Chapter 12

8.5K 136 2
                                    

Chapter 12



Hindi ako nakatulog nang maayos. Dilat na dilat pa din ang mga mata ko hanggang sa nakita ko na lang na nakalabas na pala ang sinag ng araw. Magdamag kong inisip ang 'sorry' ni Mike at ang pagluhod niya sa harapan ko kagabi. Gusto kong maawa pero bumabalik sa isipan ko ang galit ko sa ginawa niya sa aking labi.

Napatingin ako sa digital clock sa gilid ng kama. 8:07 na ng umaga. Panigurado at nakaalis na iyon. Kailangan ko nang bumalik sa aking silid at magtrabaho. Sobrang gulo ng sala namin paglabas ko. Nagkakalat pa din ang mga basag na bote ng alak. Nagkibit balikat at dumiretsong silid ko. Hindi ko responsibilidad na linisin ang kalat. Bahala siyang maglinis sa sarili niyang kalat. Naligo ako at nagbihis na lang. Kailangan ko nang pumasok sa kompanya.

Susubukan kong kalimutan na lang ang nangyari sa amin kagabi. Susubukan ko.

Tahimik akong pumasok ng kompanya. Alam ng mga tao na asawa ako ni Mike at ako ang kanyang sekretarya. Sa halos ilang buwan ko na dito sa kompanya, wala ni isa sa kanila na naglakas ng loob ng kumausap sa akin. Binati ako ng security guard at tinanguan ko lang ito.

Nakarating ako sa floor namin at nagulat ako sa sobrang gulo ng lugar. Nakakalat sa tiled-floor ang mga lupa ng mga halaman at mga papel. May nakita pa akong basag na baso sa gilid at bote ng isang inumin.

Napabuntong hininga ako sa pinanggagawa ni Mike dito. Hindi ko alam kung bakit hanggang dito ay nagwawala pa din siya.

Humugot muna ako nang malalim na hininga bago ko binuksan ang pinto ng opisina niya.

"Di ba kayo nakakaintindi? Sabing wag niyo akong istorbuhin ngayon!" Sigaw niya agad nang makapasok ako. Nakatalikod siya kaya hindi niya nakikita ang mukha ko.

Biglang may folder na lumipad sa gawi ko. Laglag panga akong natamaan nun. 'Yong dulo pa talaga ng folder ang tumama sa pisnge ko. Mas lalo kong naikuyom ang mga palad ko.

May nakita akong box ng board pen na may laman pa. Hindi ako nagdalawang isip at pinalipad ko iyon papunta sa kanyang ulo. Bigla siyang lumingon kaya perpektong tumama ito sa mukha niya.

"WHAT THE FV-"

"Talaga?" sabi ko at nagtaas ng kilay.

"Jullian," bigla siyang huminahon.

"What have you done to the place? Hindi naman sa nangingialam ako Mike pero sana naman nag-isip ka."

"Jullian,"

"Paano pala kapag dadating bigla dito ang Papa mo? Anong sasabihin natin?"

"Jullian..." napailing na lang ako sa kanya at saka siya inirapan. Tahimik akong lumabas ng opisina niya at pinulot ang telepono. Tinawagan ko kaagad ang utility office para magpapunta dito ng janitor.

Hindi nagtagal, bumalik sa dati nitong ayos ang lugar namin. Naging busy ako sa pagtanggap ng mga tawag at pag-arrange ng mga schedule ni Mike para sa iba pang meeting.

Kailangan na namin ng tulong ng Perez Corporation. May bagong proposal ang Papa ni Mike ng tumawag ito last month at iyon ay magpatayo ng community college. Kailangan naming makuha ang loob ng Perez Corporation para masimulan na ang proyekto. Inayos ko ang sulat at proposal letter.

Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Mike nang makarinig ako ng nabasag sa loob. Tumayo ako agad para matingnan kung ano iyon. Don't tell me, nagwawala pa din siya?

"What happened?" sabi ko agad. Nakatayo si Mike harap ng malaking bintana at may basag na vase sa kanyang gilid. Napabuntong hininga ako at umalis. Bumalik ako sa aking inuupuan at bumalik sa trabaho.

Hindi ko alam kung bakit naghahasik siya ng lagim dito at kanina pa niya binabasag ang mga kagamitan niya. Nababaliw na ba siya? Dapat na ba akong tumawag sa mental hospital? Which is which? Bahala na siya!

Binuksan ko ang drawer ko para kumuha ng stapler. Bumungad sa akin ang litrato naming dalawa noong kasal namin. Napangiti ako ng mapait. Sayang na sayang talaga! Paano kaya kapag nalaman nila Mommy ang nangyari sa akin? Kukunin kaya nila ako at ipalipad papuntang New York? Bahagya akong napapikit at isinara ulit ang drawer. Napaangat ang tingin ko at nakita kong dumaan si Jane sa gilid. Nginitian niya lang ako at lumiko siya papuntang sales department na nasa kaparehang floor namin.

Biglang may nag pop-out na email sa aking computer. Nakita kong galing kay Andrea ang message. Nagmamadali akong buksan ito at bumungad sa akin ang pictures ng dalawang pares ng lingerie na kanyang hawak.

"Ate. According to my research, ang mga babae daw na niloloko ng kanilang asawa ay dapat nagpapasexy. Why don't you try this? Wala namang mawawala. I've sent a box of sexy office attires sa bahay niyo. Nasa labas daw iniligay nung inutusan ko. Galing iyon kay Daddy na hindi ko naman magagamit dahil masyadong sexy. Try them."

Napakunot noo ako sa caption ni Andrea sa photo? I will... what?

May message na namang dumating,

"As I said, walang mawawala kapag susubukan mo."

Napahilig na lang ako sa aking inuupuan. Really? Then maybe atleast I should try.


Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora