Chapter 2

16.8K 237 15
                                    

Chapter 2

Tahimik akong pumasok sa bahay niyang walang buhay. Naiwan ako at natagalan ako sa opisina dahil may report pa akong tinapos. Walang tao nang makarating ako dito. Isa pa, sobrang aga pa para umuwi siya ngayong gabi. Diretso akong silid ko at nagbihis. Inilabas ko din ang mga visual aids ko at subject outline. May long quiz na naghihintay sa mga estudyante ko.

Napatingin ako sa labas ng pinto ko nang makarinig ako ng kalabog. Napatingin ako sa digital clock sa aking harapan and its just 9:45 PM. Ang aga naman ata niyang umuwi. Usually madaling araw na siya umuuwi e o di kaya, ilang araw pa ang lilipas bago niya maisipang umuwi dito.

Palihim akong lumabas at tiningnan siyang nakaupo sa sofa ng sala.

Napailing ako at bumalik na lang sa kwarto para isipin ang gagawin ko bukas.

Ano kaya ang mabuting strategy sa mga first year college students ko? If only I am full time professor, mas madaming oras sana ang maibibigay ko sa kanila. Pero hindi ko magawang mag-apply for full time service dahil may trabaho pa ako kay Mike.

Teaching has always been my passion.

When Mike told me not to mind his business anymore, it also means keeping me away from him. Bago pa man ako kami ikinasal, isa na akong professor sa isa sa mga matatanyag na unibersidad ng syudad. Hindi ako iyong klase ng tao na sobrang vocal sa mga pangyayari sa buhay at kailanman hindi ako naging close sa mga co-teachers ko dito dahil medyo bago pa ako at wala pang isang taon. I always distance myself too and I think its for the best para iwas issue. Siguro hindi na din sila nagtanong tungkol sa buhay pag-ibig ko dahil araw-araw naman nilang nakikita sa table ko ang malaking name block kong, Mrs. Jullian Antonnish. Maybe they concluded na may asawa na ako and so as my students. I am not a 'Mrs.' for nothing afterall.

Sabi nila, in order to moved-on, dapat daw may bago kang pagkakaabalahan. Sobrang nakakatulong sa akin ang trabaho kong ito para maidivert ko ang aking sarili sa mga sakit na aking naranasan. Tuwing nakikita ko ang aking mga estudyante, kahit papaano nakakalimutan ko ang sakit. Magandang simula iyon noon sa pagmomoved-on ko at pagtanggap ko sa kagustuhan niyang hindi ko na siya dapat pakialaman.

Napatingin ako sa cellphone kong biglang tumunog.

Lumapit ako dito at nakita kong si Josef ang tumatawag. Ang pinsan kong hindi ko close noon na close na close ko na ngayon.

"Hello?" magiliw kong sagot una sa tawag niya.

"Jullian, are you free? Kakauwi lang namin galing L.A. Kain tayo!" masayang sabi ni Josef sa kabilang linya. Napatingin ako ulit sa relo. Maaga pa.

"Sige ba, basta libre mo ha! Saan?"

Narinig ko muna siyang tumawa bago ako sinagot. Napailing  ako.

"Walang problema. Nandito din si Andrea. Halika ka. Nasa gloriamariz kami." nakaramdam ako agad ng kasiyahan sa sinabi ni Josef at naibaba ko kaagad ang tawag.

Isang linggo ko na silang hindi nakita dahil ipinauwi muna sila ng Papa nila sa states sa hindi ko malamang dahilan. At miss na miss ko ang dalawa.

Kumuha ako ng damit sa closet ko at isinuot ko ang isang peach dress na hanggang tuhod lang at tinirnuhan ko ito ng isang step-in sandal.

If only I am allowed to go out with a T-shirt and short, I could have flown directly, pero may pangalan akong inaalagaan sa labas. It's better to be ready than sorry. My students might see me there. And as a teacher, it is my duty to be a good example kahit na sa likod ng mukha ko ay ang hindi maitsura kong buhay.

Nagmamadali akong lumabas sa aking silid at nakita ko  si Mike sa sofa. Dinaanan ko na lang siya at kinuha ang susi ng sasakyan ko sa gilid ng telepono namin.

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Where stories live. Discover now