Missing Who?

489 7 0
                                    




Lean's Point of View


I wanted to curse so loud when the laptop went dead. Napatingin ako sa mga bagahe ko na nasa tabi ng kama ng hotel na tinuluyan ko ngayong gabi. Ni hindi ko nagawang ayusin ang mga bagahe ko na dadalhin sa convention at agad na nagdiretso sa opisina kung saan ko maaring makita si Alessa.


I sighed when I remembered the turn of events today. Inaasahan ko na itong araw na ito ay magiging maganda sa unang pagkikita namin ng babae na gumulo ng isip ko ng ilang araw. Para lamang madismaya nang hindi pala mukha niya ang ginamit nito. I couldn't blame her. Kahit naman ako hindi ko rin mukha ang ginamit ko.


What I did today was a total mistake. Hindi man lamang ako nakipag-ugnayan sa kanya bago ako bumaba sa Manila. I was too excited I guess na kilala siyang manunulat. At maari ko na siyang makita. I guess I was a total fool.


At kung hindi ba sadyang mapaglaro ang tadhana at makilala ko ang totoong Alessa.


I sat down on the edge of the bed and remember her. She was exactly the same image on that dating site. But she was quite snobbish.


Pero ang babae sa dating site...she was full of warmth. Agad na tinaboy ko ang nasa isip.  Hindi ko kilala ang babaeng nasa dating site.  Kung sino siya o kung may asawa ito.


The thought bothers me more.


Pero iisa lang ang maaring sigurado ako.


Para gamitin niya ang larawan ni Alessa, ibig sabihin isa itong fan ng manunulat.  Pero napakalaki ng Maynila para mahanap ko ito.  I lay down on the bed in frustration when I remembered how I foolishly spilled it out to her na nakita ko ang totoong Alessa.  It was a foolish act lalo na at may intensyon ako na makilala ang babae na nasa likod ng mukha ng totoong Alessa.


At dahil sa ginawa ko, malamang hindi na ito mag-online.  Or worse i delete ang account nito sa dating site.  I cursed in silence as I realized how foolish I acted awhile ago.


Natigilan ako nang mag ring ang phone ko.  Agad na inilabas ko yon sa bulsa ng pants ko at napabuntonghininga na lamang ng makita na si Chris ang tumatawag.


"So, Mr. Prince Charming have you seen your missing Cinderella?" Narinig ko ang tatawa tawang si Chris sa kabilang linya.  


Naningkit ang mga mata ko at pakiramdam ko ay namula ako.


"I did.  And she is not the missing Cinderella."  I could feel my own disappointment.  That somehow I didn't meet the real person behind the image.  


"What?  Teka, ang gulo ha?  Sabi mo nakita mo siya?  Pero hindi siya?"  Naguguluhang sabi ni Chris.

A Cinderella's Love (VVIP STORY at www.nobelista.com)Where stories live. Discover now