Chapter 6

8.9K 138 6
                                    

Chapter 6


"Excuse me Ma'am, I'm kinda lost sa poem sa situation number 2." Napatingin ako sa aking estudyante na nagtanong at nakita ko siyang napalunok. Tiningnan ko naman ang nasa manila paper.

'That one memory,

A memory of forever.

Forever stood still,

Still haunting you down -

Down to your core.'

Ibinalik ko ang aking paningin sa estudyante ko at tumayo. "Who among you here has the same problem with him?" tanong ko sa klase. "Please raise your left hand."

Sunod-sunod silang nagtaasan ng kamay. Napabuntong hininga ako.

"Okay. I believe you all dreamed to become a teacher someday. Those words in the situation number 2, it's like a memory of forever you won't forget. Imagine you are a teacher now, what are the possible memories you won't forget even when you get old? That whatever you do, it will still haunt you. And don't just think about happy memories because from the word haunt, it goes another way around."

Nang makita ko silang tumango, napangiti ako. bumalik ako sa pagkaupo. Memories. They haunt down. Hindi ko tuloy maiwasang balikan ang alaala namin ni Mike noon.

"Someday, magpapatayo ako ng bahay natin. Pag-iipunan ko siya at bubuhuin. Syempre, kasama ka na doon."

Masayang sabi niya sa akin habang nakahiga kami sa kama niya. Mag-iisang buwan na simula noong ikinasal kami at nasa higaan kami naglalambingan.

I want Mike to be around me always. And he wants that too.

Naramdaman kong hinahalikan niya ang tenga ko at nakikiliti naman ako. Bawat kasiyahan ko, nakadepende na kay Mike. 

"Kung ano ang gusto mo, gusto ko na din." Sabi ko naman sa kanya habang nakasiksik sa leeg niya. Nagsisimula na din akong magturo sa unibersidad at isang beses lang sa isang linggo ako pumapasok doon dahil sa nakalinya lang sa isang araw ang apat kong klase at wala ng iba.

"Mahal na mahal lang talaga kita Jullian. Sobra... Nababaliw na ako sa iyo. Dapat ako lang ha? Ako lang dapat ang nakikita ng matang iyan... ako lang dapat ang nahahalikan ng labing iyan... ako lang dapat ang kinakausap mo... Hindi ko alam ang gagawin ko kung bigla ka na lang mawala sa buhay ko, na iba na ang mahal mo. Sana wag tayong umabot doon..." naiyak ako sa sinabi niya at napahawak na lang ako sa kanyang pisnge.

"Mahal din naman kita Mike. Katulad mo, nababaliw na din ako sa iyo.." umangat siya at hinalikan ako agad sa labi. Panunuyo ang halik niya at mababaw lang.

 I don't think my love for Mike will change.. baka siya, mawala ang pagmamahal niya sa akin.. sana hindi.


Nagluto ako ng paboritong pagkain ni Mike kasi sabi niya kanina sa akin, uuwi daw siya sa pananghalian. Napakanta-kanta pa ako sa saya nang aking naramdaman. Nang makita kong luto na, pumunta naman ako sa mesa at inayos ang bagong bili kong rosas sa ground floor ng condominium. Inilagay ko ito sa vase at ipinuwesto sa gitna ng aming mesa.

Napatingin ako sa orasan. Pasado alas dose na pero wala pa din si Mike. Kinuha ko ang aking cellphone sa may kitchen counter kung saan ko iniwan kanina at tinext si Mike.

Ako:

Hun, nasaan ka na? Handa na ang pagkain.


Sinend ko at sinamahan ko pa iyon ng smiley.

Agad ding nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong may reply agad.


Mike:

Busy ako. May meeting.


Ramdam ko ang pagbagsak ng aking balikat sa reply niya. Busy? Napailing ako. Baka busy lang talaga ang asawa ko at nakalimutan niya. Ibinalik ko ang aking cellphone sa counter at sinimulang iligpit ang aking niluto. Mamaya na lang ito. Iinitin ko na lang ulit mamaya para makain pa niya. Gutom ako kanina pero mukhang nawalan ako ng gana sa pagkain. Pumunta akong kwarto at humiga sa kama. Matutulog na lang muna ako habang hinihintay kong makauwi si Mike mamaya.


Nagising ako sa bandang alas sais ng gabi. Agad akong pumunta sa CR para maghilamos at mag-ayos. Bumaba din ako agad at bumalik sa kusina. Kinuha ko ang ulam na iniligpit ko kanina at sinimulang initin sa microwave oven. Inihanda ko din ulit ang mesa at nagsindi ako ng kandila para pagdating ni Mike, magagandahan siya sa inihanda ko.

  Nagvibrate ang cellphone ko sa kitchen counter na iniwan ko lang kanina. Kinuha ko ito at nakita kong may text kay Mike. Agad ko itong binuksan at binasa.

Mike:

I'll be home late. Wag mo na akong hintayin. Matulog ka na una.


At sa pangalawang beses, napabagsak balikat naman ako. Sobrang busy ba talaga niya? Nakakapagtaka naman. Eto ang unang beses na ganito siya ka kabusy. Gusto kong pinundutin ang call pero baka nasa meeting siya at makaistorbo pa ako. Inilagay ko ulit ang cellphone sa kitchen counter at nagsimula na naman akong magligpit ng pagkain... ulit. Pinatay ko ang kandila at pumunta akong fridge. Kumuha ako ng tubig at uminom. Kinuha ko ang ang aking cellphone sa counter at pinatay ko ang ilaw. Tahimik ulit akong pumasok sa kwarto at humiga sa kama.

Tumatakbo ang isipan ko ngayon at nakaramdam ako ng konting takot. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. Ipinikit ko na lang ang aking mata at inisip ang masasayang alaala kasama si Mike.


Nagising ako sa kalabog na aking narinig. Agad kong kinapa ang katabi ko at naramdamang wala si Mike sa aking tabi. Napahawak agad ako sa aking dibdib. Hindi pa siya nakauwi? Anong oras na? Napatingin ako sa orasan sa aking gilid at nakitang alas dos na ng umaga.

May kumalabog ulit sa labas. Napatayo ako agad at lumabas ng kwarto. Nakita ko ang nagkakalat na mga basag ng bote sa sahig namin. Nanlaki ang mata ko at mas bumilis pa ang tibok ng puso ko sa kaba.

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Where stories live. Discover now