sa iyo ng hindi ka mawawala

Mahal kita, pero di mo ito malalaman.



Poet's WallWhere stories live. Discover now