Chapter 7

9K 138 0
                                    

Chapter 7


Napailing ako. The memories of forever that is still haunting me to the core.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng aking blouse sa harapan nang magvibrate ito. Agad kong nakita ang mensahe ni Red sa screen.

Red:

Julia, Perez corporation would like to review the Service Agreement we presented to them last week. Pa re-send nga ako.

Salamat.


Napatango ako at palihim na napangiti. Ito iyong proposed project ng kompanya para sa bagong linya nila Mike at Red na community college sa bukidnon. I can't wait for this!

***

 "Josef? What are you doing here?" natapos na ang panghuling klase ko sa umagang ito at nakakapagtatakang makita ko si Josef na nakaupo dito sa loob ng opisina namin nang ganito ka aga.  Mabuti na lang at wala ang mga kasamahan kong teachers dito sa opisina namin at baka napuno na nila ako ng tanong.

"Jullian, Seriously? Hindi ko alam ang gagawin diyan sa Asawa mo! Siniraan niya ako sa investors namin. Lintek alam mo iyon Jullian? At ang mas nakakabwesit, lahat nag back-out dahil sa paninira niya sa kompanya ko!" natigilan ako sa sinabi niya. I don't know what to say. This is actually the first time I saw Josef this problematic. This must be really serious.

 "Magkakilala kayo?" I ask with curiosity. "At paano mo nalaman?" Hindi magkakilala sina Josef at Mike dahil nakalimutan kong ipakilala si Mike noon kay Josef sa araw ng kasal namin at isa pa magkaiba ang mundong ginagalawan nila. Josef is more on food-business while Mike is in Hotels and Malls. Kaya nakakapagtakang malaman na nagkabangga ang dalawa.

"Alam mong hindi kami magkakilala. Ang sekretarya ko ang nakaalam at sinabihan niya lang ako. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya para pabagsakin niya ako ng ganoon!" napasigaw na lang si Josef sa galit. Hindi ko alam na kaya pala ni Mike na manira ng kompanya ng ibang tao. Hindi naman kasi siya ganyang klase ng tao. Pero siguro nagbago na talaga siya ng tuluyan at wala na siyang sinasanto ngayon. Bigla kong naalala ang narinig ko kaninang umaga sa bahay doon sa katawag niya. God! Could it be? Napailing ako.

 "So anong gagawin mo?" kalmado kong tanong. Hindi ko pwedeng sabayan ang init ng ulo ni Josef at hindi ito makakatulong. Nasa isip kong tanungin si Mike pero hindi nga pala kami friends.

"Hindi ko alam." I frowned with his answer.

Napaisip ako.

"Palampasin mo na lang, Josef. Kapag sa susunod, nakialam na naman, saka ka na remesback. Be Wise! You don't know what he is up to. Hindi naman siguro naapektuhan ang milyon mo sa mga investors mong umalis di ba? " totoo. Kung magagalit ka, masisiyahan ang kalaban mo. Kaya hayaan mo muna. Act as if you don't care and like it didn't pain you. It will make them angry. Maiinis lang ang kalaban mo kapag deadma ka lang sa ginagawa niya sa iyo.

Tumahimik na lang siya at parang nag-isip. Sana alam niya ang salitang 'kalma' at gayahin na lang ako.

"Libre kang fries!" singit ko sa katahimikan niyang hindi ako sanay.

Dahil lunch break naman, sinamahan ako ni Josef sa mall at binilhan niya ako ng mcdo fries. Nasa braso niya ang kamay ko at tahimik lang kaming dalawa. I thank god for giving me a cousin and a friend like Josef. Na kahit may trabaho na siya ay hindi pa din niya ako kinakalimutan.

Hindi kami ni close ni Josef noon pero simula nung araw na wala na akong ibang natakbuhan, ay sa kanila na ako pumunta. And he never left me. He always cared. And I can still remember how many times I wished na sana siya na lang si Mike.

Bumalik kaming parking lot at una akong pumasok sa kotse ni Josef. Dahil nasa harapan lang ng unibersidad ang pinuntahan namin ni Josef, madali kaming nakabalik sa unibersidad. Huminto siya sa gilid ng aming opisina at kinalas ko ang seatbelt sa aking katawan.

"Hindi na ako bababa, Jullian at naghihintay na ang mga tao sa akin sa restaurant." Matamlay niyang sabi. Nalalasahan ko pa din ang lungkot sa kanyang boses.

"Salamat sef. Basta, kalma ka lang ha? We'll get over this." I assured him and give a smile. Tumango lang siya at bumaba na ako.

I don't know what is Mike doing. I really don't.


**

Maagang natapos ang klase ko sa hapon dahil bigla kaming ipinatawag sa aming chairman para sa isang meeting. Nang matapos ang meeting, dumiretso naman akong uwi sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-alarm ito nang makarating ako sa labas ng condo namin. Bumungad sa akin ang petsa at ang nakasulat sa alarm. Napabuntong hininga na lang ako sa aking nabasa at ibinalik ang cellphone ko sa loob ng aking bag bago tumuloy sa loob ng condo. Happy wedding monthsary! Napairap ako. May ganito pala talaga akong nalalaman noon. 

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Where stories live. Discover now